HD’s Note: Edited na, Kapag may maling grammar, tulungan nyo kong ayusin ha. Salamat sa tutulong sakin. Sa right side po pala yung mga magiging bagong kaibigan ni Athena or mas kilala sa school nila as Marisol. (^o^)
***
Chapter 4 – meet new friends
-- Athena’s POV --
Nandito kami ngayon ni Curly sa Soccer Field, dito parin syempre sa loob ng campus.
Maaga kasi kaming ni-dismiss ng professor namin dahil nga sa first day of school palang.
“Oo nga pala Marisol ko, san ka nakatira?” tanong ni Curly
“Bakit mo nilalagyan ng ‘ko’ yung pangalan ko? Pagmamay-ari mo ako?” tanong ko sa kanya.
Sa totoo lang, simula nung nakapasok kami sa room, lagi na nyang dinadagdagan nang word na ‘ko’ yung name ko.
“Oo, you’re mine, only mine. So, san ka nga nakatira?”
“Ah, malapit lang ako dito sa school e” no choice but to answer her question kahit hindi totoo.
“Ah, ganun ba” sabi ulit nya.
I just nodded as an answer.
Nakakatamad kasing magsalita ehh
“Let’s go. I want to go home na” dagdag pa nya.
Kaya tumayo na kami
Papunta kami ngayon sa front gate.
Ayaw nya raw kasing nagdadala ng kotse ehh.
Ewan ko dito kay Curly.
“Marisol, tara sumabay ka na sakin. My driver will drive you home” sabi ni Curly
“Thanks… but… no thanks. Malapit lang naman ang house ko dito sa school e. Konting lakad lang naman yung gagawin ko. Sige, ingat ka ha. Bye!” hindi na nya ako kinulit pa.
Mabuti naman kung ganun.
Sumakay na sya sa kotse nya at nagpaalam na.
Tiningnan ko nalang ang sasakyang sinasakyan nya, nang mawala na ito sa aking paningin ay agad ko namang tinawagan para sabihing sunduin na nya ako sa malapit na 7-11.
Mga ilang minuo lang din ay nandun na ako sa may 7-11.
Pumasok muna ako sa loob para bumili ng TREATS na chocolate at bumili na rin SMART C+ na inumin. Nagbayad na ako at lumabas na.
Pagkalabas ko ay may nakita akong isang magarang kotse na padating.
Ang sasakyan na iyon ay tumigil sa harap ko.
Dahil sa hindi ko ma-recognize ang magarang sasakyan na iyon, hindi ko ito pinansin.
Pero palihim kong tinititigan kung sino ang nasa sasakyan, malay mo gwapo pala ang may-ari nyan.
Hihi, kung kelang pangit ako atsaka pa ko lumandi.
Kaso nga lang, hindi ko makita yung taong yun dahil tinted ang salamin ng sasakyang iyon.
Bumababa yung salamin ng kotse at tumambad sa akin ang isang makisig at maalindog na lalaki sa balat ng lupa…
It’s no other than… Mr. Gomez *applause*
“Hop in!” sabi nya.
Wow, spokening dollar talaga tong si tatay ahh.
Pero dahil sa mabait ako sa aking tatay, kaya sinunod ko sya.
BINABASA MO ANG
The Dancing Slayer [Under-Construction]
Novela JuvenilNagbabalik ako ngayon pero aayusin ko muna to para mapagpatuloy ko na ulit to. Salamat sa lahat ng nagbabasa at kung wala man magbasa neto, okay lang. Salamat