Part 8

2.8K 88 6
                                    

Napakurap si Billie nang itaas ni Harris ang kamay at sumenyas. Biglang may bumabang dalawang maids at isang butler sa sasakyan. Nagtayo ang mga ito ng isang malaking tolda at naglagay ng isang mesa at mga monoblock chairs sa silong. Napapito at nag-apir ang mga teammates nito. Nagkibit lang ito ng balikat.

"Anong kalokohan 'to?" mataray na saad niya.

"Hindi 'to kalokohan, Tamayo." He sighed. "The sun is too hot for the skin. Bilang babae alam mo dapat na nakakasama sa balat ang sobrang exposure sa araw." Nilinga nito ang paligid. "This land has a lot of things to work to." Kinuha nito ang asarol na hawak niya. "And this is very not suited to hold on. Masyadong mabigat ang trabahong 'to ." Nakatingin ito sa kanya at naroon ang pag-aalala sa mga mata nito.

Teka bakit parang bumait ang isang 'to? Napatingin siya sa tolda at mga upuan na inihanda nito. Nag-abala pa siyang magdala ng gamit... Anong nakain ng unggoy na 'to at mukhang nagpapaka-gentleman pa?

Nagulat siya nang biglang hawakan nito ang kanyang mga balikat. "Kaya naman, Tamayo... We, the baseball team are going to be considerate right now..."

Aba! Talagang may himala! They really going to take the job themselves? At uupo lang kami at walang gagawin? Isang ngiti ang sumibol sa kanyang mga labi. Napatango na lang siya dito.

Hinawakan nito ang kanyang mga kamay. "Thanks! Isa kang santa sa paningin ko sa unang pagkakataon." Napatanga siya nang ibinalik nito sa mga kamay niya ang kinuha nitong asarol.

Huh?

"So... we're leaving the work with you."

Huh?

"Take your seat, guys. This is going a hell lot of free time while we stay here," baling nito sa mga kasama nito.

Napahiyaw at agad na nagsi-upo ang mga teammates nito at inilabas ang kanya-kanyang technos and gadgets.

"Be sure to do a good job, Tamayo." Tumalikod ito at uupo na sana sa isa sa mga monoblocks nang malakas na hilahin niya ang braso nito.

"Wait... sinabi mo bang sa amin mo ipauubaya ang trabaho?" pagkumpirma niya. Itinuro niya pa ang sarili

Tumango ito. "Yes."

"Not the other way around?" muling tanong niya sa mahinahong tinig.

Napakunot ang noo nito. "No."

Napailing siya. At maya-maya pa ay napasigaw siya sa sobrang gigil. "You really are the worst! Aaaaah!!" Iyon lang at itinaas niya ang asarol upang hambalusin ito.

Agad itong nakailag. Nanlalaki ang mga mata nitong napatingin sa asarol na bumaon sa lupa. "Balak mo ba kong patayin?!"

"Huwag kang mag-alala. Hindi ka naman siguro basta-basta mamamatay sa sampung hataw nitong asarol."

Love Links 1: A Home Run For Love [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon