One Message Received
from : 091624*****
Hi Zaira.Agad akong pumara ng taxi pauwi sa bahay namen. tinignan ko ulit yung phone ko. sino nanaman kaya to? grrrrr. nakakainis nakakaistorbo sya, pero malay mo pogi to :) Hahha. Sayang naman.
to : 091624*****
Hello. Sino to?Mga harut ba ko? di naman diba? Hahhah. konti lang XD Nakakagulat namam ang bilis nya magreply.
from : 091624*****
Bryan Ace Pineda.to : 091624*****
Where do you get my number?from : 091624*****
I have my own way Zaira :)Hindi nako nakapag reply kasi nga inisip ko kung sino sya. Hindi ko talaga siya kilala. Hindi tuloy ako mapakali kaiisip sa kanya. Pinihit kunay door knob atsaka pumasok sa loob ng bahay nagtuloy tuloy agad ako sa kwarto ko para mag palit, humiga ako sa kama at nagtalukbong para makatulog nalang tutal anung oras naman na.
_______________
Leigh's POVWalang pasok ngayon kaya eto ko nagsisipag sipagan. naglilinis ako ng kwarto ko tsaka naglalaba. Hahah -3-" General House Cleaning.
Nakakapagod din pala ne? Hindi po ako baguhan sa gawaing bahay nagmamaganda lang po :))) ilang oras din akong nagpahinga at sa wakas natapos ko din yung mga trabaho ko. Nagbukas din ako ng faceboook. Nakita ko may nagmessage sakin
Zaira : Bhest. :)
Me : Why?
Zaira : Sunduin kita mamaya sainyo. may pupuntahan tayo Bhest. :)
Me : Saan?
Zaira : Basta! Surprise.
Me : Sige
Zaira : Magdress ka ha!
Me : Ha? aanu ba kase?
Zaira : Secret nga e.. O sige na ha? Mamayang 5 Dont forget aalis tayo. Bye.
Aano kaya kami ng bruhang yon? Ayy. magdedress pa ang formal naman masyado. Maya maya kumain nako ng lunch at saka magaayos na rin ako ng isusuot ko mamaya. Magaganda naman yung mga damit ko pero nahirapan parin akong pumili. Bigla akong dinapuan ng antok siguro mga ala una palang, 5 naman kami aalis e kaya mas pinili ku munang magpahinga. dito nalang ako sa sofa matutulog.
"Sunooooooooooggggggggggg!!!!!!!" nagising yung diwa sa sigaw ni zaira. Bakit ba sya andito?
"Bhest, anu kaba? nakita mung natutulog yung tao e." @___@
"Ate ayos kalang? 5:30 napo, kanina pakita ginigising hindi kita matinag dyan." aniya. Huhuhuhuhuhuhu T.T
Hindi nako nagsalita pa, napunta na agad ako sa banyo para maligo. Nak ng tinapa -,-' bakit ba diko ako nagising ng maaga. Huhuhubells :((( natapos narin ako maligo siguro mga 20 mins. din yun pagkatapos nagbihis na rin ako kinuha ko nalang yung black na dress na 1 inch above sa knee ko. Maganda din naman ako sa dress nato. :) dali dali narin akong bumaba. nakita ko si Zaira nakapants lang tas tshirt tas ako nakadress. Ano to lokohan?
"Bhest, bat ikaw naka pants lang, na?" tanong ko.
"Basta Bhest. tara na Alas sais na bhest. Ang tagal mong kumilos" Ngumiti sya, ang ganda nya kahit simpleng tshirt lang yung suot nya.
"Sige" Nagsmile nalang din ako.
Pumara na agad si Zaira ng taxi, halatang nagmamadali sya. nilagyan nya ko ng Blindfold. hindi ko rin narinig yung sinabi nya sa driver kung saan ang destinasyon namin. Kinakabahan tuloy ako sa mga kinikilos nya. sandali lang yung byahe namin. Lalong lumakas yung kabog ng dibdib ko ng huminto na yung sinasakyan namin. tinanggal na ni Zaira yung blindfold ko. Namangha ako sa ganda ng tanawin, andito kami ngayon sa may Private Resort diko alam kung kanino to. Yung bang sa bawat lalakaran mo mga nagkalat yung Red and White Roses tapos may mga kandila sa garden. SUPER ROMANTIC. Hahaha :) nakakakilig. Naalala ko si Zaira? asan na sya? Bakit ako nalang yung tao dito? Nagpunta ako sa likod ng White House, Super Ganda ng bahay, siguro mahal to. nakita ko si Zaira nakangiti bakas sa mukha nya yung sobrang sya. :) And Shocks, yung katabi nya si ano. si....YVHO!!! My God. Magdadate sila? e bat sinama nya pako dito. sinabi ko naman sa kanya na gusto ko si yvho ha. :(( Pero bago pako lumpit sa kanila Hinawakan na nila yung illustration board na may nakalagay na :
Leigh, WILL YOU BE MY GIRLFRIEND? Hindi agad ako nakasagot kasi hindi ko alam kung totoo ba ito or panaginip lang. tinry kong kurotin yung pisngi ko, nasaktan ako. Totoo nga! Hahhaha.
