CHAPTER 4

6.9K 356 5
                                    

KANINA pa siya nasa labas, sa ilalim ng mainit na araw. Ilang establisyemento na ba ang pinasok niya, at ilang footage ang kanyang napanood? The scorching sun and the hunger made her dizzier.

Ipinasya niyang pumasok muna sa isang restaurant upang mananghalian. It was almost one in the afternoon.

Habang naghihintay ng kanyang inorder ay inilabas niya ang cellphone mula sa bulsa. Napangiwi si Niccola nang makita ang ilang missed call mula sa mga kasamahan sa trabaho.

Nag-dial at may tinawagan. Nakadalawang-dial na siya bago sumagot ang nasa kabilang linya. "What?" malat ang boses na bungad ng nasa kabilang linya nang sagutin ang tawag.

"Alson Rye! Ngayon ka lang nagising? Hindi ka pumasok?!"

"A-Ate?," utal nito na biglang nabuhayan ang boses. "Ahm, masakit ang ulo ko kaya hindi muna ako pumasok," Alson, then laugh nervously.

"Kakalaro mo 'yan ng video games. Mai-estress ako sayo, Alson. Mabibigwasan talaga kita!"

"That's police brutality, Ate Niko," mahinang bulong nito ngunit narinig pa rin ng dalaga. "I love you, 'Te. You're the best ate in the world. How can I help you, Mi Hermosa?"

"'Wag mo 'kong daanin sa ganyan." Napabuntung-hininga siya. "Find information about the man named Justin Alonzo. Take a glimpse at his phone too. I'll send you his picture."

"Did you run my program on his phone?" tanong nang kapatid mula sa kabilang linya, the playfulness was gone. Naririnig pa niya ang pagtipa nito sa keyboard ng laptop.

"Uhuh... It is urgent, Al. Send it to me, bye." Iyon lang at pinatay niya ang tawag.

Aside from video games, her younger brother was a young genius. At his age, he was already developing software. He was a definition of a computer genius. Kaya nga lang, may katamarang mag-aral si Alson at minsan ay nagdadahilan upang 'di makapasok. Mas gusto nitong maglaro ng video games kaysa magbasa ng libro.

Binuksan niya ang powerpoint ng kanyang cellphone at gumawa ng presentasyon.

NAKAUPO si Mason sa isang sulok ng conference room habang matamang nakikinig sa mga nagpre-presenta sa harapan. Inaya siya ng chief ng departamentong iyon na sumama sa loob habang nagbe-briefing ang mga ito.

The criminal investigation was not his field of expertise. He was a combatant soldier. Ngunit nakuha ang kanyang atensiyon sa kasong hinahawakan ng grupo.

"There was no foul play. It was an accident," matatag na pahayag ng isang may-edad nang pulis. "No other DNA was found and no other evidence recovered on the scene that will indicate a homicide."

"The cleaning lady is most likely the suspect. Dahil sa pagpapahiya sa kanya ng biktima sa harap ng mga bisita nito ay nagalit ang matanda. She plotted the murder, clean the crime scene using the peroxide to get rid of all the shreds of evidence, then headed out as if nothing happened. Dahil siya rin ang naglilinis ng surveillance room ay nalaman niyang nag-malfunction ang CCTV cameras nang araw na 'yon. It was a perfect time to commit a murder," sabi naman ng isang mas nakababatang pulis.

Nagdedebate ang lahat nang biglang bumukas ang pinto ng conference room. Lahat nang mga mata ay napatingin sa dalagang bagong dating.

"Can I present, Sir?"

"You're very late, Villarama," sita ng isang pulis na seryoso ang mukhang nakatingin sa bagong dating na pulis.

"My apologies, Sir. But I assure you that the information I acquired is... interesting," wika niya na bahagya pang humihingal.

Sexy But Lethal (Sanford Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon