Franki's POV
"Franki, malapit na pala laban nyo no?" Pag tatanong ni Jaime habang inaantay namin magsimula ang klase. Pero hindi ako masyado naka focus sa mga chinichika nya dahil may iba akong naiisip.
Asan kaya si Diana?
Papasok kaya sya?Paulit-ulit na tanong sa isip ko. Halos wala na nga akong pake sa paligid ko kakaisip sakanya. "Franki, hoooy!" Pangungulit ni Jaime kaya naman napatingin na rin ako dito. "Alam na ba ni Diana na may jowa ka?" Bigla naman akong natulala sa tanong nito saakin. "Hmmm, hindi pa ata. Ewan ko. Hindi naman sya nag tatanong eh." Pag sagot ko rito. Pero medyo naiilang na ako. Mga ilang saglit pa ay nagsimula na ang klase namin pero wala parin si Diana. Naalala ko naman na hindi ko nga pala sya nareplyan kagabi dahil sa sobrang antok ko. Mga ilang saglit pa ay kinuha ko ang phone ko at balak ko na sana syang i-chat ng biglang bumukas ang bintuan ng silid. "Wow good morning Miss, Mackey!" pag bungad ng Prof namin sakanya. "Sorry sir I'm late." Pag sagot naman nito na may kasamang ngiti sabay hawak sa batok na mahahalata mo ang bakas ng hiya. Nag lakad na sya para umupo sa bakante na upuan sa harap ko pero bago pa to umupo ay nginitian muna ako nito na parang nag slowmo ang paligid ko dahil sa ngiti nya. "Miss, Russell diba?" Pag tawag sakin ng Prof dahilan ng pag balik ko sa ulirat. "Kinig-kinig rin ano pag may time." Pang aasar pa ng Prof saakin. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Diana kaya bigla naman akong nahiya.
-----
"DMac, mamaya pala may meeting tayo." Pag papaalala ni Kia kay Diana habang nag aayos ng gamit si Diana pag tapos ng klase. "Okay Kia, hmmm, sunod ako." Pag sagot naman ni Diana bago umalis si Kiara. "May meeting ka? Saan?" Pag tatanong naman ni Jaime kay Diana habang naglalakad kami palabas ng silid. "Ahhh, Oo. Mamaya para sa faculty sports. Kinuha kasi ako para sa basketball sa babae." Pag sagot naman nito. Bigla naman ako napaisip na si Diana mag lalaro ng basketball? Paulit-ulit kong iniimagine na mag lalaro sya ng basketball dahilan kaya hindi ko alam mga topic nila habang nag lalakad kami.
"Franki, Jaime. See you na lang sa next class? May meeting pa ako eh." Bigla naman ako napatigil sa mga pinag-iisip ko ng biglang nagpaalam si Diana saamin. Nang makalayo na si Diana ay bigla naman akong kinausap ni Jaime. "Ang tahimik mo kanina pa hindi ka manlang nakikisali sa usapan namin." Napatingin naman ako dito at napangisi. "Wala lang, mas gusto ko lang kasi makinig sa pinag-uusapan nyo." Mga ilang saglit pa ay nagpalipas oras muna kami sa library para matulog pero ako eto iniisip parin yung nakausap ko sa chat si Diana, nginitian nya ako ng umaga, tapos mag lalaro sya ng basketball haaay Franki ano ba nangyayare sayo?
Pag daan ng mga ilang oras ay papasok na ulit kami para sa susunod na klase. Pag dating namin ni Jaime sa room ay halos lahat nasa room na pero si Diana wala parin. Bigla rin naman napansin ni Jaime na wala pa si Diana kaya naman napatanong ito kay Kiara.
Haaay buti naman naisip rin ni Jaime na wala pa si Diana para hindi narin masyado halata na hinahanap ko sya.
Mga ilang saglit pa ay bumalik na si Jaime. "May call daw si Diana sabi ni Kiara." Napatingin naman ako kay Jaime dahil sa sinabi nito. "Call?" Pagtatanong ko na kinagulat ni Jaime. "Oo call daw eh. Hindi ko alam kung anong call." Bigla naman akong nawalan ng gana dahil sa nalaman ko. Pero biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang Sexy, Hot, Beautiful, Perfect na si Dia-- Franki stop!!! Kaibigan mo lang si Diana at nagagandahan ka lang sa kanya ayun lang yun. Pag pasok naman ni Diana ay tumabi naman ito kay Kiara kaya naman hindi parin masaya. Pero mukhang may pinag-uusapan sila na seryoso kaya ayos lang.
"Hoy Punky!" Bigla naman ako nagulat dahil nasa harap ko na si Diana. "Nakikinig ka ba?" Pag tatanong pa nito. "Ano ulit yun?" Pag tatanong ko naman sakanya na kinatawa naman nito. "Sabi ko kung may costume ka na? Sabay na tayo bili kung wala pa." Bigla naman ako napaisip at naalala ko na wala pa nga pala akong costume para sa play namin. "Wala pa. Sige sabay na lang tayo." Pag tapos namin magusap ng napaka ikling usapan ay si Jaime nanaman ang kausap nya kaya nag bukas na lang ako ng laptop para libangin ang sarili ko. Ayos na sakin na hindi ako yung kakulitan nya basta nasa harap ko sya. Habang nag uusap naman ang dalawa ay bigla naman akong siniko ni Jaime kaya bigla akong napatingin sakanilang dalawa. Kita ko naman ang ilang sa mata ni Diana pero hindi ko naman alam yung reason kung bakit kaya pagkatapos akong sikuhin ni Jaime ay nagkunware na lang ulit akong busy sa harap ng laptop pero ang totoo nakikinig na ako sakanila. "Iniisip ng iba na straight talaga ako kasi wala naman daw sa itsura ko. HAHAHAHA" pag papaliwanag pa ni Diana kaya naman nagulat ako pero syempre kailangan hindi halata. "Ako may kapatid akong lesbian. Pero ok naman sya mag jowa pa nga eh." Pag sagot naman ni Jaime. Pag tapos ng mga narinig ko ay mas lalo akong naloka lalo na kay Diana.
Lesbian ba sya?
Bisexual?
Lesbian?
Bisexual?Paulit-ulit na tanong sa utak ko. Napagusapan na ba namin about sa sexuality nya before? Kaya ba sya naiilang tumingin sakin kanina? Nababaliw na ako kakaisip sa kanya. Pero kahit ano naman sya tanggap naman namin mabuting tao naman si Diana at mapag-mahal na kaibigan nakikita naman namin yun kung paano sya sa mga kaibigan nya. Sobrang kulit nga lang pero magand-- ugh! Franki tumigil ka na!
"Si Franki nga LDR eh!" Bigla naman akong napatingin sa dalawa na kanina pa nag uusap. Napatingin naman ako kay Diana para tignan ko kung magugulat ba sya o ano pero mukha naman syang chill kaya siguro alam nya na in a relationship ako or baka in a relationship rin sya.
-----------------------------------------------------------
Halooo gays! How are y'all? I hope y'all are safe. Sorry kung ngayon nalang ulit ako nakapag update. Anyways, thank you so much sa lahat ng nagbabasa ng story ko hindi ko akalain na aabot ng 1k+ yung nagbabasa neto. Medyo hindi ko na nga alam magiging takbo ng story ko kasi walang inspiration HAHAHAHA pero don't you worry, sisikapin ko na mabigyan kayo ng magandang story or matapos ito ng maayos. Thank you so much talaga sa lahat ng nagbabasa I love y'all!(;
YOU ARE READING
CLOSER U & I (FrankiAna)
FanfictionThis is a fanfiction of Franki Russell and Diana Mackey the two ex hosemate of PBB. -------------------------------------- SO WE CAN GET CLOSER U & I