"Bhest, wag kanang magisip ng mga kung ano ano dyan ha, nababasa ko yung iniisip mo dyan bhest. Lilinawin ko sayo. Hindi ako yung idedate ni Yvho hindi ako kundi Ikaw. :) Balikan nalang kita dyan mamaya ha Bhest. Just enjoy the nigth. :) Bye" Sabi nya sabay wave ng kamay paalis saamen.
"Ha? Si..ge. Bh..est In....gat" Hahha. nauutal pako, ayan lang talaga yung masasabi ko kasi naman nakakagulat talaga. Hahah :)) Nakakilig si Yvho ang sweet nya. kung alam ko lang na ako play idedate ni yvho edi sana hindi nako nagdress nag GOWN pako. :D
"What's your Answer, Leigh?" tanong ni Yvho.
"Totoo bato?" Hindi parin kasi nagsisink saakin na totoo yung mga nangyayari ngayon.
"Yes. This is real."
"Yes, Yvho. I Can be your girlfriend." sabi ko. naiiyak na ata ako. Halo halong emosyon yung nararamdaman ko ngayon.
"Lets eat first. :)" Ngumiti sya sakin. Kyyyyyyyaaaa! Ang gwapo talaga nya.
"Sige. :)" Nakakahiya naman hindi kasi ako masyadong marunong mag english. umupo na kami ni yvho at nagsimula na kaming kumain.
Alas 9 pasado nadin pala hindi ko namamalayan yung oras. Marami din kaming napagkwetuhan, tungkol sa kung saan saang bagay. Sinabi nya rin na sa kanila resort ito tapos mayroon silang sariling kompanya. Pero hindi sya nagkukwento about Personal life, ayaw nya siguro pagusapan kaya hindi narin ako nagusisa pa. Hindi parin dumadating si Zaira kaya nagpasya nalang ako na hindi ko na sya aantayin. Nagpaalam nako kay Yvho na uuwi na ako pero sabi nya ihahatid na lang daw nya ako. ayaw ko sana, pero nag pumilit sya. Andito na kami sa tapat ng bahay namin ngayon.
"Yvho, Maraming salamat ha. " nahihiya parin ako sa kanya
"Wala yun. GIRLFRIEND NAMAN NA KITA. hindi ba?" at talagang diniinan nya yung girlfriend ha.
"Hahah. Magiingat ka ha. :)" Nginitian ko nalang sya at nag wave ako ng kamay.
"Yes Of course . magpapakasal patayo e. Osige na. aalis nako pumasok kana sa loob baka mapano kapa sa labas. ILOVEYOU" ang sweet nya naman ng lalaking to nakakakilig. Hihihihihi ^_____^
"Sige na! " Nararamdaman kong uminit yung mukha ko. nagbublush pa ata ako. Nakakahiya :)
"Walang Iloveyoutoo?" Nagsadface pa si mokong. yan tuloy ang lola nyo bumigay na
" Eto na. ILOVEYOUTOO :*" Hahah. nakita ko sya kinikilig :) Hahahha.
"Kinikilig naman ako Baby." sabi nya.
"Papasok nako sa loob, baka makita patayo ni mama." palusot ko kasi naman e. pinakikilig nyako ng todo :D
"Bye Beautiful. " saka nya pinaandar yung kotse nya.
"Sige. Ingat!" Sigaw ko ay nagwave ulit ako ng kamay.
Paakyat nako ng kwarto ko ng biglang tumunog yung phone ko,
"∞∞Baby now that i found you i won't let you go.∞∞" incoming call from 094884***** tss. nakikisabay pa, pati yung ringtone ko. :)) HAHA."Hello?" sabi ko.
"Hi Baby."
"Yvho?" di ko kilala ang taong kausap ko pero parang si Yvho yung lalaki na ito.
"Yes, I am."
"Pano mo nalaman yung number ko?" tanong ko sa kanya.
" Hiningi ko kay zaira." sagot nya.
"Babye na. May flag ceremony pa tayo bukas."
"Sige, Baby Iloveyou tandaan mo yan :* Keep safe. Remember, NOV. 22??? Antayin moko bukas susunduin kita." Sabi nya. pagkatapos pinatay kuna yung tawag. Hahaha :) nakakakilig kasi ee. Ayy oo Nga pala
November 22.
Ngayon na pala mag umpisa ang pagiging Responsible Girlfriend ko kay yvho.
__________________________
end of chapter 3
BINABASA MO ANG
My Unutterable Foe
Teen FictionBawat isa may mga kanya kanyang mahal sa buhay mga kaibigan, pamilya, kaklase, kakuwentuhan, kakantahan, kasayawan, katrabaho, o kung sino pa man. Ngunit maniniwala ka bang kapag mahal ka nya hindi kana nya sasaktan? Hindi kana niya lolokohin? Ee p...