IT WAS ALREADY MIDNIGHT BUT LANI CAN'T SLEEP. Lumabas siya ng kanyang kwarto at pumunta sa sala. She turned on the TV when someone knocked at the door. Kumunot ang nuo niya. Sino naman kaya ang kakatok? Malalim na kaya ang gabi.
Napabuntong-hininga siya at tumayo. Lumapit siya sa pinto at hinawakan niya ang seradura.
"Sino 'yan?" Tanong niya.
"L-lani ..."
Kumunot ang nuoo niya.
"Yvette?"
"A-ako nga ..." Nanghihina ang boses nito.
Agad niyang binuksan ang pinto.
"Yvette?" Paniniguro niya.
"Lani ..."
"Anong nangyari sa 'yo?" Nag-aalala niyang tanong. "Bakit ganiyan ang hitsura mo?" Inalalayan niya ito papasok sa sala.
Magulo ang buhok nito at gusot ang suot na damit. Para itong nagahasa. O di kaya sinaktan na naman ito ng walang kwenta nitong madrasta? O di kaya yung step sister nito?
Pinaupo niya ito sa sofa at mabilis siyang kumuha ng tubig sa kusina. Agad niyang ibinigay dito at tubig at agad namang uminom si Yvette. Umupo siya sa tabi ng kaibigan.
"Anong nangyari sa 'yo?" Tanong niya.
Hindi ito nagsalita at tumulo ang luha nito. "L-lani ..."
Niyakap niya ang kaibigan.
"Si T-tita Beth ... pinambayad niya a-ako ..." Umiiyak nitong sabi.
"Pinambayad? Anong pinambayad?" Nagtataka niyang tanong.
"I-I was raped ... h-he raped me ..."
"Ano?!" Napatayo siya. "Sino ang lalaking 'yon?!"
Umiling si Yvette. "H-hindi ko siya kilala."
"Napakawalang hiya talaga ang madrasta mong 'yan!" Galit niyang sabi.
Niyakap niya ang kaibigan. "Magpahinga ka na, Yve. Bukas na tayo mag-usap."
Tumango ito kaya inalalayan niya ito papuntang kwarto. Kinumutan niya ito. Napakawalang hiya talaga ang madrasta ng kaibigan. Pati na ang lalaking gumawa ng kahayupan sa kaibigan niya. Hindi na lang ito naawa kay Yvette. Marami na nga ang pinagdaanan ng kaibigan niya dinagdagan pa ng lalaking 'yon.
Napabuntong-hininga siya.
"PAGKATAPOS NINYO AKONG PAMBAYAD SA UTANG NIYO ... palalayasin niyo naman ako. Anong klase kayong pamilya?" Umiiyak na sabi ni Yvette.
Pagkauwi niya galing kina Lani ay agad siyang hinila palabas ng mag-ina.
"Excuse me. Hindi ka namin pamilya!" Mataray na sabi ni Stacey.
"Tama ang anak ko, kaya umalis ka na!" Sigaw ng madrasta niya.
"Tandaan niyo ito. Darating ang araw na luluhod kayo sa harapan ko at magmamakaawa." Aniya.
"Ang dami mo pang sinasabi! Layas na! Umalis ka na! Napakadumi mo na!" Nandidiring sabi ng kanyang stepsister.
Ang sasakit ng mga salitang lumalabas sa bibig ng mga ito. Pero buong tapang siyang tumayo at pinunasan ang kanyang luha.
Tinignan niya pa ang bahay na kinalakihan niya. Tirahan niya ng labin-walong taon. Masaya at pasakit ang ibinigay sa kanya ng bahay na 'to.
Tumingin siya sa kanyang madrasta. "Sana sa ginawa niyong 'to, hindi kayo magsisisi sa huli."
BINABASA MO ANG
A NIGHT OF BEST MISTAKE (Incomplete)
General FictionMistake have different meanings and people have their own opinions,what is really a mistake? Some people said that a mistake is always wrong and bad. But some other people considered MISTAKE is the best happened in their life. Meet Yvette Gonzales,s...