ஒChapter 1:Field Tripஒ

105 24 7
                                    

dedicated to:nonoland08

Kai's POV

*SCHOOL*

Tahimik akong nag-babasa ng libro sa school at alam nyo na kung anong libro ang binabasa ko syempre tungkol sa ninja nanaman itong binabasa ko nang may biglang tumawag sa kin

"Kai alam mo na ba ang field trip natin ay may kasamang Museum of Ninja"at kita ko sa wangis nya ay masayang masaya siyang sabihin sa akin iyon

Si Theo ang kaibigan ko na mahilig din sa mga ninja like anime or movie kaya kapag nag-uusap kami ay puro ninja na lamang ang napapag-usapan namin at naiisip din namin na sana may ninja pa rin na nabubuhay.

"Huli ka na theo alam ko na"Pahiwatig ko sa kanya

"Paano mo nalaman?"Tanong niya sakin

"Ako pa ba"Tugon ko sa tanong niya

"Ayy wow so sasama ka ba"Ani niya sakin

"Malamang alam mo naman na mahilig ako sa mga ninja diba"

"May pambayad ka na ba?"Tanong niya sakin

"Meron ohh"Ani ko at pinakita ko sa kanya ang pambayad ko sa field trip

"Sabay na tayo ngayon magbayad para magkatabi tayo ng upuan sa bus"Ani niya sakin

"Sige"Tugon ko sa kanya

Hindi pa dumadating ang adviser namin dahil kanina kanina lang kasi ay may flag ceremony kami at pagkatapos nun may free time kami ng isang oras kapag araw ng lunes

*Kringggg Kringggg*

Tumunog na ang bell at dumating na din ang guro namin

"Sino na ang magbabayad para sa Field Trip pila kayo dito sa harapan"Pahiwatig ng guro namin at kami ni Theo ang naunang nakapunta sa harapan sa sobrang pananabik sa field trip ng school nag-bayad na kami sa Proff namin at binigay na ni Proff ang ticket dahil bukas ay gaganapin na ito at nanginginig pa nga kaming kunin ito dahil sa pagkahilig sa ninja at nang napasa-amin na ito ay ayaw na namin itong pakawalan pa dahil baka mawala pa ito.Nilagay ko ito sa Wallet ko at si Theo naman ay nilagay niya sa Id niya.

Museum of Ninja ang pangalan ng pupuntahin naming field trip

Madami nang natapos na subject pero walang pumapasok sa isip ko ni isa kundi ninja pa din

"Kai nakikinig ka pa ba hoy Kai"Ani ng guro namin

Biglang bumalik ang katinuan ko dahil nakita ako ni ser na hindi nakikinig

Nagkaroon ng halakhak ng tawa ang mga naririnig ko dahil pinagalitan ako ni ser

"Iniisip niya pa kasi yung ninja na wala na"Ani ng kaklase ko na joker sa room at nagkaroon na naman ng pagtatawanan tungkol sakin.

Hindi na nag-salita si Ser at nagpatuloy na sa pag-tuturo.

Natapos na ang buong klase at nagpa-alam ako kay Theo na bibili ako ng pagkain ko para sa field trip

"Theo bibili pa ako ng pagkain ko sa fieldtrip"Ani ko sa kanya

"Ayy oo nga pala Kai bibili din ako sabay na lang tayo bumili libre ko kapag pinasama mo ko"sabi niya

Hindi na ako nakatanggi dahil may utang pa naman siya sakin kaya kailangan niya din bayaran yun

"Sige sabay na tayo"Tugon ko

Nang makapunta na kami ng shop ay bumili ako ng clover at c2 na malaki at cheezy sapat na yon para kaiinin ko sa fieldtrip dahil small bag lang namn ang dadalhin ko at magdadala pa ako ng gagamitin ko sa Fieldtrip. Si Theo naman ay isang malaking pack ng
cookies,pringles,kettle korn,picnic,isang malaking gatorade,at isang tempura

"Sure ka jan ang dami nyan"Tanong ko sa kanya

"Kulang pa nga tohh ehh"Ani niya

"Talaga lang ha"Ani ko

"Wag kang mag-alala kaya ko ubusin tong lahat at akin na yang pinamili mo ako na diba mag-babayad"Sabi niya sakin

"Pambayad mo na yan sa utang mo ha"Ani ko sa kanya

"Sige lang"Tugon niya

Dinala na ni Theo sa Counter ang mga binili namin at pinapunta niya na ako sa labas dun na daw ako mag-hintay

Ilang minuto na ako nag-hihintay pero wala pa din siya papasukin ko na sana ulit ang shop nang biglang na siyang dumating

"Bakit ang tagal mo naman"Tanong ko

May pinakita siya sa kin na isang file ng video game

"Kaya pala antagal mo bumili ka pa nyan"Ani ko sa kanya

"Madami pang ganito dun kaya lang mahirap pumili kasi lahat magaganda dun kaya natagalan ako"Ani niya

"Sige tara na" sabi ko kay Theo malapit na din gumabi at binigay niya sa kin ang binili kong pagkain at nag-paalam na ako kay Theo

*HOUSE*

Nag-mano ako kila papa at mama at sabay nagtungo sa kwarto ko. Nag-handa na ako ng mga gamit na kakailangan ko sa Field Trip bukas

Hindi naman kami sobrang yaman at hindi din naman sobrang mahirap may kaya lang naman kami

Dito sa kwarto may mga nakadikit na picture ng ninja idolo ko kasi sila at meron pa akong action figure na ninja din ewan ko ba kung bakit ako nahilig dito baka nagsimula ito ng kakanood ko sa mga palabas

"Anak ihahatid na kita sa school nyo"Pahiwatig ni Papa sakin

"Sige po pa"Bilang sagot ko

"Anak pagkatapos mo jan kumain ka na"saad ni mama sakin

"Opo ma"Ani ko at hindi na umamimik si mama dahil busy sila ni papa manood ng T.V

*4:00 pm*

Inagahan ko ang alarm ko para hindi ako ma-late ang dala ko lang naman ay powerbank,cellphone headset,jacket at ang mga pinamili ko.

*SCHOOL*

Hinatid na ako ni papa sa motor niya at kita kong unti pa lang ang nakakapunta binigay ko na sa conductor ng bus driver ang ticket ko at umupo sa gitna ng bus hindi naman kami magkakahiwalay ng upuan ni Theo dahil nga may mga number ang ticket kung saan ka uupo andito na din ang mga kaklase ko bali apat kaming lahat dito.

At hindi nagtagal ay nakapunta na si Theo sa bus at nakaupo na sa tabi ko at kaunti na lang ay mapupuno na kami dito sa bus.

Excited na may halong kaba akong nararamdaman dahil may makikita akong totoong mga gamit ng mga ninja. Sinuot ko na ang jacket ko dahil nagsimula ng lumamig at si Theo ay kumakain lang ng Piknik at binigyan niya pa ako ng kinakain niyang piknik pero tumanggi akong humingi sa kanya. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako dahil sa sobrang kapaguran kong pag-gising ng maaga.

~~~~~~~~

(A/N:Hi sana nagustuhan nyo ang chapter 1 ng "The Mask Town" at still na magbasa pa din kayo ng storyang ito Thank you sa pagbabasa:>

The Mask Town(On Going)Where stories live. Discover now