Cathy's POV
"Kuya ? anong section mo ?" Tanong ko kay kuya pagkatapos naming i check yung section namin sa may bulletin board sa may main building.
"IV-3 ako eh ikaw?" O---kay di na ako magtataka kung baket last section to. Hindi dahil sa bobo sya, kundi dahil ayaw nya lang talaga mapunta sa higher sections. Na trauma na ata. Weird nya no?
Kung nagtataka kayo kung bakit parehas kaming fourth year student. I forgot to tell kambal pala kami neto. Kaya lang mas matanda sya sakin nang 10 seconds.
At hindi sya payag na Zoren lang ang tawag ko sakanya dapat talaga may kuya.Ang arte nya at weird pa.
"IV-1 ako kuya eh."
" Ah sige. Hatid naba kita sa room mo?"
" Eh hindi na kuya. Kaya ko naman eh sa rm. 158 lang naman sa second floor lang ata yun"
"Ata? hindi ka sure tsk.Oh sige bahala ka. Bye Cathy"
Sabi ni kuya sabay halik sa noo ko.
"Aww ang sweet naman. Ang gwapo nong guy tapos ang ganda nang girl."
" Oo nga new students sila siguro no? Ngayon ko lang sila nakita eh. "
Seriously??? Kami ba talaga ni kuya yung pinag uusapan? Tsk. Mga students ba to? Bakit ka aga aga eh pag tsitsismis na yung inaatupag nil--
"Kyaaaah! Nandito na ang BOYS. Kyaaaa!"
"Waaa Vin. Akin kana lang!"
"Oh my, girl ang cool talaga ni fafa Jady"
"Kyaaa fafa nick ang cute mo!"
"Teka girls, wala ata si Fafa Xylam"
"Kyaaaah MAHAL NA MAHAL NAMIN KAYO BOYS!"
O_____O Oh My God. What's happening here? Bakit parang may artistang dumating? Uso ba talaga rito ang sigawan?
Hindi lang basta basta sigawan. With matching takbo pa. Tsk makapaghanap na nga lang nang room.
-----
"Room 158 Asan kana ba? Ah Gotcha! Nandyan lang pala"
sabi ko habang natakbo.
Kanina pa kase ako hanap nang hanap eh. Nasa pinakadulo lang pala nang second floor malapit sa pintuan siguro papuntang rooftop.
Takbo lang cathy. Sige baka malate ka--
"FVCK! What the. Tumingin ka nga sa dinadaanan mo."
Hay kahit kailan talaga Cathy. Napaka Clumsy mo.
"Ah eh s-sorry ho. Pasensya na nagmamadali po kasi ako"
"Tsk. Pwes kung nagmamadali ka piliin mo yung mababangga mo. Tatanga tanga ka kasi."
Shemay!! Ang gwapo naman neto...
Pero napaka antipatiko psh.
"Nag sorry na nga diba. Ano paba ang gusto mo?! At sino kaba para tawagin akong tanga ha? Ang kapal mo! Akala mo kung sino kang gwapo. At bakit ako lang ba ang hindi tumitingin sa daan?! Eh ikaw rin naman ah. Hindi karin naman mabubunggo sakin kung nakatingin ka sa daan!"
Sabi ko sa kung sino man yun sabay takbo. Phew ang aga aga napagpawisan na agad ako. At nakakita na agad ako nang away tsk.
Sayang, gwapo pa naman sana sya. Mala anghel na mukha pero malademonyong ugali.
----
Nandito na ako ngayon sa room and good thing kase wala pang masyadong tao.
"San kaya pede maupo"
→_→
←_←
→_→
Aha doon nalang!
At naupo na nga ako. Nandito ako sa may bandang gitna. Okay narin dito.
"Hi miss. Transferee ka ba? Parang ngayon lang kasi kita nakita eh. Ako nga pala si Tiffany Wexlif"
Sabi nang babae sa tabi ko. Ang energetic naman neto.
"Ah hehe oo transferee ako. Ako nga pala si Catherine Fortalejo. Pero Cathy nalang ang itawag mo sakin"
"Ah talaga? Sige Cathy, sakin naman Tif nalang ang itawag mo."
Naputol yung pag uusap namin nang dumating yung teacher namin.
Nagpa kilala lang naman kami sa isa't isa. Tapos konting orientation. Ang cool nang school nato kase every friday 3:00 yung uwian, tapos ok lang na mag civilian. Haha Ayooos!
BINABASA MO ANG
Ms.Probinsyana
Teen FictionMy first ever story! Read it if you want to feel inlove. Sana wag kayong mag expect nang sobra sa storyang to, kasi MASASAKTAN LANG KAYO! haha. "A boy who fell inlove with a girl who can't love him back. "
