TTU 2: WHO IS HIM

6 1 0
                                    

AYESHA'S POV

Ilang oras nalang uwian na. Hayys! Bat parang napagod ako ngayon. Parang diko feel magtino.
Diko namalayan na uwian na pala at kanina pa ako tinatawag ni sassy. Diko siya narinig eh ang lalim ng iniisip ko. Pano kasi di maalis sa isip ko si tangkad. Teka bat ko ba kasi siya iniisip hays shoo shoo! Sabay pa iling2 ko.

"Are you okay ayesha? Parang ang lalim ng iinisip mo ah" sabi ni sassy na nooy ikinagulat ko. Pano naman kasi marunong pala mag tagalog tong gagang to. Akala ko marunong lang siyang umintindi.

"Seriously?" Pairap kong sabi sa kanya at nagtaka siya.

"What?" Tanong niya sakin.

"Marunong ka naman pala magtagalog pinahirapan mo pa ako kaka english mo!" Irita kong sagot sa ka
niya.

"Nagtanong ka ba ? Hindi diba? ..But anyways lets go na." At kinaladkad ako palabas ng room na siya namay ikinagulat ko dahil sa mga babaeng nagsitakbuhan papuntang harap ng school.

"Anong meron? Why are they running na para bang may artistang dumating?" Tanong ko sa katabi ko na akala ko may kausap pa ako yun pala nakikitakbo narin ang gaga.

"Anak ng.. nasaan naba yung gagang yun.. hays ano ba kasing meron!?"  Naiirita kong sabi sa sarili ko. At ilang minuto lang din ay binalikan nadin ako ni sassy.

"Omg!! Ayeshaaaa they are so really handsome. I can't I just can't. Omg!" Pagtitili niya sabay na para bang hihimatayin.

"Sassy can you relax? Ano ba kasing meron? Sino ba yang mga sinasabi mo." Nako tong gagang to talaga.

"The L'BOYS are there! Omg! Why are they so damn cool." Pagtitili na naman ni sassy kulang nalang batukan ko to para huminto na sa kagagahan.

Tumingin ako kung nasaan ang kinatatayuan ng  L'BOYS na sinasabi ni sassy. Ang daming babae ang nagkatiliian at para bang takot maubusan sa kagwapuhan ng mga lalaking yun. Hays mga babae talaga ang dami paring haliparot sa mundo. Nakita ko ang tatlong lalaki na pinalilibutan ng mga babeng haliparot na yun. At namumukhaan ko ang isa sa kanila. Wait... siya ba yung sa garden ? ...

"Who is him?" Tanong ko kay sassy sabay turo sa lalaking nasa gitna.

"Omg! He is Lyndon Johnson the leader of the group. That one on his left side is Leonil Franco and that one in the right side is Lester Montifalco. That's why they called L'BOYS because their names starts with letter L. Lyndon is the son of the president here in the university thats why he is famous here because of he's handsome face and he is also an varsity here. And Leonil and Lester also came from a rich family which is their parents are a business partners " Nakangising paliwanag naman ni sassy. Ah kaya pala ganon nalang ang pagtitiliian ng mga babae. Haa! Asa kapa di niyo ako madadala sa mga kagwapuhan niyo.

"Ah, okay." Tipid na response ko kay sassy.

"Any reaction aside from that ayesha? Mygad! Dika ba na ga gwapuhan sa kanila ? Dimo ba sila bet?" Iritang tanong niya at umalis na ako.

"Asa kapa!.. byee." Evil smile ko sabay alis.

Paalis na nga ako at iniwan ko na si sassy. Pano ba kasi ayaw tumigil sa pagtitili. Btw halfday lang ang pasok ko kaya para di sayang ang oras ko hahanap ako ng part time para naman makadagdag sa allowance ko at para di na pabigat kay mama. Actually ayaw na ayaw niya na pinag sabay ko ang pag aaral at trabaho pero ayoko talaga maging pabigat kay mama. Kaya nag apply ako kahit saan, kung saan ako matanggap tatanggapin ko di baleng maliit ang kita basta pang dagdag allowance.

Nag lakad2 ako sa mall at nagbabakasakaling may ma aaplayan at di ako nag kamali isang Tea Shop ang nangagailangan ng staff. Di ako nag dalawang isip na pumasok at nag apply. Salamat sa diyos at natanggap naman ako at mag sisimula na ako ngayon. Oo ngayon agad kasi ang dami nilang customer at napansin ko nga na kulang ang staff nila. Mukhang mabait naman ang may ari. Kaya minabuti ko ang pagta trabaho ko.

"Iha, eto ang sweldo mo." Nagulat naman ako dahil agad akong nagka sweldo kahit kasisimula kopa lang.

"Naku po kakasimula ko pa lang po. Nakakahiya naman sa inyo." Paggalang na sabi ko.

"Wag munang intindihin yan. Alam kong studyante kapa at kailangan mo ng araw araw na gastusin at marangal ang pagtatrabaho mo dito sa shop ko. Kahit kakasimula mo palang nakita ko na ang pag pursige mo kaya sana ipagpatuloy mo yan at di lang ganyang halaga ang maging sweldo mo sa susunod." Paliwanag niya na nooy nadama ko ang pagiging mabait niya.

"Maraming salamat po sir. Malaking tulong po to sa pag aaral ko. Wag po kayong mag alala pagbubutihan ko po ang paninirbisyo ko sa Tea Shop niyo" nakangiting sagot ko sa kanya.

"Oh siya umuwi ka nat baka gabihin kapa sa daan. Mag iingat ka iha" oo nga pala palubog ng araw di ako pweding gabihin.

"Salamat po ulit sir. Alis na po ako. Mag iingat rin po kayo"  pamamaalam ko sa amo ko at sa ibang staff at paalis na ako sa Tea Shop kung san ako nagtatrabaho.

Alas sais na ng gabi pero di pa naman gaano kadilim. Nag abang na ako ng masasakyan at mga 30 mins ang layo mula dito hanggang sa bahay. Hindi nag tagal nakasakay na din ako at sa wakas safe akong naka uwi. Pagkabukas ko ng gate ay siya ring pagbukas ng pinto kong saan nakaabang si mama na parang galit ata. At pumasok na din ako.

"Bat ginabi ka ayeee. Alam mo bang nag alala ako sayo. Pano kung may ng yari sayo" bulalas ni mama sa akin.

"Ma, okay lang ako eto na nga oh safe na safe na nakauwi. Di na po ako bata para mag alala kapa kasi alam ko naman ginagawa ko." Paglalambing ko sa kanya sabay yakap. Alam ko namang di ako matitiis nito.

"Sa susunod kasi e text o tawagan mo ako para di ako mag alala sayo anak" pag alalang sabi niya.

"Opo, ma di na mauulit. Akyat napo ako ma. Magpahinga ka na rin po ha." Sabay halik sa pisngi at umakyat na nga ako sa kwarto ko para magpahinga.

Hayys! Agad akong tumihayad sa kama ko dahil dama ko talaga ang pagod sa araw nato. Di na ako nakapag bihis at di ko namalayang nakatulog na pala ako sa sobrang pagod.

****

Teka anong oras na ba at bakit wala pang ka estu-studyante dito, hays mapunta na nga lang muna sa garden. Ang sarap talaga sa mata tignan ang mga halamang ito, makukulay at napaka organize. Inamoy ko ang napaka preskong hangin at napasayaw ako sa sobrang tuwa dahil sa napakagandang lugar nato. Ito na siguro ang pinaka paborito kong tambayan. Habang umiikot ikot ako habang nakapikit diko namalayang may naapakan ako ng sanhi ng pagka tapilok ko at... wait... what's this? Nakapatong na ako sa lalaking natutulog sa isang bench. Wait what?? Naramdaman ko nalang na dumampi ang labi ko sa isa pang labi. At ng imulat ko ang mga mata ko nagulat ako at bigla akong napatayo at ganon na din siya.

"What the hell!" Galit na pagmumura niya.

"Sh*t!" Napamura nadin ako sabay hawak sa labi ko. Noooo! This can't be, my first kiss is gone huhu at sa lalaking ito pa ?

"Are you blind miss?! How come you did not see me!! F*ck!" Pagmummura na naman niya.

"Eh sa hindi kita nakita ! Sa tingin mo gusto ko to ha? It's just an accident! Okay?" Lakas loob kong sabi sa hinayupak nato.

"Accident? Huh!?" Sagot niya at tinignan ako sa maitim niyang aura.

"Bingi ka ba ? Kailangan ulit ulitin? Accident nga. A-C-C-I--" di na ako nakatapos ng pag sasalita ng dahan dahan siyang humakbang patungo sa kinaruronan ko na para bang gusto niyang pumatay. Napapa atras naman ako hangang sa na dama ko nalang na may nakaharang na sa likod ko na pader at kinorner niya ako at unti2 niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko na ilang layo nalang ay magkahalik na kami. Napapikit nalang ako at.. at...

Tok! Tok! Tok!

"Ayeee gising na may pasok kapa!" Malakas na boses ni mama na galing sa pinto na siyang gumising sa akin.

Dali dali naman akong bumangon na para bang nagulat ako sa katok ni mama. Hays panaginip lang pala. Wait.. what ? mygad buti nalang panaginip lang yun. Naku di talaga pwedi na siya makakuha ng first ever kiss ko. No way! Just no way! Grabee ganon na ba talaga ako napagod kagabi para managinip ng ganoon ka lala ? Hayss makaligo na nga ng mahimas masan tong utak ko.

****

The Truth UntoldWhere stories live. Discover now