Chapter 8 NAKAKAHIYA

54 1 0
                                    

Cathy's Pov.

"Ihahatid nalang kita sa inyo." Sabi nya sabay lakad.

Ay?! ni hindi manlang hinintay yung sagot ko kung papayag ako magpahatid?

Tsk tsk. No choice narin ako. Alangan namang mag inarte pa ako diba?

Napangiti nalang ako nang palihim. May pagkabusilak rin naman pala tong si Xylam eh. Mabait naman sya minsan. Pero madalas parin ang suplado.

"Hoy! Tatayo kana lang ba dyan? Bilisan mo. Bago pa magbago ang isip ko!"

Sigaw nya sakin. Kaya heto tumakbo ako papunta sa kanya at sa kamalas malasan nga naman..

Boooogsh.

"A-araay. Nyemas ang sakit!" Takte naman kasi.. Bakit ngayon pa umandar yung pagkaclumsy ko. Nadapa tulo- Araay!

Ang sakit nang paa ko. Linteks bakit kasi may takong pa itong sapatos ko eh. Bwiset!

"Hey anong nangyari? Ok kalang? masakit ba?"

-__________-"

"Oo ok lang ako. Ok na ok! Sa sobrang ok ko nga hindi ako makatayo dahil ang sakit nang paa ko. Kaya ok lang ako! Ok na ok!! At hindi sya masakit. Kita mo oh Namamaga na dahil hindi masakit! Bwiset."

Kita nya na halos di na nga ako makatayo at namamaga na yung paa ko. Eh tatanungin kung ok ako? Duh? Hindi ba obvious? Tsk gamit gamit rin nang utak men!

Teka? Bakit ba ang init nang ulo ko ko ngayon? A-at parang sumasakit yung puson ko.

Sheeteeeeee!! No! No! No! Please lang wag lang ngayon...... Nararamdaman ko na parang may tumutulo na sa 'YouKnow' ko. Waaaaaa Huhuhu. Hindi pwedeee.

"Tsk. Masyadong pilosopo" Sabi nya nalang habang pinunasan nya nang panyo ang nadumihan na part nang paa ko at akmang bubuhatin na ako.

"AAAAH! STOP! WAG MO AKONG BUHATIN! S-SUBUKAN MO LANG! MAKAKATIKIM KA S-SAKIN!" Waa sheeeetee.

"Tsk. Kaya mo ba maglakad papunta doon?" Sabi nya sakin sabay turo dun sa nakaparadang Wow! Kotse. Ang gara naman!!

"Ahm.. O-oo. Hehe sige mauna kanang maglakad doon. Sunod lang ako."  Sabi ko naman sa kanya. Dapat ako yung nasa likod. Baka makita nya yung hindi dapat makita.

"Okay then." Sabi nya at nauna na nga maglakad.

Pheeew! Kaya ko pa naman tumayo. Medyo nawala nayung kirot. Kaya tumayo na ako at nagsimulang maglakad kahit pa ika-ika.

"Oh wait. ang panyo ko." Sabi nya, sabay takbo pabalik dun sa pinagdapaan ko kanina.

Waaa bumalik syaaa!! Isa lang ang kahulugan nun!! Nasa likod ko sya at--

O_____O

Niyakap nya ako?????

"May tagos ka." Bulong nya sakin na nakapagpalambot naman nang tuhod ko. OEMGEE! Ang sexy nya bumulong.

Juice Colored. Nasa gitna ngayon ako nang kahihiyan pero nakuha ko pang maglandi. Bwiset! Oh Makapangyarihang lupa!! Kainin mo na ako.

"A-ah... E-eeh.."  Yun nalang yung nasabi ko.

"Tsk here"  Sabi nya habang pinulupot nya sa bewang ko ang leather jacket nya.

Shemaaay! Kinikilig ako... Wait? hindi ako kinikilig ah. Loyal ata to kay bestfriend! Tsk. wala akong sinabing kinikilig ako. >____<"

"T-thanks. Kailangan k-ko nang makauwi. Hehe" Waaaaa nararamdaman kong unti unting umaakyat yung dugo ko sa mukha. Waaaaa. NAKAKAHIYA!!!

------

Nandito na ako ngayon sa kwarto. At hanggang ngayon eh hindi parin ako maka move-on sa nangyari.

Shemay naman kasi. Sa kadami daming tao sa mundo. Sya patalaga ang nakakita nang tagos ko. Bwiset!

T-teka? Ano naman ngayon kung sya? Eh si XYLAM lang naman yun eh. Atsaka hindi nya naman yun ipagkakalat siguro.

"Aaaah ! Move-on na nga! Gawin mo nalang tong homework mo babae ka."

1 Message receive.
 From: 091********

Hey, ok kana?

"Hala! Sino naman kaya to?"

To: 091********

Sino po ito?

Hmm sino naman kaya yu-- AY KABAYO NA WALANG BUNTOT KUNDI PAKPAK KA!

Ring!!!!! Ring!!!!!!

Grabe nakakatakot naman tong ringtone ko. Naka max volume kase.

T-teka? Ito yung unknown number na nag text sakin ah. Bat naman kaya napatawag?

"Hello???"

Tooooot tooooot

Ay WatDaHek? Tatawag tawag tapos babaan lang ako?? Tsk walang magawa sa buhay.

Hindi ko nalang inintindi yung caller. At nag open nalang ako nang facebook account ko. Hey kahit naman na galing probinsya ako eh hindi na ako nakakakilala nang facebook. Haha uso kaya to ngayon samin.

100 friend requests, 67 messages at 20 notifications.

"Ay hala! Anyaree sa FB ko??" Inuna ko nalang open yung notifications. Hindi naman ako active sa Facebook pero bakit nagkaganito?

Hmm ok naman yung sa notif ko. Puro lang naman tungkol sa games.Yung sa message naman yung sunod kong inopen.

O______O

Ang flirt mo!

Ewww hindi ka bagay para kay prince Xylam no!

Bakit mo ba sya nilalandi??!

You slut!!!

Puro yan lang ang laman nang messages ko. Hindi ko namalayan na may tumutulo nang luha sa mga mata ko. Bakit ba nila ako sinasabihan nang ganyan.

Alam kong dapat hindi ako magpaapekto sa mga ganitong bagay. Pero sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam nang ginaganito. Hindi nila ako kilala pero bakit ganyan sila makapag salita.

Pero mas lalo akong na shock sa bagong message na nag pop sa FB ko.

'WALA KANG KARAPATANG LANDIIN ANG MAHAL KO! YOU SLUT! HOW DARE YOU. HUMANDA KALANG PAG NAKABALIK AKO DYAN SA ST.MONICA! I SWEAR! I'LL MAKE YOUR LIFE A LIVING HELL. SO BETTER BACK OFF! MARK MY WORD BITCH!!!'

Arggggh!!! Imbes na maiyak ako at matakot eh parang nakaramdam ako nang inis dito sa nag message na to!

Vinisit ko yung FB nya at ni wala akong makitang info. walang picture at ang pangalan nya lang ay 'MS.R'. Wala syang kahit ano sa FB nya. Ni log out ko nalang yung account ko at sinara yung laptop ko.

Nag ready na ako para makatulog na. But before I sleep nag pray mu na ako. Para mahimbing ang tulog ko at para narin sa mangyayari bukas. Baka sugurin ako nang mga babae sa school. Hay relax cathy relax! Kaya mo sila! Matapang ka diba?? Matapang ka. Kaya mo sila, wag kang magpaapekto.

Ms.ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon