HD’s Note: Ngayon nalang ulit ako nakapag-update. (^o^) Tapos ko na ding i-edit ang lahat ng chapters.
Etong chapter na ito ay ide-dedicate ko kay @pixydust na friend ko. Hoy bakla, ayan na ha, na-i-dedicate na kita. Gusto mo pasabog pa tayo ng kwitis sa loob ng bahay nyo e. haha. Maagang happy new year yun pag nangyari yun. Haha. Loveyah !! :D
So anyway here it goes. I hope you enjoy this chapter kahit pangit. (^o^)v
***
Chapter 7 – The Ring
-- Athena/Marisol’s POV --
Nandito kami ngayon ni tatay Gomez sa tapat ng pinto ng mansion namin.
Matigas kasi ang ulo ko kaya hindi ko susundin ang utos nung kutong lupa na yun.
Pero hindi ako naka disguise as Marisol ha, yung tunay kong itsura ang ginamit ko kasi alam kong nandito ang mga walang kwenta nyang mga kaibigan.
Paano namin nagawa ni tatay Gomez para hindi ako umuwi as Marisol?
Isa lang ang simpleng sagot dyan, edi nagpunta kami sa mall.
But anyways, binuksan ko na ang pinto ng kotse para makababa na ako.
Pagkakababa ko sa kotse ay pumasok na agad ako sa loob ng bahay, nakita naman ako agad ni kutong lupa at kinaladkad papuntang garden?
“Anong sabi ko sayo?” bungad ni Alexis nung nandito na kami sa garden at pabalibag na binitawan ang braso ko.
Nanlilisik pa yung mga mata nyang nakatingin sakin.
“Ahm” tapos kunwari nag-isip pa ako “Ang pagkaka-alala ko, wag muna akong pumunta dito sa bahay kasi may bisita ka? Tama ba?” pang-aasar ko pa sa kanya.
“Alam mo naman pala e, bakit ang tigas ng ulo mo? Parang hindi ka sinabihan a. Ang kulit mo. Kaya may na-“ hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita.
Ako na naman ang sinisisi nila, ako na naman ang may kasalanan.
Kailangan ba talagang sakin isisi lahat, wala rin naman akong alam kung pano nangyari ang bagay nay un.
Pero heto sila, ako ang hinuhusgahan, what a life. What kind of family are they?
“Wag mo ng tapusin yang sasabihin mo dahil alam ko na naman kung ano na ang kasunod nyang mga litanya mo. At masyado ng masakit sa tenga para pakinggan pa ng paulit-ulit. Para na kayong mga sirang plaka kakaulit ng dahil sa nakaraang iyon” sabi ko sa kanya.
Akmang aalis na ako para pumunta sa kwarto ng bigla ulit syang magsalita.
Ang salitang pinaka-ayaw kong marinig sa lahat lalong lalo na kapag galing sa pamilya ko.
Kahit na hindi ko sila ka-close, pinahahalagahan ko parin sila.
“Sana ikaw nalang talaga ang nawala at hindi sya. Sana ikaw nalang ang kinuha nila para hanggang nayon, hindi na namin sya hinahanap. Sana masaya kami ngayon at parang walang problema. Kung ikaw sana ang nawala-“ hindi ko na ulit sya pinatapos.
Leche, ang sakit na ng mga sinabi nya.
“Edi sana sinabi mo nalang na dapat mamatay nalang ako diba. Wag ka na dapat magpaliguy-ligoy pa. Dun rin naman talaga mauuwi ang lahat ng sinabi mo. Wag kang mag-alala. Kapag napapayag ko yang NANAY mo na lumayas ako dito sa bahay nyo, siguradong hindi mo na talaga ako makikita para wala ka ng masabi pa sakin ng kung anu-anong masasakit na salita” pagkasabi ko nun, tumakbo na ako papunta sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
The Dancing Slayer [Under-Construction]
Teen FictionNagbabalik ako ngayon pero aayusin ko muna to para mapagpatuloy ko na ulit to. Salamat sa lahat ng nagbabasa at kung wala man magbasa neto, okay lang. Salamat