Chapter 4

28 2 0
                                    

Anyeong Chingus! Pwede ba ng 5 VoMments for this chapter? Kansamnida.

Chapter 4 (JANINE’s POV)

Nagising ako sa ingay ng isang phone call and it’s from Margaux. Kilala ko na yang babaeng yan. Tatawag talaga yan ng 5:30 am para lang gisingin ako KAHIT WEEKENDS. Kesyo dapat daw masanay na ako kesyo ganito kesyo ganyan. TCH

“WAKE UP SLEEPY HEAD!!!!!!! GISING  NA JANINE ANDRADE or should I say, JANINE SON!!!!!!” Parang hindi umaga sa Korea ngayon eh noh? Nung Wednesday kasi sila umalis eh. Ako nga ang Top 1 pero di ako kinuha as exchange student ng school. Si Margaux ang napili sa Department niya na Singing ang main lesson at yung Top 2 sa Department ko na si Jollein Madrigal at isinama narin yung rapper sa 3rd Department na si Fer Nathaniel Gomez.

Kawalan daw ako ng school kesyo ganito, kesyo ganyan kesyo puchu-puchu.

Habang nakatitig ako sa ceiling ay biglang may narinig akong pag-bagsak ng pintuan sa kabila. T-Teka, eh ako lang ang nandito sa 3rd floor ng bahay eh! Si Joseph nasa ground floor dahil ayaw daw niyang mapagod kakataas-baba sa hagdan.

Ako lang ang nandito eh! Napaupo ako sa edge ng kama ko. May naririnig naman ako ngayong footsteps. Yung mga katulong naman ay hindi napupunta rito kapag umaga except kung gigisingin nila ako dahil 10 am na.Oh gosh baka may multo!

Dahan dahan akong lumakad papuntang pintuan at dahan dahan ko rin itong binuksan. Binuksan ko ito ng konti na kasya na ang ulo ko.

*tingin sa kaliwa* *tingin sa kanan* *tingin sa guest room* wala namang kahina-hinala kaya binuksan ko na ng husto ang pintuan ng kwarto ko. Nagha-hum pa ako habang kinukuha ang Beats headphones ko at yung iPod ko.

Oha! Lakas maka-indorse! ahahahahaXD Pumili na ako ng kanta sa playlist ko at ang napili ko ay yung Someday by IU. Napapakanta ako tuwing nape-play yung chorus nung kanta.

“Eonjengan I nunmuri meomchugil

Eongjengan I eodumi geodchigo

Ttaseuhan haetsari I nunmureul mallyeojugil..” kanta ko nang napansin kong may dumaan sa may pinto ko. O.O Sino kaya yun? Imposible namang si Dad yun kasi di naman siya napapadpad dito. Nung tumalikod ako para kunin yung iPod ay naramdaman ko na naman na may biglang dumaan pero paglingon ko ay wala naman. Tinignan ko kung anong oras na.

6:03 am

Makababa na nga. Kinikilabutan ako dito sa kwarto eh.

Nung bumaba naman ako ay may narinig akong footsteps sa may gazebo kaya pumunta ako dun kung sakaling may makita akong tao pero laking gulat ko ay nung makarating ako dun ay mukhang walang gumamit dahil ganun parin yung pagkaka-ayos nun simula nung iwan namin kagabi ni Joseph. Pero may napansin akong bagay sa may table.

Isa siyang relo. Relong panlalaki. Hindi ko kilala kung kanino ito dahil:

*Hindi ito yung relo ni Dad

*Pambabae yung design ng relo ni Joseph

*Lalong-lalo na dahil wala namang relo si Mang Jojo

LOVE is NEVER too late (엑소 & 레드벨벳) [SLOW UD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon