Diana's POV
First day ng practice namin at 4 lang kami naka attend ako sila Mae, Niko at Kuya Poy. Nalate pa ako ng punta at akala ko naman ay napaka rami na nila sa venue ayun pala ay apat lang kami ang nag practice.
Matapos ang unang practice namin ay hindi na ako nakakaattend pa ulit. Pero hindi naman iyon nag mukhang masama dahil marami-rami naman kaming hindi nakaka attend. Dahil bukod sa may saturday class kami ni Kia ay nakakatamad naman talaga lalo na kapag iilan lang ang nagpupunta.
Dumaan ang isang buwan at wala pa kami masyado nabubuo kaya napag desisyonan ng lahat na dapat ay magkakasama na palaging pupunta sa venue ng practice.
Dumating nanaman ang linggo at may practice nanaman kami sa studio. Nagpaalam naman ako sa kanila na mallate ako. Pero hindi naman masyado dahil nagpahatid ako sa Papa ko gamit motor.
Pagkadating ko doon ay madami-dami naman sila pero hindi parin kumpleto. Nagpahinga muna ako saglit bago nag practice at Maya maya pa ay biglang dumating si Franki na mukhang pagod na pagod dahil sa layo ata ng nilagad nito. Napatingin naman sya saakin sabay ngiti ngunit hindi ko naman ito nabawian dahil sa mga kinakabisa ko.
Nagppractice na ang lahat at nagbigay ng kaunting oras para mag break. Naupo lang naman ako habang hawak ang aking cellphone pero wala naman akong ginagawa hawak hawak ko lang ito. Bigla naman may umupo sa tabi ko at bigla akong kinausap nito. "Kala ko mallate ka?" -Pag tatanong nito. Agad naman akong napatingin at nagulat ako na si Franki ang kumausap saakin. "Hmmm, late naman talaga sana ako. Kaso sumakto na walang ginagawa si Papa kaya nag pahatid na ako ng motor." -Pag sagot ko naman dito. Napatango-tango naman ito at biglang lumapit ang iba pa naming mga kasama at nag kwentuhan kami ng mga kung ano-ano.
Bumalik ulit kami sa pag ppractice at siniguro namin na kahit papaano ay meron kaming mga nagawa dahil baka bigla nalang mag check ang Prof namin at baka kapag wala kaming napakita ay bigla itong maging tigre. HAHAHAHA
Pagkatapos ng practice namin ay kanya-kanyang uwi naman na kaming lahat. Nagkasabay sabay muna kami sa jeep pagkatapos ay sabay kaming naunang bumaba ni Kia at naiwan naman doon ang iba pa naming mga kasama.
Franki's POV
Na late ako sa practice dahil sa layo ng bahay ko rito. Pero alam ko naman na naiintindihan ako ng mga kasama ko dahil hindi naman madali ang mag byahe sa araw araw lalo na kapag siksikan pa sa LRT.
Pagkadating ko sa venue ay nagulat ako dahil andoon na nga si Diana. Sa totoo lang ay medyo nahihiya pa ako sakanila dahil lahat sila ay close na samantalang ako wala ako kasama dahil wala si Abi at Jamie dito. Mabuti na lang kahit papaano ay andito si Diana at may nakakausap ako kahit hindi pa kami masyado ganun ka close sa isat-isa.
Bumalik na kami sa practice at pinapanood ko lang sila. Napatingin naman ako kay Diana minsan dahil sa galing nito mag dala ng mga bagay na sasabihin nya. Hindi lang talaga sya marunong ngumiti hindi ko alam kung bakit pero mahilig naman sila magtawanan ni Kia. Pero yung ngumiting Diana ay hindi ko pa talaga nakikita. Napaka seryoso naman kasi talaga nito at kung hindi sya seryoso ay tumatawa naman.
Pagkatapos ng practice namin ay magsisiuwian na kami. Magkakasama kami sa jeep at nakikinig lang ako sa mga kwentuhan at asaran nila. "Sus Mackey! Lagi ko nakikita Twitter mo no. Napaka raming kalandian." -Pamimikon ni Shena dito. Bigla naman naging seryoso si Diana at pagkatapos ay tumawa ulit at todo deny na hindi naman totoo mga pinagsasabi ni Shena.
Maya-maya pa ay bigla ng pumara si Kia at pagkatapos ay bumaba na ito kasama ni Diana. Medyo nalungkot ako dahil akala ko ay malayo pa ang bababaan nito pero wala naman ako magagawa kung talagang hanggang stop and shop lang talaga sya.
Nangmakarating naman na ako sa Recto ay agad narin naman ako bumaba. Gusto ko pa sana mag ikot-ikot pero wala naman akong kasama kaya napag desisyonan ko na umuwi nalang rin at magpahinga dahil bukas ay maaga nanaman ako magigising dahil meron pa kaming NSTP.
-----------------------------------------------------------
AN: Hi gays! Thank you so much sa pag support nyo sa story ko. Sorry medyo maikli lang tayo today bawi ako next update promise.
And ingat kayo palagi. Ugaliing maghugas at maglinis palagi ng kamay. Kumain ng prutas at gulay at wag kalimutang umunom ng maraming tubig. At uminom narin ng vitamin C. So ayown! Ingat kayo palagi umiwas na muna sa mga gala na yan! Love y'all chanaccs! See you again on my next one! Xox,💜💖

YOU ARE READING
CLOSER U & I (FrankiAna)
FanfictionThis is a fanfiction of Franki Russell and Diana Mackey the two ex hosemate of PBB. -------------------------------------- SO WE CAN GET CLOSER U & I