Chapter 9 ( Meet Clarice)

71 1 0
                                    

Clarice POV.

"Yes mom, im pretty sure. It's almost 3 years na wala ako sa pinas. Miss ko na yung mga friends ko doon. Especially him." I said to my mom habang tinutulungan akong mag impake nang mga clothes ko.

"Well, if that's want you want. Saan ka mamalagi dun at mag aaral anak?"

"Hmm I think it's much better if I'll stay in our mansion. At sa St.Monica ako mag aaral. Halos lahat nang friends ko kasi mom eh dun nag stu-study" Tsk eww friends?? Not really. Si Xylam lang naman ang habol ko dun. My Childhood bestfriend na sobrang mahal ko.

"Ok then. Ikamusta mo nalang ako sa Wexlif's. Ok go and rest na. Maaga pa bukas ang flight mo. Good night" Sabi ni mom sabay halik sa cheeks at lumabas nang room ko.

Mabuti nalang at napapayag ko si mom na sa pinas na ulit ako mag-aaral. I really miss Xylam! At dahil narin sa nabalitaan ko na may lumalandi sa kanya. Seriously?? Ang kapal naman nang mukha nang girl nayun. Tsk what a slut! Kung hindi lang siguro ako namalagi dito sa states eh malamang kami na ni Xylam. Kaya dapat lang na mabawi ko na si Xylam sa Slut nayun. How dare she.

Mabuti nalang at marami akong sources sa Philippines. Kaya nalaman ko agad na nilalandi nang girl nato si Xylam. Tsk how pathetic!

----

"Welcome back Ms.Clarice" Sabi nang muchachang caretaker nang mansion namin.

Oh god! namiss ko ang Philippines. Ang daming nagbago.

"Ipasunod nyo ang mga gamit ko sa kwarto bilis!" Utos ko sa mga maids at umakyat na sa room ko.

Hmm good, walang nagbago sa room ko. Ganoon parin at mas lalong luminis.

"Aaaah I want to rest." Kailangan kong magpahinga dahil bukas na bukas rin ay papasok na ako St.Monica! Gaaad Im so excited! Ano na kayang mukha ni Xylam. I really miss him!!

Cathy's POV.

Pagpasok na pagpasok ko palang sa gate nang St.Monica eh pinagtitinginan na ako nang mga students. Tsk Hindi naman ako nagpatalo at tinaasan ko sila nang kilay.

Ayan na ang malandi!

Tsk. Kabago bago eh nilalandi na agad si prince Xylam.

Ang pangit pangit naman. Ang haba nang buhok nya ang sarap hilahin!

Tsk slut.

Bulung bulungan nang mga estudyante Tsk.

"Please lang kung mag bubulungan lang naman kayo. Wag nyong iparinig sakin ha? Nahihiya naman ako sa inyo. Dinidescribe nyo lang yung sarili no eh Psh." Sabi ko sabay lakad papuntang room.

Phew, sa buong buhay ko ngayon lang ako naging ganon ka maldita. Well kailangan eh para hindi nila ako apihin at maging matapang ako sa harapan nila.

Nakapasok na ako nang room at wala pa si Tiffany. Wala naman akong masyadong close na classmate  kasi sina Lex at Mars ay section 2. Kaya nag bukas nalang ako nang notes ko at nag aaral.

"Good morning everyone! All fourth year students are requested to proceed at the AVR."

Narinig naming ina-nounce kaya pumunta na kami sa AVR at hindi parin ako makaligtas sa tingin nang mga tao.

Pagpasok na pagpasok ko sa AVR eh section nalang pala namin yung iniintay. Aww nakakahiya naman Section 1 pero late? Umupo kami sa may bandang unahan since by section ang upuan.

Ms.ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon