CHAPTER 1

654 14 1
                                    

Diana's POV

Ilang weeks na ang dumaan simula ng mag sembreak sobrang miss ko na si Kia. Pasukan na ulit bukas pero mukhang hindi pa ako makakapasok dahil bukod sa tinatamad pa akong pumasok ay hindi ko pa naaasikaso Ang mga dapat kong asikasuhin para matanggap ako sa mga klase.

Bukas na kasi talaga ang start ng first day ng second sem pero napag usapan na namin ni Kia na hindi muna kami papasok lalo na at kakabalik nya lang ng maynila galing sa probinsya. At isa pa si Hasna Hindi pa sure kung papasok pa ba ito ngayong sem dahil pinapakiramdaman nya ang sarili dahil pakiramdam nito ay buntis sya.

*After 1Week

Isang linggo na ang nagdaan at Hindi parin kami pumapasok. Pero ayos lang naman dahil ang first week ay laging meet the Prof lang at mga dapat at hindi dapat gawin sa klase.

Pero dahil monday na ngayon, kailangan na namin pumasok ni Kia at dahil NSTP2 ang unang subject, hindi kami pumasok dyan. HAHAHAHA ok wag judgemental hindi kami nakapasok dahil sinamahan ko sya na asikasuhin ang sched nya dahil gusto namin ay mag kaklase kami sa lahat ng subjects.

Habang inaantak ko si Kia na mag asikaso ng sched nya kasabay naman ng pag Kita namin sa iba naming mga kaibigan na sila Argel at Banjo. "Kamusta D at Kia? Grabe haba ng bakasyon nyo ah, pati first week ng klase hindi pinasukan." -Pag bati at pangungulit ni Argel. ''Ayos lang naman kami Tol! Ngayon lang kasi ako dumating." -Pag sagot naman pabalik ni Kia.

Pag tapos namin mag asikaso ng sched ni Kia ay napag isipan namin na kumain muna dahil matagal tagal pa ang susunod na klase. Nag punta kami sa paboritong tambayan at kainan ang Chamdo. Karamihan sa nag aaral sa school ay dito tumatambay at kumakain dahil sa sulit na sulit dito. Ikaw ba naman mas malaki ang ulam sa kanin saan ka pa diba!? Habang kumakain kami ay napag usapan naman namin ni Kia ang mga ginawa nya sa probinsya nila. Nakikita ko sa mata nya kung gaano sya kasaya nung umuwi sya sakanila. Lalo na ang makasama nito ang kanyang boyfriend na si Gino. Matagal na rin sila ni Gino mag tatatlong taon narin. Minsan saakin tumatawag yun lalo na kapag may problema o tampuhan sila Kia para makausap nya ito.

Lumipas ang ilang mga oras at kailangan na namin bumalik para makapasok kami sa susunod na klase. Pumasok kami ni Kia sa room na nakalagay sa sched. Pag pasok namin ay nakatingin saamin ang lahat medyo late na kasi kami ng 5mins lang naman. Napangiti naman ako dahil nakita ko na halos lahat ng mga kaklase namin ay mga barkada rin naman namin. Sa dulo lang may mga bagong mukha ng sa paningin ko. Habang nakatayo ako at nakatingin sakanila bigla na lang nabasag ang ngiti ko dahil kay Niko. "Hoy Mackey, tinitignan ka ni sir oh! Magpakilala daw kayo ni Kia." -Pag basag nito sa kasiyahan ko. Nagtawanan naman ang lahat dahil doon at sabay napatingin ako sa harap kung saan meron ngang Prof na nakaupo at nakatingin saamin ni Kia. "Tapos na kayong lahat?" -Pag tatanong ko sa mga kaibigan ko at sabay sabay na pag tango naman ang mga naging tugon nito. "Kia, una ka na." -Pag kulit ko dito. "Ikaw na. Ikaw na nakatayo eh!" -Pag balik sagot naman nito. Bigla naman ako nagulat dahil nagsalita ang Prof namin. "Sige na Ms, ikaw na ang mauna para matapos na kayo. Introduce yourself, ilang taon na, and bakit itong course ang kinuha mo. Btw, I'm Mr, AL. So, sige na ikaw na una." -Pag sasalita nito sabay ngiti. Dahil naman sa medyo na badtrip ako sige sinabayan ko na at nagpakilala. "OK. Hmmm, Hi everyone! I'm Diana Cariaga. Mackey, 18 years old. And pinili ko yung course na ito kasi gusto ko mag work sa barko." -Pag sagot ko rito. Pag katapos ko magpakilala ay si Kia naman ang sumunod. Panay tawanan kami dahil nag sama sama nanaman kaming magkakaibigan. Nakikitawa rin naman ang iba dahil sa mga pinaguusapan namin na kung ano ano.

Lumipas ang ilang mga oras at lumipat naman ako ng upuan dahil iba na ang susunod na subject. Mga ilang minuto ay tumabi saakin si Niko. Ang dami nitong pinagkkwento saakin kahit na medyo wala na akong pake sa ibang mga sinasabi nito. "Mackey, tignan mo si Abi sarap oh." -Biglang magsingit nito sa usapan namin. Napalingon naman ako sa tinutukoy nya. "Susko naman Mackey, alam ko naman na mga ganyan rin ang tipo mo." -Dagdag pa nito. "Excuse me, marunong naman ako mamili ng mga dapat at hindi ko dapat gustohin." -Pag balik sagot ko dito. Pag katapos ay napabalik ako ng tingin sa sinasabi nyang Abi. Maganda naman sya pero bigla ako natigilan sa pag tingin dito ng may kumausap sakanyang dalawang babae. Pero doon ako sa pinaka payat sakanila napatigil hindi ko alam kung bakit pero parang may kakaiba. Gusto ko malaman yung pangalan nya pero hindi ko alam kung paano. Lalabas sila ng isa pa nitong kaibigan na may katabaan. "Franki!" -Sigaw ng Abi sa mga ito. Nagulat naman ako ng yung babae na gusto ko nakilala ang bumalik dito. Nabuhayan ako ng loob dahil ngayon ay alam ko na ang pangalan nya.

Hanggang sa nag uwian ay hindi ko sya makalimutan pero ayoko naman na maging mabilis ang lahat kaya pinapakalma ko ang puso ko kapag naalala ko sya sa byahe pauwi.

CLOSER U & I (FrankiAna)Where stories live. Discover now