Sakay kami ng bagong sasakyan ni yvho. Siguro surprise na naman ang gagawin ng lalaking to. :) HAHA. Gabi na mga 8:39 na natatakot ako sa dinadaan namin puro puno -_______-" Haisssst!
Kinakabahan ako sa ginagawa ng ungas nato. Madilim talaga yung dinadaanan namin tapos yung naririnig ko lang yung ingay ng mga crickets.
Bigla nyang hininto yung sasakyan nya sa may bakanteng lote! Ang tahimik. Nagumpisa na kaming maglakad lakad, tinanung ko sya kung malapit na kami sa pupuntahan namin kaso hindi nya ako sinagot, ngumiti lang yung lolo mo.
Habang naglalakad kami nakakita ako ng gate na puti. Pumasok kami tapos biglang may bumuhos na petals ng roses sa ulo namin. Hahaha :) Hinugot pala ni yvho yung tali kaya bumuhos sami yun. Nakakakilig :D
Mabato yung dinadaanan namin kaya nag yapak nalang ako para dama ko yung mga batong galing sa dagat. Mayamaya tinakpan ni yvho yung mata ko gamit yung kamay nya. Bumalik nanaman tuloy yung kaba ko!
Ilang hakbang lang bigla nyang tinangal yung kamay nya sa mata ko, nagulat ako nung nakita ko yung dagat ang ganda naririnig din yung tunog ng alon. May mga candles at lobo na nakapalibot sa tabi ng light house parang yung first dinner date namin pero mas romantic to.
Nauna na si yvho sa taas, mauuna na daw sya :( Huhuhu -______-"
Nagumpisa na akong umakyat ng hagdan, mayroong mga kandila sa mga gilid ng mga hagdan, kasabay ng footstep ko paakyat yung pagtugtug ng piano. Ang ganda ng sounds ang romantic!!
Nakarating nako sa taas, nakita ko si yvho. Sya yung nagpipiano!! Ang talented naman ng taong to : kumakanta, naggigitara tapos nag pipiano pa :) Ang swerte ko talaga.
"Take a sit, Baby" Aniya.
"Sige." Kyaaaaaaa! kyaaaaaa! Kinikilig ako. Pwede poba mag mura? HAHAHA :) SH***********T.
Huminto na sa pagtugtug si yvho, nagumpisa na naman kasi kami ni yvho sa pagkain. HAHHA :) FYI Po, hindi po ako tumatanggi kapag pagkain yung usapan ee :D Pagpasensyahan nyo napo.
"Nagustuhan mu ba yung surprise ko??"
"Oo naman."
"Alam ko nagawa ko na ito dati pa. HAHA :) Gusto ko kasing maalala mo yung una nating date."
"Okay lang kung paulit ulit mong gawin ito. Naappreciate ko lahat baby."
"Salamat Baby. Iloveyou :*"
"ITAGA MO SA BATO ITONG SASABIHIN KO : ILOVEYOUVERYMUCH. :* " Diniinan ko talaga yan :D HAHA.
"Hahha. Pinapakilig mo nako ha! Pumopoints kana ngayon ha!" Natatawa nyang sabi.
Nagpatuloy na ulit kaming kumain ni yvho. Kinuwento nya din sakin yung napagusapan nila ni mama :) Marami nanaman kaming pinauusapan, isa na dito yung future namin.
"Sa tingin mo tayo yung magkakatuluyan someday??" Seryosong tanong ni yvho saakin.
"Oo, ee baby satingin mo ba??"
"Kahit hindi tayo ang para sa isatisa sa tamang panahon. Pipilitin kong maging ako yung future mo!! kahit utusan kupa si kupido na panain tayong dalawa :)" Hahah. Nyiiiiii ^__^ tulong nga guys plitttttth. Saan ba pwedeng itago yung kilig ko. KYAYYAAYAYAYYAYA!!!! HAHAHA ^____^
"Baka naman majingle ka nyan." Pabiro sabi ni yvho.
"HAHA. Assuming kanaman na kinikilig ako! HINDI AKO KINIKILIG ANO??" Pangaasar ko sa kanya.
"Haha. Hindi ka paba kinikilig??" Yung mata nya parang may binabalak. Hahaha :D
"Hindi."
"Hahhahahhah!" Tas tumawa sya ng tawa nyang nakakaloko.
BINABASA MO ANG
My Unutterable Foe
Novela JuvenilBawat isa may mga kanya kanyang mahal sa buhay mga kaibigan, pamilya, kaklase, kakuwentuhan, kakantahan, kasayawan, katrabaho, o kung sino pa man. Ngunit maniniwala ka bang kapag mahal ka nya hindi kana nya sasaktan? Hindi kana niya lolokohin? Ee p...