Chapter 5 : Secret Paradise II

37 3 3
                                    

Andito parin kame sa munting paraiso ngayon. Tinanong ko si yvho kung anong lugar ito, ang sabi nya lang andito kami sa Bataan ngayon.

Sa tent kami natulog ni yvho kahit na may bahay pa dito, gusto ko kasing ienjoy yung pagtulog sa tent kaya pumayag narin sya.Nakatulog naman ako ng maayos dahil sobrang tahimik ng paligid. Its already 5 in the morning at nakita ko si yvho na mahimbing pa rin yung tulog nya kaya i decided na ako na yung magluto ng breakfast namen. Naghanda ako ng Breads, coffee, rice, egg at yung paborito ni yvho yung bacon malapit lang naman yung bahay kaya nilakad ko nalang.

"Baby, gising na!" Sabay hampas sakanya

"Ang aga pa ee baby!" May kasama pang kamot ng ulo.

"Bahala ka dyan, naglutoluto pa naman ako."

"Talaga pinagluto ako ng Baby ko?" Pumapalakpak pa si ungas ee.

"Syempre, Baby kaya kita! Ayaw kong nakikita kang gutom ^___^"

"Eto napo babangon na para sayo Bey."

Pinasan ako ni yvho papunta sa bahay. Ang sarap pala ng feeling na pagkagising mo sa umaga yung taong mahal mo agad yung makikita mo. HHAHAHAHHA :) Super saya ko talaga ngayon.

"Baby, tara na kaen na tayo." Yaya nya sakin.

"Sige, tikman mo tong itlog baby." Sinandok ko yung itlog atsaka ko sinubo yun sakanya.

"Masarap ba?"  Tanung ko.

"Syempre naman Baby. Masarap!" Sabi nya tapos nag smirk sya sakin.

"Baby, mahal mo talaga ko no??" sabi ko.

"Syempre naman! Bakit mo natanung yan?"

"Hahahhahahahhahhahahahhahahha." Tumawa ako ng malakas

"Bakit ka tumatawa Baby. May dumi bako sa mukha?"

"Kasi nilagyan ko ng maraming asin yang itlog ee. tapos tinikman mo sabi mo masarap, pero nung una palang tinikman ko nayan masama yung lasa pero sinabi mo sakin na masarap yung luto ko para hindi ako madisappoint." Nakakakilig talaga.

"Syempre, sinu bang lalaki yung gustong madisappoint yung mahal nya? Wala diba? kaya kahit ano yung ipakain mo sakin basta ikaw ang gumawa kahit napakasama ng lasa hinding hindi ko sasabihing di masarap. Okey?  :) " Tapos ngumiti sya and then he kissed me in my forehead.

"Anu bayan. ang aga aga pinalakilig mu agad ako :3 HAHAHA"

"Haha. kinikilig na ba'y mahal ko?" aniya.

"Kumain kna nga ng kumain dyan Baby."

Nagpunta ako sa harap ng lababo para maghugas ang kaso pinigilan ako ni yvho na maghugas, aya nalang daw tapos narin naman daw syang kumain ee. Habang naghuhugas sya ng plato, naglilinis naman ako ng lamesa tapos niyakap ko sya

"Wag na wag mo kong iiwan ha Yvho?" nakita koy mukha nya naging seryoso sya. Humarap sya saakin saka sinabing

"Bat naman kita iiwan? baka nga ako yung iwanan mu ee." pumihit ulit sya at pinagpatuloy yung ginagawa nya.

"Hindi no!"

"Are you sure?"

"Yes"

"Good!" Sabi nya tapos niyakap ako. nakapa ko tulo yung mga abs nya. shhhhh*t. HAHHA Joke!

"Hoy, teka nga ako yung nagsesenti ee, bat ba sumingit ka." Tapos tumawa ako ng malakas. Niyakap ko nalang ulit si yvho.

Pagkayari naming maglinis pinapaligo ako ni yvho. Pinahiram nya din ako ng damit. Nagdala din sya ng mga pagkain tapos inumin. Natapos nakong maligo nakita ko din sya nakabihis narin!

"Tara na Bey." Aya nya.

"Aano ba tayo?" Usisa ko

"Maghahiking tayo. :) Gusto moba?"

"Hindi naman din nako makakaangal kasi halata namang ready na lahat."

"Kung ayaw mo naman, Ayos lang sakin. :)" Ngumiti sya saakin lalo tuloy akong naiilove ee.

"Joke lang naman ee. Tara na nga Baby."

Sinuot kuna yung bag ko at nag umpisa na kaming lumakad papunta sa bundok bundokan. Habang naglalakad kami nagumpisa ulit kaming mag kwentuhan ni yvho. Marami narin siguro akong nashashare sakanya. Kinuwento ko rin yung estado namin sa buhay pati tungkol sa trabaho ng pamilya ko. Laking gulat ko ng nagshare din sya saakin. Broken family pala sya kaya hindi sya basta basta nagkukuwento. Yung mommy nya daw andito lang sa Philippines tapos yung daddy nya asa ibang bansa.

Mahigit kalahati narin ng bundok yung naaakyat namin. Simple lang kasi yung bundok na inakyatan namin maliit lang at hindi matarik kaya madali lang maakyat. Huminto ako saglit para ilista ko'y tungkol kay yvho.

Name : Xavier Yvho Monteverde
Nickname : Yvho
Age : 17
Birthday : September 301997

•FAVORITE'S•

Color : Brown & Maroon
Food : Bacon
Actor : Mark Herras
Actress : Maja Salvador
Place : Baywalk
Pet : Dog
Singer : Ed Sheeran
Song : Lego House, Officially Missing You & Unwell

"O, eto na nilista ko na para quits na tayo. Parehas na tayong may alam sa isat isa."

"Hahhaha. Ang Corny mo?" Natatawa nyang sinabi

"Hoy, tandaan mo : The corny things is the most sweetest things." Binato ko si yvho ng putik tapos tumakbo ako ng mabilis pata hindi nya ko abutan.

"Hahha. Yari kana saakin. Andyan nako." Tumakbo narin sya ng mabilis.

Para kaming bata ni yvho puro putik na yung damit namin, pawis na pawis din kami. Nakarating narin kami sa tuktuk ng bundok!  Nagtayo si yvho ng flag na may nakalagay na "YVHONNE FOREVER" (XAVIER YVHO + LEIGH ANNE). Nag ukit si yvho ng pangalan ko at pangalan nya sa puno, remembrance daw sa lugar nato!

Humiga kami ni yvho sa damuhan at kumain ng baon namin. At asusual nagkuwentuhan nanaman kami ng kung ano ano. Ilang oras din kaming nasa taas ng bundok, mayamaya ay nagaya nakong bumaba na at umuwi na. Sumang ayon naman agad si yvho saakin. bumaba na kami at nagligpit na. Inilagay nanamin ni yvho ang mga gamit sa kotse nyang bago nanaman. Naligo lang ulit kami dahil putikan kame.

Bago kami umalis nag-iwan ako ng picture namin ni yvho na mayroong happy memories at isinabit ko sa isa sa mga puno dito na may nakasamang sulat sa likod.

Note :

Their love was sealed by eternity.

_____________________________

end of chapter 5

My Unutterable FoeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon