CHAPTER 4

17.6K 433 5
                                    

HUMAHANGOS NA NAPABALIKWAS NG BANGON SI YVETTE. Sinapo niya ang tapat ng kanyang puso. It's a nightmare again. That night. Walang gabi na hindi siya binabangungot. Palagi niyang napapanaginipan ang madilim na pangyayaring 'yon sa buhay niya. Sinusubukan niyang kalimutan pero tuwing gabi bumabalik sa kanya ang nangyari sa kanya sa gabing 'yon, hindi niya makakalimutan. Lalo na ang kulay dark green na mata ng lalaking lumapastangan sa kaniya. Minsan kapag pipikit siya ay nakikita niya ang mata ng lalaking 'yon.

Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya. Pinunasan niya ang kanyang luha.

"Okay ka lang ba diyan, Baby?" Tanong niya at hinaplos ang malaki niyang tiyan.

Kabuwanan na niya at malapit na siyang manganak. Nang sumipa ang anak niya ay napangiti siya.  Huminga siya ng malalim at bumaba mula sa kanyang kama.

Lumabas siya ng kanyang kwarto at pumunta sa garden na nasa tabi ng bahay. Umupo siya sa upuang kahoy.

Niyakap ni Yvette ang sarili habang pinagmamasdan ang mga naggagandahang bulaklak sa gabi. It's like their glowing dahil sa sinag ng buwan na tumatama sa mga ito. Napabuntong-hininga siya.

"Yvette."

Agad na lumingon siya sa taong tumawag sa kanya. Ngumiti siya rito.

"Malayo na naman ang tingin mo. At gabi na, bakit nandito ka pa sa labas?" Sabi nito.

"May naalala lang po kasi ako. At hindi po ako makatulog kaya lumabas po ako."

"Naku, kalimutan mo na ang mag-ina na nagpahirap sa'yo. Andito lang ako at ako na ang mag-aalaga sa'yo. Kalimutan mo na ang mga mapapait na karanasan mo." Niyakap siya ng ginang.

"Salamat po, Nay Lita. Salamat at inalagaan niyo ako kahit pa hindi niyo ako kaanu-ano."

Ito ang umampon sa kanya. Umalis siya sa Manila at nagtungo dito sa Baguio. Noong naghahanap siya ng trabaho ay agad siya nitong tinanggap and since then they became close. Pinatuloy siya ni Nanay Lita sa bahay nito at inalagaan. Itinuring siya nito na parang tunay na anak at itinuring niya rin itong ikalawa niyang ina. Wala itong anak kaya siya na ang itinuring nitong anak.

"Parang anak na kita, Yvette."

Hinaplos nito ang tiyan niya.

"Teka, kailan ba ang due mo?" Tanong ni Nanay Lita.

"Next week po, Nay."

Tumango ito. "Ang laki ng tiyan mo. Parang hindi lang isa ang nasa sinapupunan mo."

"Kaya nga po, eh. Mabigat po siya." Sabi niya.

Hinawakan niya ang tiyan niya at naramdaman niya ang pagsipa ng baby niya.

"Halika na sa loob, Yvette. Malamig dito."

"Sige po, Nay."

Inalalayan siya nito papasok sa loob ng bahay.

THE NEXT DAY. Maaga silang pumunta sa café na pag-aari ni Nanay Lita. Sa counter siya nakapwesto at minsan ay nagbe-bake rin siya o gumagawa ng pastries. Nanay Lita taught her. Kaya lang medyo mabigat ang tiyan niya kaya nahihirapan siyang gumalaw.

"Miss, three slice of Almond Cake, please. And three black coffee, less sugar, no cream." Order nang lalaking lumapit sa counter.

"Okay, sir. Your order will be in your table in a minute." Aniya.

"Thank you ... and you look familiar." Sabi nito na ikinatingin niya rito.

"Po?"

The man smiled. "You look familiar. Alam kong nakita na kita somewhere pero hindi ko maalala kung kailan kita nakita." He even put his hand on his chin.

A NIGHT OF BEST MISTAKE (Incomplete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon