dedicated to:xchamxam
Nagising ako sa ingay ng mga tao mawawariy ko'y sa labas iyon galing.
Hinawakan ko ang ulo ko dahil nanakit pa ito asan ba ako.Tumayo ako at nakita kong nakasuot ako ng maskara na naaninag ko sa salamin pag-katayo koAnong nangyari pa-ulit ulit na tanong ko sa sarili ko dahil ba ito sa maskara?
"Kai Tara na hininhintay na nila tayo" ani sa akin na boses babae
Binuksan nya ang pinto. Kai Tara na magsisimula na ang pag-eensayo ito na ang unang araw sa pag-eensayo para maging isang ganap na ninja. Nakita ko na nakamaskara din siya katulad ko pero hindi nakakalito kung babae man o lalaki ang kausap mo dahil sa suot niyang maskara na kakaiba ang hugis dahil magkaiba ang maskara namin.
"Ano yang suot mo ang ganda ha saan mo yan binili"Tanong niya sa akin
"Sino ka?"Tanong ko sa kanya
"Pinagsasabi mo"Ani niya
"Kilala ba kita"Tanong ko sa kanya
"Talaga lang ha kung hindi mo talaga ako kilala magpapakilala ulit ako sayo ako si Agatha"Pahiwatig pa niya
"Ako si-
Naputol ang sinabi ko nang nagsalita siya.
"Ano ka ba kilala na kita ikaw si Kai"Ani pa ni Agatha
Hindi na ako nakapagsalita ng may pumuntang isang lalaki na kita ko sa wangis niya ay isa siyang may posisyon dito.
"Ano yang suot mo?magpalit ka na
hihintayin ka namin sa labas kayo na lang dalawa ang hinihintay namin"Ani pa ng lalaki na mukha sa wangis niya ay isa siyang lider at umalis na ang lalaki hindi ko mawari kung ano ang ganap niya kaya tinanong ko ito kay Agatha"Sino yung taong yon at sa wangis niya ay nakakangat siya"Tanong ko kay Agatha
"Ahh iyon ba siya si Wons ang inatasan ng ating pinuno na si Erif na magtuturo sa atin para maging ganap na ninja"Ani pa niya
"Bakit parang ang sungit ng taong yon?"Dagdag pa sa tanong ko
"Wala iyon mukha lang masungit pero mabait yun kapag na kilala mo na at magaling yon magturo kaya galingan natin. Sige mauna na ako Kai hintayin na lang kita sa labas"Pahiwatig ni Agatha sa kin
"Sige"bilang sagot ko
At lumabas na si Agatha sa kwarto ko at tuluyan na akong nag-aaligid sa buong kwarto para malaman ko kung nasaan ang mga damit ko dahil nalaman kong ako ang gumaganap na bida dito dahil nag-pantanto ko na kwento ito ng "The Mask Town" na binasa ko matagal na pero nakalimutan ko na ang ibang kwento dito dahil sa sobrang katagalan at nang may nakita akong closet na parang lagayan ito ng damit binuksan ko ito at nakita ko ang mga damit ko dito sa panahong ito. Sinuot ko na ito at hindi na ako nahirapan na suotin ito dahil may nalalaman ako ukol dito kung paano suotin ang damit ng ninja.
Pagkatapos kong suotin ang damit ng ninja ay dumiretso na ako sa labas at dito pala nanggaling ang mga ingay.Kakaiba ang mga puno dito matataas ang mga ito at payat ibang iba to sa totoong mundo ko.Tiningnan ko ang mga makakasama ko dito sa pagsasanay may mga nakikipag-kwentuhan,meron ding walang pakealam at ang iba ay nakatingin sakin "bakit kaya?" ani ko sa sarili ko.
Nakita ko si Agatha na may kausap na babae at hindi kalaunan ay nakita na din ako ni Agatha. Pumunta siya sakin. Nahihiya pa ako na lumapit sa mga kasamahan ko hindi ko naman kasi alam na mapapadpad ako dito.
Tinarayan ako ng kinakausap ni
Agatha.Kita ko na inikutan niya ako ng mata sino ba yung babaeng yun at dali dali kong tinanong kay Agatha kung sino ang babaeng iyon at parang galit na galit kahit wala naman akong ginagawa."Sino yang kausap mo"bulong ko kay Agatha
"Pati pa naman si Vivian makakalimutan mo ehh ito nga yung kaaway mo palagi kapag nagkikita kayo parang magkakaroon nga ng digmaan dito sa bayan ng FoxMoonlighht kapag nag-aaway kayong dalawa"Ani sa kin ni Agatha
Oo nga pala may kaaway pala akong babae sa kwento na tohh. Sasabayan ko na lang itong kwento na tohh baka mag-karoon ng pagbabago kapag iniba ko ang daloy ng kwento ani ko sa isip ko.
"Dumating ka pa pala"Ani ni Vivian sa kin
Dapat sumuko ka na kasi wala ka namang matutunan"Pagsusungit ko sa kanya
"Talaga ba"Pang-aasar sakin ni Vivian
"Ohh tama na yan baka magkaroon ng digmaan dito"Ani ni Agatha sa aming dalawa
At tumigil na kami ni Vivian dahil dumating na din naman si Wons ang inatasan ni Erif na magtuturo sa amin at may mga kasama si Wons at nakamaskara din ang mga ito. May nakita akong gamit na dala dala nila at nilapag sa lamesa.
"Mamili na kayo kung saan jan ang gusto niyong gamitin para sa pakikipaglaban"Ani ni Wons sa min

