'Couldn't Lie'
Matapos kumain ni Wilder ay umuwi na muna siya sa bahay nila para dalhan ng kape ang ina niya. Walter also came along with him at may dala-dala itong mga strawberry. Pagdating nila sa bahay ay sumalubong sa kanila si Keya na tumatakbo papunta sa kusina.
"Mom?" Naguguluhang tanong ni Wilder at saglit na natigilan nung bigla nalang sumuka si Keya dun sa kitchen sink. Walter immediately went to her side at napabuga naman ng hangin si Wilder.
"Ayan na 'yung kapatid ko." Aniya at nilapag ang kape sa mesa tsaka tiningnan si Walter na inaayos ang buhok ni Keya habang dumuduwal pa ito. "Gusto ko babae ah. Para cute." Inis lang tiningnan ni Walter si Wilder na ngumiti lang at lumabas na muna.He didn't want to get in his mother's nerves dahil nakwento na ng ama niya sa kanya kung gaano kainitin ng ulo si Keya kapag nagdadalang-tao ito.
Bumalik nalang siya sa Alpha Mansion at umupo sa sofa habang nakangiti. He just realized how Xy felt the moment he knew that he was going to have a sibling.
✥✥Kasalukuyang nasa lab ang Team Alpha maliban kay Walter at kakagising lang din ni Zia mula sa mahabang tulog niya. Matthew checked her stats habang dinidisconnect ni Miu ang mga nakakabit sa katawan ni Zia.
Binigyan narin ni Jun ng tubig ang anak niya.
"Binugbog ni Lucas si Blu." Sabi ni Jayden kaya agad na naibuga ni Zia ang tubig na iniinom niya sa Tito Seth niya na wala namang ginagawa. Inis naman itong tumingin kay Jayden. "What?" Gulat na tanong ni Zia.
"'Wag mong pakinggan 'yan. Baliw 'yan." Inis na sabi ni Seth at pinunasan ang damit niyang nabasa na. Jayden laughed at the success of his plan. Napabuga nalang ng hangin si Zia at tiningnan ang pamilya niya.
"How are you feeling?" Tanong ni Matthew sa kanya habang tinitingnan ang tab na binigay ni Miu sa kanya. "Okay naman po. I think I can join the training now." Nakangiting sagot ni Zia kaya napangiti narin si Xin at hinaplos ang buhok nito.
"Ganyan nga. Ipakita mong malakas ang lahi natin!" Sabi ni Hoshi. Ngumiti ulit si Zia at tumayo na pero pinigilan muli siya ni Matthew. "Bago ka umalis, titingnan ko muna 'yang pakpak mo. I haven't checked it since it grew after Reed pulled it off." Tumango lang si Zia sa sinabi ng Tito Matthew niya at umupo muli sa kama.
"Ang weird niyo 'no. Noon kalaban pa si Reed, ngayon teammate mo na." Natatawang sabi ni Duke. Ngumiti nalang si Zia.
"Let them out." Saad ni Matthew at tumango naman si Zia tsaka pumikit.
But for some reason, her wings won't come out. Dahil dito ay kumunot na ang noo niya.
"A-Ayaw lumabas." Aniya kaya nagkatinginan na ang Team Alpha. Having experienced the same thing, Xin handed her daughter a glass of water. "Freeze it." Aniya kaya tumingin naman si Zia sa baso.Humigpit na ang hawak niya rito at nakahinga naman ng maluwag ang Team Alpha nung makita nilang naging yelo na ang tubig sa loob nila.
"As expected, her abilities are slowly receding. I think it's the effect of the poison." Napatingin kaagad si Zia sa Tito Matthew niya. "Po?" Naguguluhan niyang tanong.
"We noticed a decrease in your stats ever since you came back from the iron wall." Sagot ni Miu at pinakita kay Zia ang stats niya. Her physical strength had decreased in a vast number kaya nagsimula na siyang magtaka.
YOU ARE READING
Midnight Angels: The War
Fantasi[COMPLETE] "Welcome to the war." [Team Alpha: Second Generation Part 2]