Part 12

2.9K 94 7
                                    

"Ang daming tanong." Napabuntong-hininga si Harris. "Okay. I'm going to explain once. Hear me out. I am courting Laurice Rosales right now. Do you know her?"

Napatango si Billie. "Yes. Siya ang representative ng HRM department sa beauty contest na sinasabi mo, di ba? Anong kinalaman niya?" Natatandaan niya ang babaeng 'yon na nanalo na sa contest noong nakaraang araw.

Disappointed sila nina Matilda at Andrea sa resulta. Wala kasing talent ang babaeng nanalo. Rumampa lang ito sa stage. Oo, maganda ito pero hindi naman marunong sumagot sa simpleng tanong. Idinaan lang sa ngiti at pagpapa-cute.

So, mga ganoong tipo pala ang nagugustuhan nitong si Harris.

"Her biggest rival in that upcoming contest would probably Chynna Uy." Ang babaeng tinutukoy nito ay isang half- Chinese na napipisil na magre-represent sa kanilang department. "Laurice really want to win the contest. Ang sabi niya, kapag siya ang nanalo, e sasagutin niya na ako. And to do that we need to help her to eliminate some potential obstacles. And for that, I need you to represent the education department instead of Chynna Uy."

Umiling-iling siya. "Imposible! Imposible yang gusto mong mangyari! Huwag mo kong gamitin para lang makuha mo ang babaeng 'yon! Lumaban na lang siya ng patas kahit sino pang makalaban niya. Kung talagang deserve niyang manalo, matatalo niya kahit ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa."

"Hey, Tamayo! Hindi ko hinihingi ang opinyon mo. What I need is your cooperation."

"Bakit ako pa?! Ang dami mong babae, di ba? Bakit hindi ang isa sa mga 'yon ang gamitin mo?"

"I have no choice. You're the only one I know in your department. And you have advantages having a miracle to win the contest."

"Anong advantages ang sinasabi mo? Ni wala akong talent. Hindi ako marunong kumanta o sumayaw kaya wala kang aasahan sa akin."

"You can do whatever you want in talent portion. Umarte ka or mag-magic ka o kumain ka ng bubog, kahit na ano. Galingan mo na lang sa question and answer. Magaling ka namang mangatuwiran at sumagot. Dalawa sa tatlong judges ang posibleng magpanalo sayo. The two of the three judges are your own adviser and your own coach."

She was stunned. Adviser niya si Mrs Santos. Paborito siya nito sa klase dahil sa likas na pagiging aktibo niya. And she just got make up with Mr. Magsalas, the coach of their softball team. Natuwa ito sa resulta ng pakikipagkasundo niya sa baseball team. Naisip lahat 'yon ni Harris?

"Masosorpresa ang mga 'yon oras na makita kang nakatayo sa may stage. It is once in a lifetime to see you there. Surely you will get their approval. Chynna is just a freshman. You are a senior. Mas magiging considerate sa'yo ang mga judges. Though in physical aspects, I'm not expecting anything. But anyway, you need to get ready." Dinukot nito ang cellphone at may tinawagan ito.

"Wait! Hindi pa ako pumapayag!"

"Shut up. Pinapunta ko na dito ang stylist at ang make-up artist. We need extraordinary effort to change your appearance. Just act like more feminine even once. Kapag nanalo ka sa contest na 'to, I'm going to end up our slave-owner relationship. You're going to be free from me. Hindi ba't 'yon naman ang gusto mo?"

Agad na napaangat ang tingin niya dito. "Gagawin mo talaga 'yon?"

"You have my word."

Nagdududang tumingin siya dito. Hindi kasi maalis-alis ang isang bagay na nagpapaturete sa utak niya. "P-paano kapag hindi ako nanalo?"

Napahinto ito na waring noon din lamang naisip ang posibilidad na 'yon. "If you lose... then there will be no dates, no intimate relationship, and no sex... with Laurice."

