Anna's POV
Pagkatapos naming kumain nina lola ay dumeretso na ako sa kwarto ko para ituloy na ayusin yung mga gamit kong hindi ko pa naayos kanina.
Habang nagliligpit ay hindi ko maiwasang alalahanin ang reaksyon nung dalawang lalaki kanina matapos nila akong makita.
'Siguro napakahalaga sa kanila nung babaeng kamukha ko? Ang swerte naman ni Annayah..'
Habang nakatingin sila sa akin kanina ay nakita ko ang pananabik at kalungkutan sa mga mata nila, kahit pa mas lamang ang gulat. Sa buong buhay ko ay ngayon lang may nagsabi sa akin na may kamukha akong tao.
"Anna, tapos ka na ba riyan?" bungad ni lola sa pintuan.
"Tapos na po la, may kailangan po ba kayo?" nakangiting tanong ko.
"Wala naman apo, ikaw nga ang tatanungin ko kung may kailangan ka pa ba at nang mapagsilbihan kita bago ako magpahinga"
"Ayos lang po ako lola, wag niyo na po akong alalahanin, magpahinga na po kayo"
"Sigurado ka ba apo?"
"Opo lola, magpahinga na po kayo"
Matapos non ay isinara na ulit ni lola ang pinto ng kwarto ko. Matapos kong masigurong maayos na ang gamit ko ay naligo na ako at nahiga. Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko pero dahil siguro naninibago pa ako sa bahay ay hindi ako dalaw-dalawin ng antok. Sandali pa akong tumitig sa kisame at ng hindi pa rin talaga ako antukin ay nagdesisyon akong magpahangin muna.
Paglabas ko ay mas lalo pa akong namangha dahil hindi man ganoon kaliwanag ang ilaw ay nakadagdag naman ito sa ganda ng paligid.
Dahan-dahan akong naglakad saka ako naupo ng may makita akong swing. Nasa ilalim ito ng puno kaya kahit siguro maaraw ay magandang maupo dito. Muli kong pinagmasdan ang kabuuan ng bahay.
May pathway mula sa gate hanggang sa main door. Ang bakod naman na pumapalibot dito ay kasingtangkad lang ng tao, may mga iba't ibang uri naman ng bulaklak ang nakatamin sa tabi ng bakod. Simple lang naman ang bahay, may dalawang palapag at ang sabi ni lola ay meron itong walong kwarto. Puti ang kulay nito sa labas habang asul at ginto naman sa loob. Kulay itim naman ang gate at main door. All in all masaya ang mga kulay nag bahay pero may kung anong pakiramdam ng lungkot kapag nasa loob ka na.
Nang magsawa ako sa pagtitig sa bahay ay muli akong naglakad at narating ko ang likod nito. Para siyang isang garden sa mga palasyo. May parang kahon na gawa sa salamin at may mga bulaklak din sa loob nito, may nakita din akong parang kama at dalawang upuan sa gilid ng bilog na mesa.
'Ang romantic naman ng lugar na yan'
Nang tumingala ako ay nakita ko ang isang malaking bintana na gawa din sa salamin pero hindi iyon ang pumigil sa akin upang ibaling sa iba ang atensyon ko kundi ang lalaking nakatayo mula rito.
Napahawak ako sa dibdib ko ng bigla ay parang kumirot ito, nalulungkot akong tumitig sa kung sinoman iyon.
Deretso lang siyang nakatingin sa kawalan pero makikita sa mga mata niya ang lungkot at pangungulila, pero ang lalo ko pang ipinagtaka ay ang pagpatak ng luha mula sa aking mga mata.
BINABASA MO ANG
One Last Cry [On Going]
RandomPara kay Ashren Rameigh Domingez ay wala na siyang mahihiling pa sa buhay. Kayamanan, katalinuhan, kasikatan,maunawaing kasintahan, tapat na kaibigan at mapagmahal na mga magulang. Lahat ay nasa kanya na. Ginagalang din siya nang mga tao sa paligid...