Part 5

3.2K 105 8
                                    

TUMUNOG ang nakasabit na wind chime nang buksan ni Billie ang French door.

"Welcome!-" Napahinto ang isang may edad na babae ng makita siya nito. "O, ikaw pala yan anak, kumusta ang school?" Nakangiting sinalubong siya nito.

"Okay lang, Ma. Kayo? Hindi ba kayo napagod dito sa shop?" Nagmamay-ari sila ng isang pastry shop. Ang Mama niya mismo ang nagbe-bake ng cakes, pies, pati mga pastries at tinapay na naroon. Ipinangalan sa kanya ang shop. Billie's Sweets open six years ago at naging patok sa kanilang lugar. Ang tindahan ay pinakababa mismo ng kanilang bahay. It was big enough to have the kitchen, the counter, five tables with chairs and benches in sides. 

Katulong na Mama niya doon ang Auntie Lilet niya na mismong kasosyo nito. Nag-o-offer din sila ng hot at cold beverages doon. Ang gawang cappuccino at black coffee ng auntie niya ay sikat na sikat sa mga parokyanong nadadaan doon.

"Medyo busy lang kami kanina ng Auntie mo sa dami ng customer." Inakay siya nito paupo sa isa sa mga table. Wala nang tao sa loob dahil malapit na rin ang closing time. Papaubos na rin ang mga naka-display na cakes at pastries. "Tinira ko yung paborito mo." Inilabas nito mula sa refrigerator ang isang malaking slice ng carot cake.

"Wow! Ma! Da-best ka talaga!" Sabik na inupakan niya agad ang cake pagkalapag niyon sa mesa.

"Teka, napano yang mukha mo?" Napahinto siya sa pagsubo ng iangat ng kanyang ina ang kanyang mukha.

"Ouch!" napangiwi siya nang hawakan nito ang pisngi niyang may bandage.

"Billie Ray! Nakipag-away ka ba?" nakataas na ngayon ang kilay na tanong nito.

"No! Hindi Ma!" agad na tanggi niya. "Nasubsob lang ako dahil sa practice."

Napakunot ang noo nito. "Talaga? Hindi ka nakipag-away?"

"Hindi nga," pagsisinungaling niya. Alam niyang hindi ito magtataka. Injuries like that were common to athletes especially when it requires a bat and a ball.

"Hindi mo pa rin ba ititigil ang softball na 'yan. Nasa huling taon ka na ng kolehiyo. Dapat nagko-concentrate ka na lang sa pag-e-ST at pag-aaral mo."

"Don't worry Ma, kayo kong i-handle. Hindi ko naman napapabayaan ang pag-aaral ko. Saka hindi naman kami araw-araw nagpa-paractice. Pagkatapos lang academic class."

Napabuntong-hininga na lang ang kanyang ina. "You are really your father's daughter. Hindi naging sagabal sa trabaho niya sa kompanya ang paglalaro ng baseball sa isang amateur league."

Napatingin siya sa nakasabit na larawan ng kanyang ama. Kuha iyon mula sa isang laro habang nagpi-pitch ito. May ilang larawan din doon kasama ang mga teammates nito. At ang huling larawan ay ang buhat siya nito habang nakahawak sa tropeong napanalunan ng team nito bilang champion sa isang amateur league. Isang magaling na baseball player ang Papa niya. He was scouted to play in Laguna Tigers team. It was a dream came true for him. 

Sampung taon siya no'n nang ang pangarap na yon ay nauwi sa isang bangungot. Nasangkot ang kanyang ama sa isang vehicular accident. Bumangga sa ang sinasakyan nitong company bus sa isang eight-wheeler track. Patungo sana ang team nito sa isang laro sa Batangas subalit hindi na nakarating ang mga ito. Walang nakaligtas sa aksidente. Ni hindi ma-identify kung sino ang mga biktima. Nakilala lang ang katawan ng kanyang ama dahil sa wedding ring na nakasuot dito.

Siyam na taon na ang nakalipas subalit sariwa pa rin iyon sa kanyang ala-ala. She could still hear the whimpers and cries of her Mom as she saw the lifeless body of her father. Wala ni gapatak na luha siyang iniiyak ng mga panahong 'yon. Para kasing hindi totoo sa kanya ang lahat. The body was cremated. At bago pa nila nalaman, ang pamilya ng kanyang ama ang nagsaayos burol. Inilibing ang kanyang ama sa isang pampribadong mausoleo. 

The funeral didn't last for three days which was decided by her father's family. Ito ang mga gumastos sa libing ng kanyang ama. Iyon ang unang pagkakataon na nakilala ni Billie ang kanyang lolo. She was scared on the way he looked at her. Mabalasik at istrikto ang dating nito sa kanya. Hindi niya pa noon lubos na nauunawaan kung bakit hindi niya nakilala ang kamag-anak ng kanyang ama. It was only the time after her father's burial. Nakita niya kung paanong pinagbuhatan ng kamay ng kanyang lolo ang Mama niya. 

Nakasilip siya noon sa may pintuan. Kitang-kita niya kung paanong sinigawan at sinaktan nito ang kanyang ina. Nagkukumahog na lumapit siya noon sa nakaluhod niyang ina. Umiiyak na niyakap lang siya nito. Nagtatanong ang mga matang tiningnan niya ang kanyang lolo. Ang mga nag-aapoy nitong mata ang sumalubong sa kanya. Iyon ang huling natatandaan niyang pagkikita nila.

At doon niya naunawaan kahit sa murang edad, ang galit na tingin sa kanila ng lolo niya at ang malamig na pagtrato sa kanila ng pamilya nito. They hated her mother. It was the time she cried with all her heart's content. 

Ramdam niya ang dulot na hatid ng pagkamatay ng kanyang ama. Wala na ang taong po-protekta sa kanyang ina. Wala na ang tanging kalaro niya sa catch-ball. Wala na ang malalaking kamay na bumubuhat sa kanya. Ang mga ngiting sumasalubong sa kanila kanyang ina ay tuluyan ng naglaho. She cried and cried. Subalit hindi sa harap ng kanyang Mama. Nagdesisyon siya na hindi siya magiging sanhi ng kalungkutan nito. She would be strong enough to protect her in the place of her father.

Pagkalipas ng ilang buwan ay nilisan nila nang kanyang ina ang probinsiya at lumipat sa Maynila. Ang Aunt Lilet niya na kapatid na kanyang ina ang tumulong sa kanilang paglipat. Nang malaman nito ang balak na pagtatayo ng business ng kanyang ina ay naging interasado ito. Mayamang hapon ang napangasawa ng Auntie niya kaya naman halos dito na nanggaling ang capital. Her mother didn't accept it but her Aunt forced it. Sinu-sino pa raw ba ang magtutulungan kundi silang pamilya lang.

"Hey, Ma! Sinabi ba sa'yo ni Aunt Lilet kung kaylan balak umuwi ng dalawang inakay niya?" tanong niya bigla upang ibahin ang topic ng kanilang pag-uusap.

Napatawa ito. "Naku, buti kung mga inakay pa ang mga iyon. Mamang-mama na siguro ang itsura ng mga 'yon."

"Si Shin siguro pwede pa. Pero kay Tsubaki duda ko e." Napahimas siya sa kanyang baba.

"Bakit naman?" kunot-noong tanong nito.

"Lagi kong naiisip na gagayahin niya si Rustom Padilla... at siya ay magiging si Zsa Zsa Saturna."

"Anong pinagsasabi mo dyang bata ka? Walang dugong berde sa lahi natin," wika nang kanyang ina na nakuha ang ibig niyang sabihin.

"Noong mga bata pa kami, nilagyan niya ng flower ang tainga ko."

"Nagandahan lang sa'yo."

"Noong ihatid ko sila sa aiport, si Tsubaki lang ang umiyak sa aming tatlo."

"May pag-kaemotional lang yung tao."

Naniningkit ang mga matang tumingin siya sa ina. "Last time na nag-email siya sa akin. Yung picture na pinadala niya, lalaki ang kaakbay niya."

"Kaibigan lang siguro." Umiling-iling pa ito.

"E bakit si Shin, tatlong babae ang nasa picture na pinadala niya."

"Mga friends lang din siguro ang mga yon."

"May friends bang nakakandong, nakayakap, at hinahalikan ang kaibigan niya?"

Natigilan ito sa sinabi niya. "Syempre nasa foreign country sila. Open-minded na rin ang mga Hapon tulad ng mga Amerikano pagdating sa pakikipagkaibigan at relasyon."

Nagkibit balikat lang siya sa sinagot nito. Shin and Tsubaki were her cousins as well as her childhood friends. They were the twin sons of her Aunt Lilet. 

****

- Amethyst -

Love Links 1: A Home Run For Love [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon