Chapter 2

199 15 0
                                    

"Of course. Sino pa ba? Wala namang ibang tao rito kung hindi ikaw at ako. Sis, classmates tayo hindi ba?"

Bakit nawala sa isip? Kaklase ko nga siya! Bakit ganoon? Medyo malamya siyang magsalita pero mas angat pa rin ang pagkalalaki nito? Kahit minsan, hindi ko pa siya nakikitang nag-make up. Iyong way ng pananamit niya, lalaking-lalaki rin. Hindi siya kagaya ng ibang bakla na nakikita ko. Parang may pagka-silahis lang siya o hindi pa tuluyang naglaladlad? Aba, ewan ko!

"Ah oo" tipid kong sagot.

"Ang aga mo palang pumasok? Pero bakit late ka sa klase? Tumatambay ka muna rito? Uy Divine, nagawa mo ba ang assignment sa Math?"

Ayoko na sana siyang kausapin pero walang preno ang bibig niya at isa pa, nagulat ako sa huli niyang sinabi. "Divina hindi Divine. Wait, m-may assignment tayo?" kinakabahan kong tanong.

"Yes. Hindi ka nainform?" Umiling ako sa tanong na iyon.

"Hmm. Kasama ka na ba sa GC ng section natin? Nilagay ni Pres. doon, pinahabol daw kasi ni Ma'am Tham."

Umiling akong muli. "May GC pala?" nahihiyang sagot ko. Simula nang mag-umpisa ang klase hanggang sa mga sandaling ito, wala pa akong nakaka-close sa mga kaklase ko. Sa public school na mas malapit sa amin ako nag-grade 10. Hindi na kasi ma-accomodate ng dating public school na pinapasukan ko ang mga estudyante sa dami namin at kulang ang facilities kaya lumipat ako ng ibang public school at dito nga napadpad.

"Oh really? Let me check."

Hay sayang talaga ang lalaking ito. Ang pogi niya sana kaso Barbie.

"Anong full name mo Divine? Add kita, accept mo agad ha."

"Ahm. Hindi nga Divine. Divina Grace Ramos ang pangalan ko sa FB."

"Wow. Divine Grace pala! Ang holy naman talaga ng pangalan mo."

Pilit akong napangiti. "Huwag mo nang ipagsigawan."

"Naku! Bakit mo ikakahiya, ang ganda nga eh. Cute ng profile mo huh, cartoon? Bakit hindi picture mo ang inilagay mo?"

"Wala lang" tipid kong sagot.

Hindi nagtagal at may nag-notif na. "Prince Rowie Sevilla?" basa ko.

Muntik na akong matawa sa pangalan niya. Dapat ba Princess ang nakalagay? Pfft. Pero astig ng profile niya. Bagay na bagay ang polo shirt na dark blue tapos nakangiti kaya litaw ang dimples, kung naging lalaki lang sana siya.

"Anong klaseng hitsura iyan? You received my request hindi ba?" Napuno ng pagdududa ang mga mata niya.

May guilt tuloy akong naramdaman, hindi ko dapat siya pinagtatawanan knowing that he's the very first classmate who approached me. "Tapos na."

"Alright. Hayan, kasama ka na sa GC."

Binuksan ko ang messenger ko at nakita na nadagdag na nga ako.

CallMeRowie: Meet our classmate, Divine!

"Hoy, hindi mo na dapat sinabi 'yon!" nakangusong saad ko.

"Ano ka ba, okay lang' yan. Tingnan mo mga reply nila dali!"

Binasa ko ang ilang replies. Halos lahat naman ay puro "welcome" ang sinabi.

Anjel: Uy Bakla! Nasaan ka na? Ngayon ka lang yata natagalan pumasok?

Sa lahat ng nabasa ko, ang pinakahuli ang pumukaw sa atensyon ko. "Anjel? Hindi ba siya ang class president natin?"

"Oo, si Anjelica Claire Martinez. Mabuti kilala mo siya." Nakatuon ang atensyon niya sa pagtatype sa phone habang nagsasalita.

"Sinong hindi? Hindi naman ako absent noong election. Treasurer ka hindi ba? Sandali, bakit kayo lang naiba ng nickname? Lahat full name ang gamit."

Napatawa siya. "Bawal daw palitan ang nickname. Kaya lang masaya maging rule breaker."

"Pero class president siya e?"

"Exactly, siya rin gumawa ng GC kaya rule niya 'yan, puwede niyang gawing exception ang sarili niya, nakigaya lang ako." Napaawang ang bibig ko nang marinig niya pala ang sinabi ko. "Okay" sagot ko na lang kahit nagsusumigaw sa utak ko ang salitang unfair!

Hindi naglaon ay tumunog nang muli ang aking phone.

CallMeRowie: Otw na sis, miss mo ko agad? 

"Si Anjel pinakamaganda sa klase. Puwede rin siya sana sa muse."

"What? Hindi ah." Ngayon ay nakatingin na siya sa akin. Ako naman, napabaling sa ibang direksyon. "Siyempre mas maganda ako" buong pagmamalaki niyang tugon na siyang nagpatawa sa akin.

Hindi ko mapigilan ang sariling bumungisingis sa kakatawa.

"Sa wakas, tumawa ka rin."

Napatigil ako sa pagtawa at napatingin sa kaniya. "Ha?"

"Hakdog."

Sinamaan ko siya ng tingin. Ang hirap makipag-usap sa pilosopo.

"Lagi kasing ganito ang mukha mo eh." Sumimangot siya at yumuko.

"Uy tama na!" natatawa kong saway.

"Friends na tayo ha." Tumayo siya at naglahad ng kamay sa harapan ko.

Nagdadalawang-isip akong abutin ang kamay niya ngunit hindi ko maipaliwanag ang sarili, ramdam ko ang sinseridad niya.

"O-Okay." Malugod kong tinanggap ang kamay niya at nakipagkamayan. He's my first friend, kakaiba sa pakiramdam!

"Alright. May ilang minutes ka na lang para gawin ang assignment natin" nakangiti niyang paalala.

Bigla akong bumitaw at tinignan ang phone. "Hala! Ang daming messages, natabunan na siya!" tarantang wika ko.

Hindi niya ako pinansin bagkus ay bumalik siya sa kinauupuan niya kanina. Patay na!

Nasa kalagitnaan ako ng pag-i-iscroll sa GC nang maglahad ng papel si Rowie.

"Kinopya ko kagabi, hirap kaya kung sa CP pa ako titingin. Buti hindi ko pa 'to tinatapon."

"Wow, salamat!" Malugod kong tinanggap ang papel. "Mamaya pa naman ang Math, tara na baka ma-late tayo."

"Sandali naman sis, hintayin mo ako!" Habol niya sa akin. Nauuna akong maglakad. Alam ko namang nasa likod lang siya. Nang nasa corridor na kami ng main building, may namataan akong lalaking makakasalubong namin. Napakaseryoso at misteryoso ng kaniyang mukha. Para siyang tauhan sa sikat na anime na nagkatawang-tao. Napahinto ako sa paglalakad. Papalapit ito ng papalapit at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, bumibilis ang tibok ng aking puso.

Akala ko mababangga niya ako pero kumaliwa siya. Nang makalagpas siya ay tinangka ko siyang habulin ng tingin ngunit may bumangga ng likod ko.

"Oops, sorry. Sis, bakit ka kasi huminto?" bulong ni Rowie.

Mabilis akong nag-isip ng isasagot. "Ah. Akala ko kasi may tae." Sa sobrang taranta ay iyan ang nasabi ko. Napahawak ako sa sariling bibig.

Fall With Me, Jowa Please! (#RomcomObli2020) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon