5: Ang Unang Pagkikita

229 13 6
                                    

HD’s Note: Edited na. Tulungan nyo po ako pagdating sa pag-construct ko ng English ha. tulungan tayo. (^o^) Nga pala, si Lisa nga po pala yung nasa right side. Isa sya sa mga katulong nina Athena sa mansion nila

***

Chapter 5 – Ang Unang Pagkikita

-- Athena’s POV --

“Maka-react ka naman dyan Sandra wagas. E alam mo namang iyong iyo lang naman sya diba? Kaya smile na Ate Sandra” sabi ni Hanna

“Whatever, and ‘ATE’ your face” sabi ni Sandra then she rolled her eyes.

Ang taray talaga, but I like it.

Habang sina Hanna at Sandra ay nag-uusap, at kami naman nina Curly, ako at Candice ay nagtatawanan lang sa pinag-uusapan nila.

“Hi Candice” sabi nung lalaking nasa likuran ko.

Nga pala, ako ay nakatalikod sa may pintuan.

Ayoko kasing makita ang mga itsura ng mga taong manlalait sakin e.

“Tss. Bakit kasama ka nila?” nakaturo pang tanong ni Candice doon sa kasama nung lalaking tumawag sa kanya.

Dahil sa ako ay hindi member ng gossip group, kaya hindi ko na tiningnan ang tinuro ni Candice.

Pakielam ko naman sa kanila diba.

“Candice, I think I’m part of the group that’s why I’m with them” sagot naman nung lalaki.

 “Yeah, whatever” sabi ni Candice.

At dahil sa hindi naman ako maka-relate ay hinayaan ko nalang sila mag-usap.

Ayoko ngang maging pakielamera, kaya eto, nilalantakan ko nalang yung pagkain na inorder ko.

May biglang tumabi na lalaki kay Sandra tapos hinalikan sya sa pisngi kaya nakatagilid sya sakin.

Katapat ko kasi si Sandra e.

Aww, ang sweet. Nami-miss ko na tuloy ang mahal kong si Patrick Eun. Kamusta na kaya sya?

Pagkaharap ng lalaki sa tapat ko.

O________O

“*ugh* *ugh*” nabilaukan ako sa nakita kong pagmumukha.

Nakatulala lang sya sakin, samantalang ako eto, kailangan ko ng tubig.

Hindi pa ko pwedeng mamatay. Charot.

May nag-abot naman ng tubig sakin. Kinuha ko naman agad at nilagok.

Habang nilalagok ko ang tubig.

O__________O

“PFFFFFFFFFTTTTT” hindi ko na napigilan.

Naibuga ko na yung tubig na nasa bibig ko.

“MR. PADER??? IS THAT YOUUUUU??” pagtatanong ko sa lalaking nagbigay ng tubig sakin.

Nakaturo pa yung hintuturo ko sa kanya.

Sya rin pala yung nabugahan ko ng tubig na nasa bibig ko.

Saktong sa mukha ko pa talaga sya nabugahan. amfufu naman oh.

“Hey, why did you that? Arg. You ugly betty” sabi ni Mr. Pader na halatang inis na inis.

Pasensya naman diba, nakaharang kasi yung pagmumukha nya ehh.

The Dancing Slayer [Under-Construction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon