CHAPTER 1

27.7K 361 11
                                    

"YVETTE, okay ka lang ba?" Tanong ni Lani sa kaniya nang makita siya nitong nakangalumbaba sa kaniyang mesa.

"Oo." Matamlay niyang tanong.

"Eh, bakit ang tamlay mo?" Tanong pa nito habang nag-aayos ng bulaklak.

Umiling siya. "Wala." Tumayo siya at tumulong sa pag-aayos ng mga bulaklak para maideliver na ito mamaya sa isang simbahan para sa isang kasal bukas.

"Yve, kilala kita. Ano ba 'yon?"

She sighed. "Iniisip ko lang kung ano na naman ang dadatnan ko mamaya sa bahay."

"Ano bang meron?" Tanong ni Lani habang abala ito sa ginagawa.

"Kilala mo naman ang madrasta ko ang anak niya. Maybe nagpaparty na naman ang dalawang 'yon at ako na naman ang maglilinis." Aniya at biglang naging problemado.

Napailing si Lani. "Bakit ka pa kasi hindi na lang umalis sa bahay na 'yon? Pwede ka namang tumira sa apartment ko. Malawak naman 'yon at ako lang mag-isa. Iwan mo na ang madrasta mo, sinasaktan ka lang naman."

Sa pagbanggit ng salitang 'sinasaktan' ay napahawak siya sa kaniyang pisngi. Sinampal lang naman siya ng stepsister niya dahil hindi niya agad nagawa ang pinapagawa nito. She sighed. "Alam mo naman kung bakit hindi ko maiwan ang bahay na 'yon 'di ba?  'Yon na lang ang natitira kong alaala kay mommy at daddy."

"Kaya kahit sinasaktan ka na ng walang kwenta mong madrasta at stepsister, okay lang?"

Tumango siya.

"Ewan ko sa'yo, Yvette." Naiiling na sabi ng kaibigan at iniwan siya.

Sinundan niya lang ito ng tingin at bumalik siya sa pag-aayos ng mga bulaklak. Hindi niya pwedeng iwan ang bahay na kinalakihan niya. Punong-puno 'yon ng alaala nila ng kaniyang mga magulang. Unang pumanaw ang kanyang ina noong ten years old siya dahil sa sakit na colon cancer. At isang taon ang nakalipas, nag-asawa muli ang kaniyang ama at may anak ang napangasawa nito na kasing edad lang niya. Noong una ay mabait naman ang mga ito sa kanya ngunit ng kalaunan ay lumabas ang totoo nilang kulay. They're hurting her and her father didn't know about it.

Mahilig sa Casino ang kaniyang madrasta at hinahayaan lang ito ng kaniyang ama. Lahat ng gusto ng mag-ina ay ibinibigay nito at hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng tampo.

Hanggang sa dumating ang araw na pumanaw rin ang kaniyang ama noong labin-limang taong gulang pa lamang siya dahil sa car accident. Dito mas lalong lumala ang pananakit sa kaniya ng dalawa at nagsimulang bumagsak ang kanilang negosyo dahil sa kaniyang madrasta at stepsister. Mas nalulong pa sa sugal ang madrasta at kung anu-anong bagay naman ang binibili ng stepsister niya. Mabuti nga at may natira pa sa pundar ng kaniyang magulang, ang bahay, ang lote at ang negosyo na pag-mamayari ng kaniyang ina. Ang restaurant pero sana na nga lang ay hindi rin ito babagsak dahil sa kagagawan ng mag-ina.

Kaya naman ay nagse-self supporting siya sa kaniyang pag-aaral. She applied for scholarship at nakuha naman siya sa isang university. Nag-aaral siya and at the same time ay nagtatrabaho siya sa isang flower shop. Kahit maliit lang ang sweldo ay pinagtitiyagaan niya.

Nang matapos niya ang kanyang ginagawa ay siya namang pagbalik si Lani. Lani became her friend. Kaedad niya ito at pareho silang scholar sa university.

"Break muna sabi ni Boss." Sabi nito at inilapag ang isang sandwich at juice sa table. "Heto,mbinilhan na kita ng merienda dahil alam kong hindi ka na naman gagasto."

Ngumiti siya. "Salamat, Lani." Aniya.

Bumuntong-hininga ito at tinignan siya mula ulo hanggang paa. "Bakit ang payat mo?"

A NIGHT OF BEST MISTAKE (Incomplete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon