Chapter Seven

14 3 0
                                    

Anna's POV

Parang nadudurog ang puso ko habang pinapanood si sir Ram. Lumayo ako sa kanya dahil iyon ang sabi niya pero hindi ako umalis dahil iyon ang bilin sa akin nang mga kaibigan niya, ang wag aalis sa tabi niya kahit paalisin niya ako.

dT_Tb

Malayo ako sa kinauupuan niya pero dinig ko pa rin ang bawat salitang binabanggit niya. Umiiyak siya. Umiiyak na parang bata. Binibigay niya lahat ng emosyon niya.

'Ganyan mo ba talaga kamahal ang taong iyon kaya ganyan ka masyadong nasasaktan?'

Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay nasasaktan din ako para sa kanya. Habang nakatingin ako sa kanyang umiiyak, pakiramdam ko ay dahan-dahan ding nadudurog ang puso ko.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya dahil hindi ko na siya kayang panooring umiiyak.

"Sir.." usal ko, yumuko naman siya.

"Did I tell you to come back?" tanong niya.

Kung hindi ko lang siya nakita kanina malamang ay nainis na ako sa kasungitan niya pero may dahilan naman pala.

"Gusto ko lang pong sabihin na kailangan niyo na pong pumasok dahil baka umulan" malumanay na sabi ko.

"Did you watch me?" walang emosyong tanong niya.

"No, Sir" pagsisinungaling ko.

"Okay, pumasok na tayo" agad ko siyang inalalayan nang bigla na lang siyang tumayo.

'Bakit ang lamig nang kamay niya?'

Habang inaalalayan ko siya papasok ng bahay ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanya. Noong una ko siyang makita naramdaman ko nang may kakaibang lungkot sa mga mata niya pero hindi ko naman in-expect na ganito pala kalala.

"Don't stare at me," agad kong inalis ang paningin ko sa kanya matapos niyang sabihin iyon.

d>_<b

'Paano niya nalaman? Akala ko ba bulag ito?'

Hindi ako nahirapang tulungan siyang umakyat dahil parang kabisado niya na ang bawat sulok ng bahay. Nang makaakyat kami sa second floor ay huminto kami sa pintuan kung saan kami huminto ni Mr.Kim kanina.

"Pwede mo na akong iwan dito" saad niya saka isinara ang pinto.

Napabuntong hininga na lang ako habang bumababa ng hagdan.

'Sana wala na lang nalulungkot at nasasaktan'

d>_<b

Nang tuluyan na akong makababa ay muli pa akong lumingon sa itaas kahit wala naman akong nakikita bukod sa pintuan!

Dumeretso ako sa kusina kung nasaan si lola dahil pakiramdam ko ay kailangan ko nang kausap ngayon.

"O apo, bakit narito ka? Hindi ba't kailangan mong bantayan si sir Ram?" tanong sa akin ni lola nang makita niya ako sa kusina.

One Last Cry [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon