At ayun na nga, niyaya ng mga kaibigan niya si Ash magBar. Kasama noon sina Marco, Jeff at Kyle pero si Jc, hindi kasi may date sila noon ni Angela.
"So Ash, anung problema, bakit hindi na kayo nagpapansinan ni Jc?"
"Wala naman, hindi ko din alam" malungkot na sagot ni Ash.
"Mam, wag ka ng magtago, parang may naging something kayo ni Jc eh, feeling lang namin"
"Like what naman? OK kami, busy lang siya cguro sa nililigawan niya, haha" pabiro ni Ash na pilit tinatago ang totoo niyang nararamdaman...
"Ash, alam namin, may problema ka, wala ka sa sarili this past days, now tell us"
Napaiyak bigla si Ash, at dun nagsimula na siyang magkwento ng totoong nangyari sa kanila ni Jc.
"Ang tanga ko talaga kahit kelan, alam nyu yun. Hindi ako nagiisip. Lagi na lang ako nasasaktan. At ang masakit pa dun, sobra ko siyang mahal, mababaliw na ata ako, nagtiwala ako eh"
"Ash, kalimutan mo na siya, move on kahit hindi naging kayo, hindi siya worth it"
"Uu mam, kaibigan namin siya, pero kahit kami hindi pabor sa ginawa niya. Hindi nga din namin alam kung totoo ngang virgin yung lokong yun"
"Saka Ash, for sure, niloko ka niya, kinuha niya loob mo, kasi may habol siya sayo. And during that time, go ka din. Nakahanap siya tuloy na dahilan. That's why you fall."
"Guys, hindi kasi ganun yun kadali, minsan ang daling magpayo, pero kung kayo ang nasa sitwasyon ko, siguro maiitindihan nyo ako. Marami kaming memories. Akala ko posible maging kami. Kapag kaming dalawa lng nun, sobrang caring nya. Sobrang alaga. Iba siya eh, at iba na din siya ngayon"
"That's why, stop loving him, nag-iba na siya. May nililigawan na siya, so stop liking him"
"I don't know what to do. Hindi ko kaya. Akala ko kaya ko siya kalimutan ng ganun na lang, pero hindi pala"

BINABASA MO ANG
Marupok
RomanceThis is a story about a girl named Ashley. Who always fall with a wrong person... There are some stories with a very happy ending, but this one, maybe or maybe not... it has no ending, since I had no idea, what the other person thinks about.... And...