Part 3

3.5K 112 10
                                    

HINIHINGAL na pumasok si Billie sa locker room ng softball club. Ang mga teammates na inaasahan niyang daratnan doon ay wala sa loob. Ang tanging nandoon ay ang bestfriend niyang si Matilda at ang bagong miyembrong si Hibari.

"San sila?" Hingal na napaupo siya sa isa sa mga blocks na naroon.

Nagkibit-balikat ang bestfriend niya bilang sagot.

"Umuwi na," imbes ay sagot ni Hibari.

Napabuntong-hininga siya. "Ni hindi man lang nila hinintay ang desisyon ng dean."

Tumayo si Matilda at hinagis sa kanya ang malamig na bote ng tubig. "Ano pang inaasahan mo? Nabugbog yung mga tao at nagkaroon pa ng record sa guidance office. Sobra na kung may bad news pa." Naupo ito sa harap niya at inilapag ang first aid kit sa kandungan niya. Pinitik siya nito sa noo upang itaas niya ang kanyang mukha. 

Natuon ang mga mata niya dito. Sa unang tingin ay aakalain mong isa itong mayuming babae. Maganda ito at mahaba ang buhok na parang isang model. Alam niyang maraming nagkaka-crush dito. But looks could be really deceiving. Ang best friend niyang ito ang certified t-bird sa kanilang lahat. May pagka-feminine ang image nito subalit tulad niya ay boyish din ito kung kumilos. 

Napangiwi siya sa hapdi nang pahiran nito ng cream ang pasa sa kanyang pisngi at ang sugat niya sa gilid ng mga labi. Pagkatapos ay dinikitan nito iyon ng bandage. Mayroon ding bandage na nakadikit sa noo nito at maging kay Hibari. Hindi niya mapigilan ang sariling magngitngit sa tuwing maiisip niya ang nangyaring away sa field.

"So ano na? Ayokong magtanong dahil mukhang bad news ang nakaguhit diyan sa mukha mo ,Senpai," saad ni Hibari.

Senpai ang Japanese word sa senior. Half-Japanese ito na kumukuha ng Education major in English sa unibersidad na 'yon. Her course was the same as Matilda. Pareho silang kumukuha ng Education major in P.E. at ngayon nga ay malapit na silang magtapos. Subalit sa sarili niya ay alam niyang ayaw niya pang umalis sa school na 'yon hangga't hindi niya nararanasang mahawakan man lang ang championship trophy.

Itinaas niya ang dalawang daliri. "Dalawang bad news at dalawang good news."

Nagtatanong ang mga matang napatingin sa kanya ang dalawa. "May good news?" tanong ni Matilda na mukhang hindi iyon inaasahan.

"Anong gusto niyong unahin ko?"

"Bad news muna, Senpai," sagot agad ni Hibari.

Napatango siya. "Mauuna talaga yon. Okay." Napatikim siya upang bumuwelo. "Guys...suspended tayo... sa buong school year na 'to..." Nakangiti pa siyang nag-announce sa mga ito na para bang isang napakagandang balita ang sinabi niya.

Sandaling napahinto ang dalawa. Ilang saglit pa ay parang walang narinig ang mga ito na biglang lumayas sa harap niya.

"Hibari, sabay na tayong umuwi. Malapit ang boarding house mo sa apartment ko, di ba?" Pinagpag ni Matilda ang towel na nakasampay sa leeg nito at pagkatapos ay isinukbit sa balikat ang sports bag.

Ganoon din ang ginawa ni Hibari. "Yeah sure. Kain muna tayo bago tayo umuwi. Tomguts na ako, Senpai e."

Nanlaki ang mga mata niya nang makitang balak nga ng mga itong umalis at iwanan siya sa loob ng clubroom. "Hoy! Sandali!" Nagkukumahog siyang tumayo at hinarangan ang dalawa sa may pintuan. "Bakit aalis agad kayo? Hindi pa ako tapos sa sasabihin ko!"

Love Links 1: A Home Run For Love [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon