CHAPTER 2

18K 379 6
                                    

"—2 MILLION?!" Narining niyang sigaw ni Stacey pagpasok niya pa lang sa kanilang bahay.

Kumunot ang nuo niya. Nag-aaway na naman ba ang mag-ina? Well, wala ng bago doon. Nag-aaway minsan ang mga ito pero nagsasama naman kapag sasaktan na  siya.

"Oo at hindi ko alam kung saan ako maghahanap ng pera para pambayad sa pinagkakautangan ko." Problemadong saad ng madrasta niya.

"Ibenta niyo na lang ang restaurant—"

"No! Doon tayo kumukuha ng pera na ginagasto natin. Hindi 'yon pwedeng mawala!"

"Saan niyo ba kasi ginamit ang pera?" Tanong ni Stacey.

"Sa Casino ... hindi ko naman akalaing matatalo ako."

Napailing na lang siya. Bahala ang mga ito sa kanilang problema. Nilagpasan niya ang mga ito sa sala at dumeretso siya sa kusina. Nagluto siya at pagkatapos niyang magluto ay umakyat naman siya sa ikalawang palapag at pumasok sa kanyang kwarto.

Himala at wala siyang sigaw o sampal na natanggap sa araw na 'to. She was thankful. She get her binder and do her homework.

THE NEXT DAY.

MAAGA muli siyang nagising at nagtrabaho kaagad. Wala siyang klase sa araw na 'to. Nagluto siya at naglinis ng buong bahay. Napailing siya nang makitang 9 o'clock na pero hindi pa rin gising ang mag-ina. Hindi na siya nagtaka. Mas maganda nga rin para walang manakit o mag-utos sa kaniya. Hinanda niya ang agahan ng mga ito. Kumain na rin siya.

Naligo siya at nagsuot lang siya ng simpleng t-shirt, jeans and sneakers. Hindi niya maiwasang mapabuntong-hininga nang maalala kung ano ang mayroon sa araw na ito.

Lumabas siya ng compound at pumara ng tricycle. Nagpahatid siya sa memorial park. Ngayong araw ang death anniversary ng mommy niya. It's her mother 8 year death anniversary. She sighed and went inside the memorial park.

Pagdating niya sa puntod ng kaniyang ina. Agad niyang hinaplos ang lapida nito.

"M-mom ..." Her voice cracked. "I-I miss you ..." Nagunahang tumulo ang kanyang luha. "Mommy, hindi ba sinabi mo noon na lagi mo akong babantayan. Kung totoo man 'yon ... nakikita mo ang lahat ng nangyayari sa akin. Mommy, bakit ka kasi nawala? Edi sana hindi ako dumadanas ng ganito. Nahihirapan na ako ,mommy. Gusto kong umalis at iwan sila pero sino ang lalapitan ko? Saan ako pupunta? Mommy, tulungan mo naman ako." Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha niya.

"Yvette."

Agad siyang tumingin sa kanyang likuran. "Lani?"

Nagpunas siya ng luha.

Ngumiti ito at inilapag nito ang hawak na puting bulaklak na hindi niya agad napansin na hawak nito sa puntod ng kaniyang ina. Tumabi ito sa kaniya.

"Salamat sa pagpunta." Aniya sa kaibigan at nginitian niya ito.

"Walang anuman, Yve. Alam kong dito ka pupunta ngayong araw at hindi nga ako nagkamali."

She sighed. "Let's go."

Tumango ang kaibigan. Bago sila tuluyang umalis ay sinulyapan muna niya ang isa pang puntod na katabi ng puntod ng kaniyang ina.

"Bye, Daddy ..." Aniya at tuluyan na silang umalis ng memorial park.

"Uuwi ka na ba agad?" Tanong ni Lani.

"Oo, baka hinahanap na ako ni Tita Beth. Baka sampal na naman ang aabutin ko." Sabi niya at pumara ng tricycle.

"Sige, ingat ka."

Kinawayan niya lang ang kaibigan at pumasok sa loob ng tricycle. Nagpahatid siya sa kanilang bahay. Hindi nga siya nagkamali dahil malakas na sampal ng madrasta ang sumalubong sa kaniya.

A NIGHT OF BEST MISTAKE (Incomplete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon