Chapter 4 : Secret Paradise I

45 3 0
                                    

Lumabas nako ng bahay. Nagtext narin kasi si Yvho na pupunta na sya. Nilock ko narin yung pinto maaga kasing pumasok si mama, sa isang linggo pa yung uwi nya, ako naman papasok pa sa school kaya walang maiiwan sa bahay namen. Malayo palang natatanaw ku na si yvho ang gwapo parin nya.

"Goodmorning Beautiful, Nag breakfast kana ba? kung hindi pa i will buy some food for you."

"Goodmorning din :) aa wag na nag almusal na rin naman ako ee."

"Are you sure?"

"Yes. tara na!"

Otw na kami ngayon sa school, napansin ko bago na naman yung kotse nya. Yaman ha! O baka naman yung kompanya nila,  kompanya ng mga sasakyan kaya araw araw bago. Naamoy ko si Yvho ang bango nya. e ako! Hahaha. amoy pulbos lang.

Nakarating na din kami sa school. Nakita ko yung ibang girls ang sama ng mga tingin sakin. Bakit kaya? sinabi ko kay yvho at ang response nya ay pumasok nalang daw kami sa room. Nakakainis tuloy ! laging nakasunod saakin e. pinabalik kona sya sa upuan nya baka kasi mahalata ng mga kaklase ko na kame. ayoko kasing ipagkalat muna, saka nalang sooner or later :)

Ilang sandali lang dumating nadin yung Values teacher namin. nagbalikan na tuloy yung ibang kakalase namin sa upuan nila. Nag umpisa ng nagturo si Ma'am Jennelyn tapos diniscuss nyadin yung magiging project namin

"Okey mga bunso, Ang magiging project nyo saakin for the third grading period ay parol o belen making. Gagawa kayo ng parol o kali man belen made in indigenous materials or galing sa patapun na bagay."

"Maam, ilan po per group?" tanong ni aira, yung kaklase ko.

"Siguro mga 5 or 6 persons pwede na. Kayo nalang din bahala sa groupings nyo" sagot ni maam

"Maam? gaano po kalaki yung parol?" tanong iba kupang kaklase.

"Mga 2 inches lang yan dalawa nayan."

"Kailan po papasa?" tanong ni yvho.

"Sa november 27, may one week kayong preparation class. O wala ng tanong?"

"Wala po ma'am." Sagot namin

"O kung ganon, Class Dismiss" sabay alis ni maam sa room namin.

Dinissmissed narin ni ma'am yung klase kaya ala na kaming gagawin ng two hours. Mayroon narin akong ka group Syempre si Yvho, she, ronell, aira at ako.

Nakaupo lang ako ng bigla akong tinawag ni Yvho

"Leigh, lets go! kain tayo sa labas."

"Sige." hindi ko alam kung bakit agad akong napapayag ni yvho. siguro nga seryoso nako sa kanya. Mahal kun nga talaga sya.

"Ako na yung magbubuhat ng bag mo!" bigla nyang kinuha sakin yung bag ko tapos kiniss nya ko sa cheeks.

"Yvho, anu ba? andami kayang tao dito." sabi ko.

"Diba ang sabi mo tinitignan kanila ng masama. edi ipapamukha ko sa kanila na mali ang ginawa nila sayo. mamatay sila sa inggit. Hhahhah :)" nakakakilig naman yung boyfriend ko.

"Teka! napansin mu ba si zaira kanina? parang hindi pumasok e."

"Hindi rin e." matipid nyang sagot

Nagpunta kami dito sa parking lot, pinagbuksan niya ako ng pinto pagkatapos pinaandar nyay kotse nya. dahan dahan lang syang magpaandar dahil siguro andito ako sa tabi nya at ayaw nya akong mapahamak. Nananaig parin ang katahimikan saming dalawa ni yvho, kung ako yung unang magsasalita baka sabihin naman nya na masyado akong papansin kaya nanahimik nalang ako. Habang nagbibiyahe kame hindi ko napigilan pa ang antok kaya naidlip nalang ako habang wala pa kami sa pupuntahan namin.

My Unutterable FoeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon