Nagpaalam narin ang dalawa sa isa't isa at naghiwalay ng landas. Habang naglalakad si ayesha palabas na sana ng unibersidad ay napansin niyang tumunog ang kanyang cp at tiningnan niya ito at binuksan ang message.
[ Idiot: Where are you ? ]
Idiot? Sino ba to ? .... Ahh pinalitan ko nga pala ng nickname ang mokong.
[ Why? ]
[ Idiot : Come over to L'BOYS room. I'll wait you here ]
Ano na namang sadya nito .?!
Ng natanggap niya ang message ni lyndon ay agad naman siyang nagtungo sa L'BOYS room. Pagkapasok niya ay napansin niyang walang tao kaya umupo muna si ayesha. Maya2 pay narinig niya ang mga yapak ng paa at lumingon siya sa pinanggalingan nito.
Nakita niya si lyndon na lumabas galing sa may kwarto. Ang L'BOYS room ay para narin itong pangalawang tahanan ng tatlong lalaki. Meron itong kusina, sala at kwarto. Di naman gaano kalaki pero dito sila kadalasang tumatambay.
" Did you wait too long ? " tanong niya sa dalaga.
Napa iling naman agad si ayesha " No, kakarating ko lang. "
Pumunta si lyndon sa may drawer at may kinuha itong dalawang piraso ng papel at iniabot niya ito kay ayesha.
Tinanggap at nagtaka naman si ayesha " What's this ? "
Umupo si lyndon kaharap ni ayesha at ngumiti ito " Ticket ".
Ticket ? Para saan ?? ..
Iniskan ni ayesha ang hawak na papel . Ang ticket na ito ay para sa event ng Basket League. Next week na ang event na ito at walang ka alam2 ang dalaga. Parte ang event nato sa kanilang unibersidad, taon2 nagkakaroon ng ganitong kalahok. Naalala naman agad ni ayesha na varsity si lyndon at siya ang captain sa kanilang team.
Nahahati ang team sa dalawa, ang red at blue team. Sa read team ay pinangungunahan ni stephen habang ang blue team naman ay pinangungunahan ni lyndon. Ang blue team ang laging kampyon sa larong ito kada taon, wala pang nakakatalo sa kanila.
" Cheer for me " sabi ni lyndon.
Na mang2 naman si ayesha at walang masabi " Uh... "
" I bought 2 tickets for you and for your friend so there's no reason to excuse " deritsong sagot naman ng binata.
Wala ng magawa si ayesha at pumayag nalang ito total parte naman ito ng event sa kanilang unibersidad. Pagkatapos mag usap ng dalawa ay umalis narin si ayesha. Palubog na ang araw ng naglalakad si ayesha papuntang grocery store para bumili ng kanyang suplay sa pang araw-araw.
Habang naglalakad siya ay naramdaman niyang may sumusunod sa kaniya kay lumingon siya at wala namang nakita kaya di niya ito pinansin at bakay guni-guni niya lang ito. Patuloy parin ang paglalakad niya ng naramdaman niya ulit na may sumusunod sa kanya kaya binilisan niya ang kanyang paglalakad. Maya-maya pay ramdam niya na may humawak sa kaniyang balikat kaya agad niya itong nahawakan at pinaikot. Ng nakita niya ang lalaking naka itim na may takip sa mukha agad niya itong sinipa at bumagsak ito sa lupa. Nilapitan niya ang lalaki at akma na sana niyang suntukin ng mapigil ito ng lalaki at tumayo ito at umalis.
Sh*t !! Who is that man ?! Where that assasin came from ?!!
Ng nakaalis na ang lalaking nakaitim agad naman pinulot ni ayesha ang kanyang bag at tumungo na ito sa grocery store. Pagkatapos niyang namili ay agad naman siyang umuwi. Pagdating niya sa bahay umakyat siya sa kanyang kwarto, naligo at nagbihis ng tshirt at pajamas. Bumaba naman siya ulit at nagluto ng hapunan.
YOU ARE READING
The Truth Untold
FanfictionLove, Actions, Comedy ! Hello guys. This is my first time ever to write a story, maybe I'm just being inspired by other author hihi. But when I was a child mahilig ako magsulat ng story, may natapos nga ako eh pero nakalimutan ko na san ko nalagay h...