Diana's POV
Mag aalauna na ng madaling araw pero hindi parin ako makatulog. Pumunta muna ako sa kusina para uminom ng fresh milk, pagkatapos ay bumalik naman ako sa aking kwarto. So nasa condo ako dito sa Pasay kasi ayoko sa bahay namin kaya kumuha nalang ako ng condo para sa sarili ko. Ginagamit ko namang pambayad dito ay yung pinapadala ni Kuya at yung ibang kinikita ko kapag nagkakaraket. Sa gastos ko naman sa araw araw si Mommy naman ang sumasagot nun pinapadalan nya ako para sa gastusin ko.
Dahil hindi parin ako makatulog ay kinuha ko nalang ang aking phone at nag bukas ng social media. Dire-diretsong ingay sa messenger, mga notifs sa fb at sa iba pang apps. Maraming chats sa messenger ang bumubungad saakin palagi pero karamihan puro message request at hindi ko naman kilala ang mga andoon. Habang nag sscroll ako sa fb ay bigla ko naman nakita ang isang shared post ng kaklase namin at pagtingin ko ay naka mention sa post si Franki. Pinindot ko ang pangalan nito dahilan para mag loading papunta sa account nito. Una ko syempreng tinignan profile nya at mga naging profile nya medyo natatawa pa ako kasi meron pa syang mga profile na jeje pa HAHAHAHA pagtapos ko tignan iyon ay bumalik ako sa wall nya at tinignan mga pinopost at shares nya. Nagtataka ako kasi karamihan sa mga share posts nya ay about lovelife pero wala naman akong nakikitang picture nya na may kasama syang iba or lalake.
Hindi ko namalayan na kakastalk ko sakanya ay alaskwatro na pala ng umaga. Napaisip naman ako kung iaadd ko ba ito o hindi pero mas pinili ko na hindi nalang sya iadd kasi hindi naman ako sanay na ako nag aadd sa mga tao lalo na kung wala naman akong kailangan sa mga ito. Pagkatapos nun ay pinatay ko na ang phone ko at napagdesisyonan na matulog na. Ok lang naman na mapuyat dahil wala naman kaming klase may practice nga lang pero ayos lang naman kasi hapon pa yun.
-----
12:30pm
Nagising ako dahil sa ingay ng tunog ng telepono ko. Nainis naman ako dahil hindi naman ako nag alarm pero nagiingay ang phone ko sinagot ko naman ito ng hindi tinitignan kung sino ang tumawag.
"Hello" -Pag sagot ko sa kung sino man ang tumatawag. Bigla rin naman sumagot ang nasakabilang linya. "Hello D, nagising ba kita? Pasensya na ah." -Pag sagot naman ng nasakabilang linya. Hindi naman na ako nag react kasi alam ko naman na kung sino yun. Wala namang bago si Sky parin, sya lang naman mahilig tumawag sakin ng kahit na akong oras at ayon ang pinaka ayoko sa lahat. "Ayos lang!(kahit hindi)" -Pag bulong ko sa utak ko. Bigla naman itong natawa dahil siguro nahalata nya ang medyo pagkainis ko sa pananalita. "D, baka pwede mo naman akong samahan. May gusto kasi akong bilhin sa mall ipang reregalo ko lang sa friend ko. Ikaw lang naman alam ko na maaasahan ko pagdating sa pamimili eh." -Pag mamakaawa pa nito. Napairap naman ako sa kawalan bago ko ito sagutin. "Hmm, Sky ano kasi eh. May practice kami para sa stageplay comp---" Hindi pa ako tapos mag salita ng bigla naman itong sumapaw. "Ahh ganun ba. Sige sige salamat nalang." -Pag sagot naman nito na medyo paawa. Pero dahil mabait naman ako at alam ko na hindi naman rin kami mag tatagal ay agad ko naman itong sinagot. "Ahm, Sky, ganto nalang. Samahan Kita pero kailangan bago mag 4pm makapunta na ako sa venue namin." -Pag papaliwanag ko naman dito. Agad naman itong pumayag at halata ko naman sa boses nya ang pagkakatuwa nya.
Ang totoo kasi medyo ilang talaga ako kay Sky simula ng umamin sya saakin na may gusto sya saakin. Pero dahil kaibigan ko sya ayoko naman na iwasan sya. Pero minsan kasi sumusobra na rin naman sya eh. Yung mga bagay na hindi naman na dapat gawin or ipaalam ipapakita o ipagsasabi pa nya sa iba kaya ayun medyo minsan parang umiiwas na lang rin ako.
-----
Third person's POV
Sinundo nga ni Sky si Diana pagkatapos ay dumiretso na sila sa Mall. Hindi naman rin sila masyado nagtagal sa mall dahil ang ginawa lang naman nila ay kung ano yung kailangan nilang gawin. 3:10pm silang nakaalis sa mall pagkatapos nilang kumain at saka naman hinatid ni Sky si Diana sa venue nila sa practice. Medyo natraffic sila dahil hapon na at medyo marami ng mga tao dahil oras na ng uwian. Nalate si Diana ng dating Kaya naman pinagtinginan sya ng mga kagroup nito pagkalabas nya sa sasakyan. Pag labas naman nito ay saka rin ang pag labas ni Sky. "Thank you Diana ah! Saka pasensya na, nalate ka pa tuloy." -Pag hingi naman nito ng pasensya. Nginitian na lang ito ni Diana at sinabing ok lang. Magkatapos ay bigla naman itong niyakap ni Sky dahilan para mapa ubo si Mae at napatingin silang dalawa rito. Pagkatapos nun ay pumasok na si Sky sa kotse at kumaway pa kay Diana bago tuluyang umalis.
Pagkalapit naman ni Diana ay puro asar ang inabot nito galing sa mga tropa nya. "Ayon naman pala eh! Kaya late." -Pangungulit ni Mae dito. "Nasa tuwid na daan ka na ghorl?" -Isa pang pangangantiyaw ni Shena. Napuno naman ng tawanan at asaran ang namagitan sa kanilang lahat. "Mga sira ulo! Sorry late sinamahan ko lang kasi friend ko." -Pag awat ni Diana sa pang aasar ng mga kaibigan nito. Mas lalo pa syang inasar ng mga kaibigan dahil sa sinabi nito. At dahil sa pangungulit sakanya ng mga kaibigan nya ay may biglang sumingit sa kasiyahan nilang lahat. "Hindi pa ba kayo tapos dyan? Magdidilim na oh, mamaya anong oras nanaman tayo makakauwi." -Pag putol ni Franki sa kasiyahan ng lahat. Bigla naman natigilan ang lahat kasabay ng pag tigil rin sa pag tawa ni Diana at napatingin ito kay Franki at sa hindi sinasadyang nakatingin rin si Franki rito.
-----------------------------------------------------------
Just keep reading gays! Thank you so much sa mga nag aantay para sa mga next Chapters.
Ingat kayong lahat. Sana matapos na ang problema sa mundo. Keep safe always. Love y'all! Xoxo,💜💖

YOU ARE READING
CLOSER U & I (FrankiAna)
FanficThis is a fanfiction of Franki Russell and Diana Mackey the two ex hosemate of PBB. -------------------------------------- SO WE CAN GET CLOSER U & I