Part 15

3.3K 105 11
                                    

Hindi makapaniwala si Billie sa mga nangyayari. Nakatayo siya ngayon sa stage sa harap ng daang-daang estudyante. 

What the heck! Anong gagawin ko?

"Now we have our last contestant for this talent portion. I know guys that you are really surprise by her appearance in this beauty contest. Give around of applause to Ms. Billie Ray Tamayo!"

Nagpalakpakan ang mga estudyante matapos mag-announce ng emcee. May ilang humiyaw at pumito.

Napatingin siya sa isang partikular na tao. Harris was smiling looking at her on the audience like the idiot he is.

Anong talent ang gagawin niya? Sasayaw ba siya? Pero parehong kaliwa ang paa niya. Tumula na lang kaya siya. Wala nga pala siyang kabisadong linya.

Di sinasadyang napatingin siya sa may sulok ng stage. Isang grand piano ang kumuha sa atensiyon niya. Napangiti siya nang mayroong ideya na pumasok sa isip niya. 

I'm save! She can play the piano of course!

Maingat na naglakad siya sa gilid ng stage. Tinatantsa ang bawat hakbang gamit ang pahirap na sapatos. Umupo siya sa stool na naroon. Binuksan niya ang takip ng piano. She hit a key to check the tune.

Tama lang ang tono. She would play the only piece she knew. Natutunan niya ang piyesa ng Pachelbel noong highschool siya. She joined Shin and Tsubaki on their piano lessons. Hindi nila napagtiyagaang tatlo ang pag-aaral no'n at iisang piyesa lang ang na-master niya. Ang piyesang paborito niya.

Huminga siya ng malalim bago niya pinindot ang tiklado. Mabuti na lang at natatandaan niya pa ang mga nota. Pumailanlang sa stage ang unang malamyos na tunog. It started from slow and solemn to fast and cheerful.

Napangiti siya. Nawala ang kaba niya at nagsimula siyang masiyahan sa kanyang ginagawa. Hindi niya na pansin ang mga tao sa paligid niya. Nag-e-enjoy siya sa ginagawang pagtugtog at hindi niya namalayan na nasa huling parte na siya ng nota. Ang huling tipa niya sa tiklado ng piyano ang biglang pumuno ng palakpakan sa auditorium.

"Wow! Palakpakan po natin ang natin ang performance ni Ms. Tamayo! Para lang akong nakikinig ng isang recital concert."

Before she went to the backstage ay muli siyang napatingin kay Harris. The jerk looked so please. Isa rin ito sa mg nagsisipalakpak sa audience. Umaakto ito na tila ba nanalo ito sa lotto. 

Gusto niya ba talaga ang babaeng 'yon? Bakit ko ba 'to ginagawa? Anong pakialam ko sa lovelife ng unggoy na 'to?!

Matapos ang ilang sandali ay dumako ang contest sa question and answer portion. Nagdilang-anghel si Harris nang sabihin nitong magiging paborito siya ng mga judges. Subalit sumablay ang sagot niya sa tanungan. Mrs. Santos asked her.

What will you do if your boyfriend fall in love with another girl and wants to break-up with you?

Isang honest na sagot ang binigay niya dito. 

I will beat him up to death before letting him go.

Ang sagot niyang 'yon ay umani ng tawanan sa mga estudyante. Hindi nakahuma ang mga judges sa sagot niya.

Subalit hindi siya nanalo sa contest tulad na rin nang inaasahan niya. She was the first runner-up and best in talent. But on the other hand, ang inaasahan nilang magwagi ay hindi rin nagwagi. Chynna Uy was only third runner-up.

Isang simpleng third year and nanalo. Lucille Villaflores, isang dating nerd na nag-transform at nagmukhang beauty queen. Ismarte at puno ng kumpiyansa ang dating nito. Pamatay din ang naging sagot nito sa tanong dito. It saved her effort at least. Kahit hindi siya nanalo ay hindi rin naman nanalo si Chynna Uy. Iyon ang mahalaga.

Love Links 1: A Home Run For Love [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon