Cathy's POV.
September na ngayon!!! And guess what? Highschool week namin! Ang cool nga eh! Parang university week lang pero high school week ang tawag kasi high school palang kami at hindi naman university tong school namin.
Ok naman yung mga nangyari this past few months. Si Clarice hindi na ako ginugulo. Kasi hindi naman kami nagkikita ni Xylam.
Yeah speaking of him. Ok naman kami nung June and July. Nagpapanggap na nga kaming couple sa school. Kahit na hindi naman talaga totoo. Pero after that bigla nalang syang naglaho na parang bula. As in.
Kahit ang ibang members nang BOYS hindi alam kung nasaan sya. Hindi naman sya hinahanap nang mga teachers kasi excuse naman daw sya.
Marami ngang nag tatanong sakin kung nasaan sya. Kesyo raw nag-away kami kaya umalis. Oh kaya nag transfer dahil break na kami.
Seriously?? Grabe na talaga ang mga tao ngayon. Makagawa nang storya wagas.
"Hey, Miss Proby. Anong ginagawa natin ngayon?" Tanong ni Vin.
Yeah close na kami nina Vin, Jady at Nick. Hindi ko nga din alam kung bakit nakipagkaibigan sa akin tong mga to. Sabi nila dahil parang ONE-OF-THE-BOYS naman daw ako kay ituturing nila akong member nang BOYS. Haha mga adik lang no?
Tapos ang cute nila kasi protective sila sakin. Sabi nila gusto daw nila akong maging kaibigan dahil kakaiba raw ako. Seryoso? Anong klaseng kakaiba? Haha ang labo nga nila. Pero dahil Sina Tif lang naman yung friends ko dito at hindi ko naman sila classmates. Pumayag nalang ako na maging kaibigan sila. At hindi naman ako nagsisi dahil napamahal na ako sa kanila.
"Ewan ko sayo Vin! Cathy ang pangalan ko. Hindi Miss proby" Ang kulit kasi! Hehe.
"Eh sa gusto namin Miss Proby eh! Kaya dapat kami lang ang tumatawag sayo nun ha??" Saad naman ni Jady.
"Hay nako. Sige na nga! Teka bat napadpad naman kayo dito?" Nandito kasi ako ngayon sa may parang mini forest nang school. Nagprapractice ako nang kakantahin para sa performance. ko sa High school week.
"Wala lang Miss Proby. Namiss kalang namin eh. Haha At congrats pala ha?" Sabi naman ni Nick.
"Haha ewan ko sayo Nick. Eh kakikita lang natin kanina sa room ah. At saka Last week mo pa ako kinocongratulate! Haha THANK YOU ulit!"
Nanalo kasi kami sa battle of the bands last week. Haha ayos nga eh. At hindi naman sa pagmamayabang. Parang naging kilala ako dito sa school. Ewan ko nga eh. Parang bumait sakin ang lahat nang tao. Dati kung makatingin sa akin parang kakainin nila ako nang buhay dahil sa inagaw ko daw si Xy sa kanila.
"Syempre naman! Hindi ka lang namin makita nang ilang minuto eh parang kulang na kami"-Vin.
"Haha Ewan ko sa inyo. At dahil inistorbo nyo ak--"
"ILILIBRE KA NAMIN NANG ICE CREAM! haha alam na namin yan miss proby". Sabay sabay nilang sabing tatlo.
Napailing nalang ako. Hay nako kilala na talaga ako nang mga to. Minsan nga naiisip ko na swerte ko rin at naging kaibigan ko sila. Dahil parang hindi ko na masyadong namimiss si kuya Zoren.
Nandoon parin kasi sya sa France. Haaaay kailan kaya ako makakapunta doon? Miss na miss na miss ko na kasi ang kambal ko.
"Hey Miss proby! Ako nang magdadala nang guitar mo ha? Para di ka mabigatan." Sabi ni Jady.
"Salamat." Sabi ko nalang.
Jady's POV.
Kasalukuyan kami ngayong kumakain nang ice cream kasama si Ms.Proby.
BINABASA MO ANG
Ms.Probinsyana
Fiksi RemajaMy first ever story! Read it if you want to feel inlove. Sana wag kayong mag expect nang sobra sa storyang to, kasi MASASAKTAN LANG KAYO! haha. "A boy who fell inlove with a girl who can't love him back. "