PROLOGUE

9.5K 388 9
                                    

SHE placed her chin over her left knuckle while staring outside the window. Her other hand was gripping the steering wheel of her silver Porsche Panamera, her index finger was slowly tapping the helm.

It was minutes before noon and there was heavy traffic ahead and behind her. She needed a little patience to get over it.

She took a glimpse at her wristwatch again and sighed. She was on the road for almost two hours now after she went off from the gym, hungry and exhausted. She was supposed to enjoy her day off, but here she was, stuck on a congested road.

Hinihintay niyang pumula ang ilaw sa traffic lights, ngunit iyon man ay lubhang napakatagal.

Nilakasan niya ang aircon sa loob ng sasakyan at binuksan ang stereo. Might as well enjoy her exasperating adventure.

Muli niyang itinuon ang paningin sa labas, saktong paglingon niya ay nakita niya ang ginawang pahablot ng isang lalaki sa bag ng isang ginang.

Walang pagdadalawang-isip siyang lumabas ng sasakyan at hinabol ang lalaki.

"Tabi!" sigaw niya upang mahawi ang mga tao sa sidewalk. She leaped when she saw a hole on the pavement and bent when she saw a man carrying pieces of stuff on his shoulders.

"Tumigil ka!" Sa halip na tumalima ay binilisan pang lalo ng snatcher ang pagtakbo. Dahil may kapayatan at matangkad ay mabilis ito.

Luminga ang snatcher at nang makita ang humahabol sa kanya ay tinabig niya ang paninda sa may bangketa upang pabagalin ito. Nang magkulay pula ang traffic lights sa street na nilikuan ay tinawid niya ang kalsada patungo sa kabilang kalye. Malalakas ang busina ng mga sasakyan dahil sa biglaan niyang pagtawid.

Niccola smoothly slid over a car's hood and fastened her pace when her feet landed on the ground. Her veins were pumping in an adrenaline rush and her brain was telling her to catch the man. She was determined.

Tinabig niya ang mga taong nakaharang at binilisan ang galaw.

Nang mapansin ng snatcher na malapit na sa kanya ang humahabol ay muli itong lumiko sa isang kalye. Ngunit isa iyong maling hakbang sa parte nito.

She grinned when he ran over a dead end street. Tumigil siya sa pagtakbo at napahawak sa tuhod habang naghahabol ng hininga. "Tumigil na tayo sa pagtakbo, puwede ba?"

Luminga sa kanya ang snatcher, nakita niya ang takot sa mga mata nito dahil sa pagkakasukol. Subalit iglap lang iyon at agad ding nawala.

"'Wag kang lalapit kung ayaw mong masaktan...!" Sabay dukot nito sa patalim na nasa likurang bulsa ng pantalon. Itinuon nito iyon sa direksiyon ng dalaga.

Umayos siya ng tayo at bumuga ng malalim na hininga. Tiningnan niya mula ulo hanggang paa ang lalaki kasabay nang pag-iling. He was young, must be in his late teens or early twenties. Hindi na bago sa kanya ang makaharap ng mga kagaya nito.

"Ibaba mo ang patalim..." aniya sa kalmadong boses.

Imbes na tumalima ay ini-unday nito sa kanya ang kutsilyo na matulis ang dulo. Agad naman siyang umiwas upang hindi matamaan kasabay ng pag-ikot ng mga mata. Fool. She kicked the back of his left leg. Dahilan upang mailuhod nito ang isang tuhod.

Wala siyang sinayang na segundo at agad na hinawakan nang mariin ang kamay nito. Kapagkuwan ay pinilipit iyon patalikod dahilan upang mabitawan nito ang patalim na lumikha ng ingay pagkabagsak sa semento.

Napaigik ang lalaki dahil sa kanyang ginawa at nakaluhod na ang dalawang tuhod. "I warned you," napailing-iling na wika niya at hinablot ang bag na nasa kabila nitong kamay.

NAPAHILOT sa sentido si Niccola matapos makipag-usap sa rumespondeng pulis mula sa pinakamalapit na presinto. Nadala na roon ang snatcher at naibalik na sa may-ari ang bag nito.

Sexy But Lethal (Sanford Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon