Chapter 9

25 2 0
                                    

Chapter 9 (XHYRLL’s POV)

Naninibago parin ako kay Janine ngayon.  Napakatahimik na niya. Hmm…Maasar nga tong babaeng ito >:-]

Tumayo na ako mula sa pagkaka-upo ko doon sa sofa kasama si Janine. Pumunta ako sa harap pero parang di naman niya ako pinansin kaya hinarangan ko yung panonood niya sa  tv na ang title ay...

Wonder Pets


Naiinis na rin ako eh. Minsan tuwing nagtatagumpay yung bida ay bigla bigla nalang tutulo yung luha niya. Nata-touch ba siya dahil mission accomplished na yung mga hayop na yun?

Ayun na nga. Hinarangan ko siya sa panunood niya ng tv. Irita naman niyang inilipat sa left side ang ulo niya. Yun din ang ginawa ko. Hinarangan ko lang siya sa panonood.

*Right side* Edi lumipat din ko sa right side

*Left*

*Right*

*Left*

“ANO BANG PROBLEMA MO?! KITA MO NAMANG NANONOOD AKO DITO EH!” ayun nagalit na. Mission Accomplished.  Pumunta na ako  sa kusina at naghanap ng kung anong mapangaasar ko kay Janine.
 
Ayown! Mehehehehehehehehehe……

*Evil Grin*

JANINE’s POV

Kakabalik lang ni Xhyrll galing kusina kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin. Andami niyang dala-dalang pagkain.

May bowl ng popcorn, mug ng ice cream, chips, may Gatorade din siya. Hay naku. Magkakalat na naman to.

“Bakit nandito yung USB ko?”  tanong niya sa akin. Paktay nakita niya.

“Aba malay ko. Baka naisipang manood ng tv kaya nandito?” pabalang na sagot ko sakanya.

“Ikaw ha! Kinakausap kita ng matino kaya sumagot ka ng matino! Bakit nandito ito? Pinaki-alaman mo ba yung gamit ko?” galit na tanong niya sa akin.

“Hindi ah!” sagot ko sakanya. Nalagutan na. Bakit kasi di ko to naipuslit kagabi sa kwarto niya? Haisst.
Kinuha niya yung remote ng tv ko at inilipat yung channel sa WWE. Akala niya siguro ayaw ko ng mga ganito? Well, nagkakamali siya.

“WOOO!! GOO!!! PATAYIN MO YAN!! SIGE PA!! BALIAN MO NG BUTO!!” todo cheer ko dun sa wrestlers. Babae pa naman. AhahahahahaXD

“Aray ko!” napatingin naman ako sa sumigaw sa tabi ko. Oopsie?

“ANG LIKOT KASI EH! NATAPON TULOY YUNG ICE CREAM!” sigaw niya habang tinuturo-turo yung damit niya.

“S-Sorry!” sabi ko habang siya naman ay iritang irita sa akin.

Sinamaan lang niya ako ng tingin at sinabihan ako ng “Sorry? What are Polices and laws for kung may ‘sorry’  naman pala? tss”

“Eh kaya nga sorry na diba? Sorry na. Sorry. Kung sa lenggwahe mo, edi Mianhe!..” sigaw ko sakanya “…Nagsosorry na nga ako eh..” I mumbled. Nagulat nalang ako nang bigla niyang kinuha ng padabog yung baso ng ice cream sa lamesa at ibinuhos sa damit ko yung laman.

“THE HECK IS WRONG WITH YOU?!” napatayo ako sa ginawa niya. Fudge! Chocolate pa man din yun! Kainis! Hindi naman siya yung naglalaba! Tch!

THIRD PERSON’s POV

Habang nagabangayan at nagsisigawan sa loob sina Xhyrll at Janine ay di nila alam na may nag-over the bakod este over-the-gate na pala.

“Tao po! Yoohoo! My lovely neighbors! Where art thou?” pakanta niyang sigaw-slash-tanong

LOVE is NEVER too late (엑소 & 레드벨벳) [SLOW UD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon