CHAPTER 4

181 7 1
                                    

Diana's POV

Medyo na late na ako ng gising kaya eto late ako sa NSTP. Pero wala namang bago doon lagi naman akong late tuwing first subject. Nakaupo ako ngayon dito habang kasama ang mga ka grupo ko. Inaantay ko si ate Hasna dahil magkasama kami sa grupo pero haaay wala namang bago hindi sya nakapasok kaya eto ako ang sinasabon ng bida-bida naming leader. Siguro nga kung hindi lang mahaba pasensya ko baka isa na rin sa napagtripan ko to eh.

-----

Mag iilang oras na kami dito sa barangay at dahil last day na namin etong pag labas namin kailangan namin makapag turo sa mga bata. Sobrang tagal ng naunang grupo sakit na ng pwet ko kakaupo. Habang pinapanood ko ang naunang grupo ay may biglang sumigaw ng pangalan ko. "D!!!" -Pag sigaw ng kilala kong boses. Napalingon ako kung saan nanggaling ang boses na narinig ko at hindi naman ako nagkamali si Franki nga. Bigla naman itong kumaway sakin at tinanguan ko lang sya sabay ngiti na medyo pilit. Nagulat naman ako at nag lakad naman ito palapit saakin. Nang makalapit naman ito ay agad naman nya akong kinausap.

F: Aga mo ah! Tapos na ba kayo?

- Anong maaga ka dyan late rin ako no. Sadyang hindi pa kami nagsisimula kaya mukha akong maaga. Kayo ba?

F: Eto nga eh, first naming labas to sobrang late na kami HAHAHAHA pero kaya yan!

(Napangiti naman ako dito dahil kitang-kita mo sa mukha nya ang pagiging palaban kahit alam ko naman na medyo nahihirapan na sya.)

F: Hmmm, Diana. Pwede bang pag tapos nyo kami naman ang sumunod sainyo? Para naman makatapos rin kami ngayong araw.

- Oo naman. Sige pag tapos namin kayo naman.

(Napangiti naman ito saakin na parang bata.)

Pag tapos namin mag usap ay bumalik naman ito sa mga kagrupo nya. Hindi ko narin naman na ito tinignan pa kahit gusto ko syang tignan dahil baka mamaya ay mahalaga nya pa ako.

Franki's POV

Pag balik ko naman sa mga kagrupo ko ay hindi ko naman mapigilan na hindi tignan si Diana. Ok lang naman na tignan ko sya kasi hindi nya naman alam dahil hindi sya nakatingin. Habang tinitignan ko sya hindi ko naman mapigilan na hindi mapangiti kasi naman hindi ko maipinta yung itsura nya. Halatang boring na ito tapos biglang tatawa habang pinapanood ang mga bata. Halata naman sa mukha nya na mahilig sya sa bata parang mga bata lang ang may ayaw sakanya. HAHAHAHA

Bigla naman akong napabalik sa wisyo ng bigla akong tawagin ng isang kagrupo ko. "Franki, tara na! Mukhang matagal pa yan matatapos may mga nakaantay pang ibang grupo. Sa susunod na lang tayo habulin na lang natin yan!" -Pag reklamo ng isa sa mga kagrupo ko. Pag tapos naman nito magsalita ay lahat naman ay nagsipag sulsulan kaya wala narin akong nagawa kundi pumayag. Babalik na kami sa school pero bago kami umalis ay dumaan ulit ako kay Diana para magpaalam sakanya. "D, una na kami sa school ah." -Pag papaalam ko dito. Kita ko naman Ang pag kunot ng noo nito bago mag salita. "Hindi na kayo mag duduty rito?" -Pag tatanong pa nito saakin. Agad ko naman ito sinagot na sa susunod nalang at mauuna na kami sa school. Kita ko sa mukha nya ang medyo pagkalungkot kaya hinawakan ko ang balikat nito. "Sa school na lang mamaya." -Pag papagaan ko ng loob nya. Napangiti naman ito sabay napatango na parang sinasabi nya ay OO.

Diana's POV

Pagkatapos naman namin sa barangay ay pumasok na ako sa school. Nakakapagod pero masaya naman lalo na pag nakikipag laro sa mga bata kahit meron sakanila na maaattitude ay ayos lang. Dumiretso ako sa lib dahil gusto ko umidlip kahit papaano. Pag dating ko sa lib ay biglang bungad saakin ng napaka among mukha ni Franki. Ngumiti naman ito saakin sabay senyas na pumunta ako sa tabi nya. Lumapit naman ako dito at umupo habang busy sya sa binabasa nya. Bigla ko naman kinuha ang phone ko at nag open nalang ng twitter. Maya-maya ay bigla naman akong kinausap nito.

F: Pagod ka?

(Nagulat ako sa sinabi nito kasabay nun ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko. First time ko sa buong buhay ko na may magtanong saakin nito kaya rin siguro ganito yung pakiramdam ko.)

"Oo eh, pero ayos lang! Masaya makipag kulitan sa mga bata." -Pag sagot ko naman dito. Napangiti naman ito ng bahagya dahilan para mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Bumalik naman ito sa pag babasa kaya eto ako pag tapos ko mag cellphone ay natulog na lang.

Third person's POV

Pagsara ni Franki ng librong binabasa nito ay bigla naman itong napatingin kay Diana. Napangiti eto sa Nakita nya isang Diana Mackey na tulog at hindi lang ito basta tulog kundi isang Napaka among mukha na Diana ang nasaharap nya ngayon. "Ang bait mo naman pala eh, pag tulog." -Pag bulong ni Franki ng mahina. Bigla naman itong nagulat dahil biglang ngumiti si Diana at gumalaw. Ngunit pagkatapos ay nanatili parin itong tulog. Napahinga ng malalim si Franki dahil akala nito ay narinig sya ni Diana.

Lumipas ang isang oras at nagising na si Diana at si Franki naman ay nagsusulat ng kung ano-ano sa notebook na hawak nito. Tinitignan lang ni Diana si Franki habang nakapatong ang ulo nito sa lamesa at wala syang pake kung Makita man sya ni Franki. Agad naman napatingin si Franki kay Diana at para bang nagtataka ito. "What!? Ano?" -Pag tatanong nito. Natawa naman si Diana ng bahagya at napailing. Natawa rin naman si Franki dito pagkatapos ay niyaya na si Diana na pumasok na sila sa room nila para sa susunod na subject.

-----

Pag dating nila ay Hindi pa naman nagsisimula dahil wala pa ang Prof. "Guys, napapalapit na ang competition natin. Kaya dapat wala ng aabsent sa mga susunod na practice." -Pag sasalita ni Niko sakanila. Nagsi sangayon naman ang lahat kaya wala na silang naging problema pa.

Mga ilang saglit pa ay dumating na ang Prof at naging busy na ang lahat sa kanya-kanyang gawain.

-----------------------------------------------------------

Hi gays! Thank you sa pagbabasa. Keep safe always! Wag kakalimutan maghugas ng kamay mag alcohol at kumain ng tama.

Xoxo,💜💖

CLOSER U & I (FrankiAna)Where stories live. Discover now