'Healing Words'
"H-Hindi na tumitibok ang puso niya." Natatarantang sabi ni Blu. Wilder and the others panicked at mas binilisan pa ni Xy ang pagpapatakbo ng kotse niya. "Seal her wounds." Kalmadong sabi ni Xy na siya namang ginawa kaagad ni Lucas ang pwede niyang gawin sa mga sugat ni Zia.
Wilder also helped patching her wounds habang dahan-dahan nang nahihilo si Blu dahil puno na ng amoy ng dugo ni Zia ang kotse. Binigyan nalang siya ni Archer ng panyo at tinakip ito sa ilong niya.
"We don't want you sucking her remaining drops of blood right now." Sabi ni Archer matapos tanggapin ni Blu ang panyo. Agad namang itinapat ni Lucas ang tenga niya sa dibdib ni Zia para pakinggan ang puso nito.His eyes widened after hearing a soft beat.
"I-It's beating again!" Aniya kaya saglit na nakahinga ng maluwag ang team. Halos palirapin narin ni Xy ang kotse dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya pero nag-iingat parin siya dahil sa mga sugat ni Zia sa katawan.Wala pang limang minuto ay nakarating na sila sa Alpha village. Agad silang sinalubong sa mga rangers ni Jun pero agad rin naman silang tumalikod nung makita ang dugo sa katawan ni Zia.
Lucas volunteered to carry her body inside and when Team Alpha saw Zia's body, anger filled the room."Nasan nakatira 'yang Uno na 'yan?! Papatayin ko!" Sigaw ni Dino at kumuha pa ng jacket habang nakasunod naman sina Hoshi at Baxter sa kanya. "Sama ako." Walang emosyong sabi ni Walter at susunod rin sana pero pinigilan na sila nina Jayden at Seth.
"Take her to the lab." Sabi ni Matthew habang nakakuyom ang kamao niya.
"No." Agad na sabi ni Blu dahilan para tumingin ang team sa kanya. "She needs to heal!" Giit ni Atlas.
"Imagine what she will feel if she wakes up in a lab again." Sabi ni Blu at tsaka tiningnan si Audin na may hawak na isang baso ng tubig. "Can you heal her?" Tanong ni Blu sa kanya kaya tiningnan niya muna ang katawan ni Zia.Audin sighed and nodded.
"T-Teka, hindi pa maganda ang pakiramdan ni DinDin." Sabi ni Shinshi pero ibinaba lang ni Audin ang basong hawak niya.
"Kaya ko." Aniya at sinundan na si Lucas na dinala si Zia papunta sa kwarto nito. Even though they were not used to Audin being all serious, they still followed them, curious of what healing Audin would do dahil hindi pa nila nakikita si Audin na gumagamot.Lucas put Zia's body on the tub and filled it with water.
Agad namang pumasok sina Jun at Xin at tsaka tiningnan ang katawan ni Zia. Jun was boiling with anger habang tahimik lang si Xin at parang hindi na alam ang gagawin. Tumingin naman si Audin sa iba.
"She'll be fine." Nakangiting sabi ni Audin sa kanila pero hindi parin mapakali ang iba kaya tumingin nalang si Audin kay Jun.
"Kailangan po munang mawala ang mga sugat niya." Sabi ni Audin sa kanila at nagkatinginan naman silang lahat. Jun obviously couldn't heal wounds right now kaya tiningnan ni Audin si Blu. Everyone then looked at him as he sighed and gritted his teeth.
"I-I've.. I've never bitten someone before." Aniya.
"Well, you need to do it or else Lucas will." Sabi ni Matthew dahilan para magkatinginan pa sina Blu at Lucas. Blu immediately walked towards Zia pero saglit siyang pinigilan ni Jun. Tumingin naman agad si Blu sa kanya.
YOU ARE READING
Midnight Angels: The War
Фэнтези[COMPLETE] "Welcome to the war." [Team Alpha: Second Generation Part 2]