Nanayo ang balahibo niya sa narinig. Sinipa niya ang alulod nito. "Jerk! Iyon lang ba ang laman ng inaamag na utak mo?!"

"That hurts!" Hawak nito ang tinamaang binti. "Fine! Give me three tickets!"

"Anong ticket? Movie ticket? Concert ticket? O Lotto ticket?"

Nawala ang pagkakakunot ng noo nito. Bigla itong napabunghalit ng tawa. "Hindi ko masabi kung nagpapatawa o seryoso ka, Tamayo." Napapailing na lumapit ito sa bulletin board at humugot ng isang memo paper. Hinati nito iyon sa tatlo. Nagtatakang nakatingin lang dito si Billie.

Inabot nito sa kanya ang tatlong maliliit na papel na hinati nito. "Sign this."

"Huh?"

"Just sign this."

May pag-aalinlangan man ay kinuha niya ang mga papel at isa-isang pinirmahan. Isang nakakalokong ngiti ang ibinigay nito sa kanya nang ibalik niya dito ang mga papel. Bigla siyang kinabahan. 

Anong kalokohan na naman ang tumatakbo sa isip ng ungas na 'to?

"This will serve as my tickets, Tamayo." Ipinaypay nito ang mga papel. "Every ticket holds a wish."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi. "T-teka... huwag mong sabihing..."

"That's right. Lahat ng hihilingin ko ay ibibigay mo. At lahat ng ipapagawa ko ay gagawin mo. I have three of them. Damn! This feels good." Nilanghap pa nito ang hanging nagmumula sa ipinapaypay nitong papel bilang pang-aasar.

"Hindi valid 'yan! Ang daya mo!"

Napapalatak ito. "Kaya nga ipanalo mo ang contest para maging invalid 'to." Ibinulsa nito ang mga papel. "Don't even think to escape. I'll see you later then." Kinindatan pa siya nito bago umalis.

Napaamba na lang siya sa hangin.

Wala pang ilang minuto ay dumating ang inupahang stylist at make-up artist ni Harris. Bago ito lumabas ng classroom ay sinabihan nitong dapat na nakahanda na siya pagkatapos ng isang oras.

Hinila siya ng babaeng stylist sa CR at doon siya pinagbihis. Pinalitan niya ang school uniform na suot ng damit na inihanda ni Harris. In the first place, how did he even know her measurements? 

Ang semi-gown ay tube style at yari sa silk. Ang haba ay above the knee. Kumikislap ang mga batong nakadisenyo sa tela. Obvious na designer clothes ang damit sa tatak pa lang. A very expensive designer clothes considering Harris' standards. When she wore it, she did find out na medyo may pagkabolga ang maigsing palda niyon. 

Lutang na lutang ang kanyang kaputian sa kulay ng damit. Ni hindi niya pinag-aksayahang tingnan ang sarili sa salamin. Hindi kasi siya sanay magsuot ng ganoong klase ng damit. Pants, sneakers, at t-shirts ang pinakakomportable sa kanya. Kahit ang uniporme niya sa school ay mas maluwag kaysa pangkaraniwan.

Nang lumabas siya ng banyo ay ngiting-ngiti sa kanya ang dalawa.

"Wow... bonggacious ka girl! The dress is a killer! Bagay sayo in fairness... parang tinahi para lang sa'yo ang damit na 'yan," saad ng bading na make-up artist. Hindi niya alam kung binobola o pinagti-tripan siya nito pero hindi niya makuhang maniwala sa sinasabi nito.

Hinila siya ng dalawa paupo at sinimulang ayusan. Hindi niya alam kung ano ang kalalabasan ng kolokohang 'yon ni Harris. But she would just go with the flow for the time being. Tutal ay wala siyang magagawa hangga't alipin siya ng lalaki. 

But what the hell is she going to do with that contest?!

****

- Amethyst -

Love Links 1: A Home Run For Love [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon