HD’s Note: Tamang edit muna. Kapag may maling grammar, alam nyo na ha. Tulungan nyo kong mag-edit kapag may English na. Salamat (^o^)
Marisol Cervantes on the right side (^o^)v
***
Chapter 3 – Plankton University
-- Athena’s POV --
“Baby Athena, anak gising ka na dyan. It’s your first day of school right?” sabi nung yumuyugyug sakin
Pamilyar yung boses e, pero hayaan ko na lang.
Gusto ko pang matulog, anong oras na kasi ako nakatulog dahil sa nakipag-chikahan pa ko sa mga kaibigan ko.
“Baby Athena bangon na? Maaga pa ang pasok mo. Ano ka ba?” ang kulit ha
“Hmm?” pag-ungol ko
“Tumayo ka na dyan, mag-ayos ka na for school. Tayo na” hinihila-hila nya yung kamay ko.
Nakakairita naman yun, kung sino man to. At dahil sa naiirita na ako
“Okay fine. Eto na, tatayo na. Tsk” tumayo na nga ako habang nangangamot sa ulo koat deretso punta ng CR.
Hindi ko na nga natignan kung sino ang nanggising sakin.
After 1 hour ko sa kwarto ko, bumaba na ako ng hagdanan para mag-breakfast.
Nakita ko naman sina mommy, tanda, at saka si Alexis na kumakain na.
Hindi talaga ako hinintay na bumaba. Halatang ayaw akong kasabay sa pagkain. Nang nasa dining table na ako.
“Baby, what happened to your precious face? Bakit naging ganyan ka kapangit? Mag-ayos ka nga dun Athena” ayan ang bungad sakin ni mom.
Sa totoo lang hindi ko sya masisisi, ang itsura ko kasi ngayon ay SOBRANG PANGIT talaga.
Nakasuot ako ng nerdy glass, tapos yung mukha ko ay parang tigyawat na tinubuan ng mukha dahil sa aking especial make-up.
Sobrang kinapalan ko rin ang aking mga kilay.
Nakapuyod din pala ang aking precious hair. Imaginine nyo nalang kung gaano kapangit. Hehe
“Wala lang. Trip ko lang po. Ayaw ko pong sabihin nila na kapatid ko tong kutong lupa na to (sabay turo ko kay Alexis). Nakita mo naman pong magkahawig kami nyang kutong lupang yan. Ayoko na pong mag-ayos, tinatamad na po ako e”
“Good idea Athena. Tama lang yang ginawa mo sa mukha mo” sabi ni Alexis
“Kay fine, whatever” ako
“Pano na yan. Wala ng magkakagusto sa unica hija ko kapag ganyan ang itsura mo” sabi ni mom
“Mom, wala naman akong pakielam sa mga lalaki. Kaya ayo—“ hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi umepal si tanda
“Ano ba kayo? Magdadal-dalan na lang ba kayo sa harap ng pagkain? Masyado kayong mga bastos” sigaw ni tanda
“Sus, e ikaw nga sumisigaw sa harap ng pagkain. Sino kaya ang mas bastos sating lahat. Kalokohan mo tanda” bulong ko sa sarili ko
Kumain na lang kaming lahat.
Walang nagtatangkang magsalita saming lahat. Natakot kasi kay tanda e.
Pagkatapos naming kumain.
“Alexis and Athena, sabay na kayo pumasok” sabi ni mom
BINABASA MO ANG
The Dancing Slayer [Under-Construction]
Teen FictionNagbabalik ako ngayon pero aayusin ko muna to para mapagpatuloy ko na ulit to. Salamat sa lahat ng nagbabasa at kung wala man magbasa neto, okay lang. Salamat