Nahirapan akong pumili kung ano ang gagamitin ko sa pakikipaglaban.

Nakita ko na kinuha ni Agatha ang crossbow at si Vivian naman ay ang pamaypay na patalim.

At may nakita akong espada at ito na ang kinuha ko ang espadang kinuha ko ay ang Nagimaki .Naisip isip ko espada na lang ang kukunin ko dahil ito din ang kinuha ng bida sa The Mask Town hindi na ako nag-alintana na baguhin pa ang gamit ng ginamit ng bida dito sa storyang ito dahil alam ko na matutunan ko din itong pinili ko. Nakapili na lahat ng mga kasamahan namin dito sa FoxMoonLight na nag-aaral din para maging isang ganap na ninja.
Magaganda din ang mga napili nilang gamit kailangan din nilang maimaster iyon para kapag lalaban na kami ay may gamit kaming gagamitin sa pakikipaglaban. Ganun naman lahat ng ninja kailangan may gamit sila para hindi sila matalo kaagad ng kalaban nila.
"Tutal tapos na kayong mamili ng gamit may mga sasabihin muna ako para may alam kayo sa pagiging Ninja umupo muna kayo."Pahiwatig ni Won
At umupo na kami
"Una dapat alam niyo kung saan kayo lulugar dahil kapag gabi ay dapat sinasanay nyo ang sarili nyo na lumabas. Hindi naman araw araw basta nagagawa nyo ito paminsan minsan.Kaya ko ito sinasabi sa inyo para may alam kayo kung ano ang gagawin nyo kapag nagkaroon kayo ng mga mission mapa-umaga man o mapagabi.Pangalawa dapat marunong kayong umakyat sa puno.Huwag kayong mag-alala may ibibigay kami sa inyo na hand claw at foot claw.Suotin nyo iyon para maka-akyat kayo sa mga puno.Kahit na meron kayong hand claw at foot claw ay ayusin nyo pa din ang pag-akyat ng puno.Hindi ang hand claw at foot claw ang mangangailangan sa inyo kundi kayo lang.Kaya ko sinasabi na kailangan nyong umakyat sa puno dahil dun niyo malalaman kung nasaan na kayo kung naliligaw kayo o para maka espiya sa mga kalaban para makita niyo kung saan o kailan kayo susugod. Huwag na huwag kayong gagawa ng ingay para hindi maging palpak ang mission niyo. Pangatlo dapat marunong kayong lumangoy hindi sa lupa lang kayo nagsasanay kailangan nyo din ito para magkaroon kayo ng lakas at kapag merong mga kalaban sa tubig ay maabutan niyo sila.Pangatlo kailangan nyo din mag-camouflage gamit ang mga kalikasan.Taktika din ito para hindi makita at para makasugod ka na hindi nila nalalaman
Tinuturuan na kami para maimaster ang mga napili naming gamit .Ang ginamit naming gamit sa pag-eensayo ay ang kahoy muna .Madami na din kaming natutunang teknik sa pakikipaglaban. Pero ako isa pa lang ang natutunan ko sila dalawa tatlo na ako isa pa paano yan parang mababago ko nang sobra ang istoryang ito. Dahil ang bida dito sa The Mask Town naka lima na ako isa pa.
Ilang oras na kaming nag-tratraining at nakaramdam na ako ng pagod .Ang hirap pala maging ninja pag-nakabalik na ako sa totoong panahon ko sasabihin ko ito kay Theo na hindi madali ang pagiging ninja.
~~~~~~~~~~
A/N:Hi mga tadamochi hindi nyo ito mababasa kung hindi nyo binasa ang chapter 3 super thank you po sa inyo mga tadamochi sinusuportahan nyo pa din ako❤:》
![](https://img.wattpad.com/cover/214656926-288-k403796.jpg)
YOU ARE READING
The Mask Town(On Going)
Aventura|ΔThe Mask TownΔ| Dito sa The Mask Town kailangan na ka maskara ka dahil ito na ang magiging mukha mo at para hindi ka makilala ng mga kaaway sa ibang bayan.Kahit ang mga kakasilang na bata ay kailangan na mag-maskara kapag hindi mamatay ang taong s...