Tinulak ko ang kamay ng lalaking nakahawak sa kwelyo ni Rowie. Sinadya kong iapak ang sapatos kong may tae sa sapatos ng isa sa mga lalaki at pasimple kong tinanggal kaagad ang pagkakaapak. "Divine? Anong ginagawa mo?"
"Shut up. Tinutulongan ka! I need to save your pretty face. Kayo naman? Pambu-bully ang ginagawa niyo!"
"Ang tapang, gusto ko 'yan Miss beautiful."
Napapikit ako nang lumapit ang isa sa kanila. Humawak ako ng mahigpit sa kamay ni Rowie. Wala na akong maisip na paraan kung hindi ang hilahin siya patakbo.
Nagulat na lang ako nang ako ang hilahin ni Rowie, napunta ako sa likuran niya. "Don't you dare touch her or you'll meet hell!"
"R-Rowie! Huwag kang maangas baka mapasubo tayo?" bulong ko.
"Anong pinagmamalaki mo ha!" sigaw ng lalaki, susuntukin sana niya si Rowie pero nakailag ang huli. "Aaah!" tili ko ng malakas. Hindi lang dahil sa natatakot ako, I want someone to hear me and help us.
Ngunit parang hindi na niya kailangan ng tulong? Bumagsak sa lupa ang unang lalaki samantalang namimilipit naman ang pangalawang lalaki nang ipaikot ni Rowie ang kanyang braso sa likod.
Gusto kong mapapalakpak sa galing ni Rowie. I am aware he's scolding the two bullies, pero natulala na lang ako sa galit na mukha ng kaibigan ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papalayo. Napadpad kami sa open field kung saan nagsimula ang aming pagkakaibigan. Sumalampak ako sa damuhan.
"Ano bang pumasok sa isip mo at humarang ka kanina? What if nasaktan ka?!" pagtataas niya ng boses.
"I just want to help you. Muntik ka nang suntukin."
Huminga siya ng malalim at naupo. Magkatalikuran kami. Sana hindi niya maamoy ang tae sa sapatos ko.
"Hindi ko alam na magaling ka palang makipaglaban?"
"Don't underestimate me. Ganito man ako, nag-aaral ako ng martial arts."
"Mabuti naman pala. Haist pinag-alala mo pa ako!"
"Sana huwag mo nang uulitin iyon. Ayokong masaktan ka."
"Sa palagay mo ba gusto kong masaktan ka rin? Kaya nga sumugod ako kanina."
Naramdaman ko ang pagsandal niya sa likod ko. "Rowie, may problema ka ba?" Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Alam mo, sinubukan kong lapitan iyong crush ko kanina. Ang bait niya, sobra."
"Continue." Akala ko hindi siya interesado pero nabuhayan ako sa sinabi niya.
"Kaya lang nalaman ko na may girlfriend na siya. Ang sakit pala."
"Are you okay?" Hindi ako sumagot, pinakiramdaman ko ang aking sarili.
"Hindi lahat ng gusto natin, nakukuha natin. Maybe there's someone better for you."
"Tama ka. Nakakalungkot lang na na-disappoint kita."
"I'm proud of you."
"Salamat at laging nandiyan ka para sa'kin. Nagkuwento na naman ako, sana magkuwento ka rin kung may problema ka."
Narinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga niya. "Magulo ang isip ko ngayon, pasensiya na kung hindi ko masasabi ang lahat."
"Makikinig ako sa kaya mong sabihin ngayon, hihintayin ko na maging ready ka para doon sa natitirang iba."
"Okay. Nagkasagutan kami ni Mama. Next
week ang birthday ko. She want to organize a party. Tumanggi ako. Hindi man halata pero may pagkakapareho tayo. I enjoy being alone. I'm not into gatherings or party.""Natatakot ka na ipakita ang totoong ikaw hindi ba? Why don't you try? This is your chance to show them who you are. Sabi mo alam ng mama ko kung ano ka talaga? Edi gawin mong bongga ang debut mo! Mag-gown ka!"
"Okay, ipapa-continue ko ang party. But you need to be there. Promise?"
"Promise."
Sabay kaming napalingon na dalawa at sa 'di sinasadyang pangyayari, naglapat ang aming mga labi. Nanlalaki ang mga matang nag-iwasan kami ng tingin.
"A-Aksidente lang iyon hindi ba?" nauutal kong wika.
"Huh. Ha? Oo, wala lang iyon."
My gulay! Ang first kiss ko, wala na!
***
"Ate, nandiyan na ang sundo mo."
"Alis na po ako." Paalam ko sa dalawa nang makita ang kotse sa labas ng aming gate. Sabi ni Rowie sa chat, sa party na lang daw kami magkita, ipapasundo niya ako sa driver. Kilala na ng family ko si Rowie at pinaalam ko na ito. Sa katunayan, invited din sila, napaka-kill joy lang ng mama at kapatid ko, ayaw sumama.
Sa wakas, dumating na ang kaarawan ni Rowie. Halos isang linggo na ang lumilipas mula nang huli ko siyang makita. Nalaman ko na lang na nag-excuse siya ng upang paghandaan ang birthday niya. Plano pa yatang magpa-red carpet at rumampa na suot ang sobrang magarang gown. Masaya ako sa kung saan siya masaya pero bakit may pilit na sumasalungat sa puso ko?
Nakarating ako sa venue ngunit pagbaba ko ay agad akong hinila ng isang babae.
"Divina right? I'm Andrea, former classmate at pinsan ni Rowie. Sumama ka sa'kin."
Naalala ko, siya ang kayakap ni Rowie dati.
Habang naglalakad ay sinalubong kami ng isang babaeng pamilyar ang mukha. Nakita ko na siya sa post ni Rowie. "Siya na ba?" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Pasaway na bata iyon! Wala nang aayusin sa kaniya. Everything's perfect. Bagay sa iyo ang dress na gawa ko. Sinong nag-ayos sa iyo iha?"
"Uhm. Ako lang po Ma'am. Sa inyo po pala galing ang pink dress na ito? Ang ganda po. Sorry po kung binigay sa akin ni Rowie."
"That's okay. Ako ang nag-volunteer na gawan ka."
"Ibig sabihin? sinadya talaga ang damit na ito para sa'kin? Hindi siya isa sa outdated na design sa botique niyo?"
Natawa ang mama ni Rowie. "Of course not. Iyong mga naunang kinuha niya sa boutique, iyon ang mga outdated. Nagpatulong din siyang mamili ng mga cosmetics dati sa akin."
Naguguluhan ako. Sabi niya kaniya raw ang mga binigay niyang pampaganda.
"Don't worry, Rowie will explain to you. Andrea, lumakad na kayo."
"Opo tita. Divina, follow me."
Iginiya ako ni Andrea sa gilid ng stage.
"Please welcome, our birthday celebrant Prince Rowie Sevilla!" Nakatayo lang ako habang hinihintay siyang lumabas ngunit nasa likuran ko pala siya. Halos hindi ko siya nakilala...
Siya na ang pinakamagandang mukha na aking nakita.
BINABASA MO ANG
Fall With Me, Jowa Please! (#RomcomObli2020)
Historia CortaShe is Divina Grace, isa na namang istorya ng NBSB na nangarap mapansin at mahanap ang true love. Sa tulong ng kaibigang si Rowie, magtagumpay kaya siyang mahulog sa kaniya ang lalaking nagpapabilis ng kaniyang tibok ng puso? Paano kung maglaro ang...