TTU 1: YOUR SUCH A CLUMSY

25 1 1
                                    

AYESHA'S POV

Tok! Tok! Tok!

"Ayeeee! Ano ba bumangon ka na dyan at baka ma le-late ka na" paggising ni mama sakin.

"Maaa, kanina papo ako gising tsk!" Pasimangot kong sagot.

Oo actually kanina pa talaga ako gising pero ewan ko ba parang tinatamad akong mag asikaso ngayon. Hayys! BTW magpapakilala muna ako sa inyo.

I'm AYESHA LEE CUANCO. 23 years old. Di pa ako matanda ha. Kasama ko ang Mama kong naninirahan dito sa bahay ng papa ko na iniwan niya sa amin dito sa Cavite. Oo si mama nalang kasama ko kasi namatay na si papa dahil sa kidney failure. Sobrang hirap tanggapin ang pagkawala niya lalo na si mama na sobrang lungkot ang nadama sa pagkawala ni papa.

Pero 4 years na ang nakalipas at heto na kami ngayon and we already accept the truth. 4th year na din ako and guess what, I'm graduating and i am so happy dahil magbubunga na ang pinaghirapan ni mama at sa gayon ako naman makatulong sa kanya.

Actually transferee ako and this is my first day of school. Hayss natatamad talaga ako, pero hindi pwedi dahil magtatapos ako for mama so labann tayo girl.

"Ayeee! Hinanda ko na almusal natin. Bilisan mo na dyan at kakain na tayo at para makapasok ka na din"  bulalas ni mama sa labas.

" Opo, eto na po" matipid kong sagot.

Eto na nga papunta na akong banyo at maliligo na, pagkatapos ay agad na akong nagbihis. Sinuklay ko na ang mataas na buhok na pinaka ingat ingatan ko. Di na ako nag make up, in fact di ako mahilig niyan kasi I'm bless and contented sa magandang mukhang to na ipinagkaloob ng maykapal hihi.

Palabas na ako at ayun na nga ang bango na naman ng niluto ni mama na pinakapaborito kong longganisa at bacon. At syempre di mawawala ang gatas sa tabi. Hays si mama talaga, I'm not a child anymore para gatasin pa hays na spoiled kasi masyado tsk!

"Oh! Andyan ka na pala, halika na at kumain na tayo para makapasok ka na. Dapat ubusin mo yan ha"  sambat ni mama na para bang e appreciate ko ang paghanda niya sa paborito kong almusal. Oo I really appreciate what she's doing everyday that's why I'm bless to have a mother like her.

"Opo ma" nakangiting sagot ko sa kanya.

"Naku anak alam mo bang excited na ako sa pagpasok mo ngayon. Galingan mo ha."  Nakangising tugon ni mama sa kin.

"Ma, di na po ako bata. I know what I'm doing. At isa pa, wala ba kayong tiwala sa maganda mong anak?"  Pabirong sabi ko sa kanya sabay subo ng pagkain.

"Naku ikaw talaga. Oh siya bilisan mu na dyan at baka ma late ka sa klase mo" sabi ni mama. At nag madali naman ako gaya ng sinabi niya.

Pagkatapos ay dali dali kong ininom ang gatas at nagpaalam na ako ka mama.

"Ma alis na po ako, mag iingat ka dito ma habang wala ako" concerned na saad ko ka mama.

Nagpaalam na nga ako sabay halik sa pisngi ni mama at paglabas ko ng pinto agad na man sinira ni mama ang pinto. At binuksan ko na din ang gate at sinira pagkalabas ko. Actually di ko pa kabisado tong lugar nato kasi nga bagong lipat kami ni mama dito. Di nga namin alam na may lupa pala si papa dito.

Nag aabang na ako ng masasakyan at tumingin ako sa relo ko 7:30AM na at 8 ang klase ko. Sakto naman dahil may 30 mins. pa para mag commute. Sabi kasi ni mama malapit lang daw ang school ko isang ride lang kaya di ako kabado kung ma late ako. Ng nakasakay na ako mga 20 mins lang ang layo mula sa bahay hanggang sa school. Pagkadating ko sa school namin malaki ito at guess what nag aaral ako ngayon sa private school ng St. Vincent State University kung saan nag aaral ang mga mayayamang studyante at kung nag tataka kayo kung bakit ako nakapag aral sa mamahaling lugar na, isa akong scholar. Yes kaya I grab the opportunity to study well kasi ito lang inaasahan ko.

The Truth UntoldWhere stories live. Discover now