Chapter Two

47 1 0
                                    

Maki's POV

Hindi madali para sa aming magkakaibigan ang makita si Ram sa ganitong sitwasyon. Kilala namin siya bilang palaban at positibong tao, pero sa kalagayan niya ngayon ay tila ba isang parusa sa kanya ang gumising araw-araw.

Mugtong-mugto ang mga mata niya sa kaiiyak at bagsak na bagsak na rin ang katawan niya. Nakakaramdam ako ng matinding kirot sa puso ko habang nakatingin sa kanila ni Jayden.

'Hindi ko alam kung paano kita tutulungan Ram, alam kong masakit at mahirap pero sana lumaban ka pa rin, hinding-hindi ka namin iiwan'

"Lalabas muna ako Ram, Jayden, tatawagan ko lang si mommy baka kasi hindi niya pa alam na nakauwi na ako" paalam ko saka ko tinanguhan si Jayden.

Pagtalikod ko ay naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa pisngi ko. Sobra akong nasasaktan para sa kaibigan ko. Hindi ko kayang tagalan ang makita siyang nahihirapan.

Nang maisara ko ang pinto ay huminga ako ng malalim saka pinahiran ang luhang tumulo sa pisngi ko saka ako bumaba.

"Mayro, aalis ka na ba?" pagbaba ay nakasalubong ko si Mr.Kim.

"Hindi pa Mr.Kim, I just need to call my mom to tell her na nakauwi na ako" nakangiting sagot ko.

"Ganon ba, sige tawagan mo na muna siya at saka tayo mag-usap" wika ni Mr.Kim saka ako tinalikuran.

Naglakad naman ako papunta sa bakuran upang doon tawagan ang mommy ko.

•Calling Mommy•

Ilang ring lang ay sinagot na niya ito.

"Oh anak, bakit ka napatawag?" tanong niya sa kabilang linya.

"I just want you to know that I came back mom" sagot ko.

"Alam ko na anak, you're kuya Miro told me at alam ko na ring nariyan ka kay Rameigh, kamusta na ba siya anak?"

"Gaya ng dati mom, he's not okay. Nalulungkot pa rin at nahihirapan ang kaibigan ko mom and I feel useless about it, wala man lang akong magawa para mapagaan ang nararamdaman niya" malungkot na sabi ko.

"Siya lang ang makakapagsabi kung kailan siya magiging okay anak, masyadong masakit ang pinagdaraanan ng kaibigan mo sa ngayon kaya sana wag mo siyang susungitan, kailangan niya ng karamay ngayon dahil hindi niya iyan kakayanin ng mag-isa"

One Last Cry [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon