Pumasok kami ng classroom, napatingin sa amin ang halos lahat ng kaklase ko. Akala ko kaya ko na silang harapin, nagkamali pala ako. Hindi ito pareho ng sa mall, ang mga tao roon, hindi ako kilala pero dito, halos araw-araw kong makikita.
Napahinto ako sa paghakbang, umaatras hanggang sa makalabas ng pintuan. Bigla akong hinawakan ni Rowie sa braso. "Hindi ko pala kaya Rowie." Gusto ko nang magbalik sa dating ako, iyong walang pumapansin. Ang hirap nang may mga matang nakatingin, pakiramdam ko, nanliliit ako.
Tuluyan na akong hinila ni Rowie palabas. "What? Hindi pa nga tayo nagsisimula, suko ka na?"
"Kasi, nakatingin sila..."
"Divine, naranasan mo na bang mag-report o mag-demo sa harap ng klase?"
Tumango ako.
"Iyon naman pala eh. Ba't ka natatakot ngayon? Parehas lang 'yon."
"Hindi eh. Siyempre para sa grades kaya nagawa ko iyon, pero nangangatog ang tuhod ko kapag nasa harap na ako."
"Tsk. Basta gawin mo ang tinuro ko."
Umiling akong muli. "Hindi ko yata kaya? "
"Okay. Go back to your old self. Sayang lang ang mga effort ko." Nakaramdam ako ng guilt. Papasok na siya sa loob nang hawakan ko siya sa kamay. "Let me try" determinadong wika ko. I don't want to disappoint him. Kailangan ko ring subukan, I can't be like this forever. Most importantly, I want to do this for HIM. Gusto kong makuha ang atensyon niya, isang pangarap na nais kong magkatotoo.
"That's my girl" ani Rowie sabay hawak sa hairpin sa buhok ko. "Pumasok na tayo." Aligagang sumunod ako sa kaniya. Halos lahat ay napatingin nang pumasok kami ulit. Lumikot ang aking mga kamay at sa huli, napatingin na sa ibaba, biglang bumulong si Rowie. "Gawin mo na ang tinuro ko. Smile... pero kung hindi mo kaya, just look at me."
Kumunot ang aking noo. Lumapit siya sa tainga ko at may binulong na kung titignan ng iba, parang nag-uusap lang kami. "Start at me first. Smile at me as if may nasabi akong kinaganda sa pandinig mo."
Sa halip na ngumiti ay natawa ako. Then, I start to smile at him. "Thank you." Hindi ko maipaliwanag pero nawala ang aking kaba. Wala na akong pakialam kung pagtinginan man kami, Rowie's really a true friend, all I want is show my gratitude through smiling at him.
"Let's go bes." Napalakas ang pagkakasalita niya na animo gustong iparinig sa buong klase. "Tara." Ipinagkibit-balikat ko na lang ang mga titig ng mga kaklase namin. I did it!
"Yieh... bes? Kayganda naman ng bestfriend mo Rowie!" sigaw ni Anjel. Pasimple kong hinawi ang aking buhok gaya ng turo ni Rowie sa akin. "Hindi naman."
"Anong hindi? O 'di ba diyosa? Kailangan pareho kaming maganda." At nagtawanan ang buong klase. Pakiramdam ko, umpisa na ito, magkakajowa na ako!
Dumaan ang mga araw, mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa ni Rowie maging ni Anjel kaya lang masyadong maraming ginagawa si Anjel kaya hindi namin siya madalas makasama. Natuto ako ng maraming bagay. Nadagdagan na ang confidence level ko. Magugulat na lang ako minsan na may haharang sa daan, tinatanong ang facebook ko o number. Kapag type ko ang lalaki, ibinigay ko siya. Natuto na akong makipagkulitan sa chats. Ang galing kasi ng tutor ko.
Madalas sa library pa rin ako pumupunta pagkatapos ng klase, si Rowie pinanindigan ang pagiging volunteer assistant kaya kapag walang tao, nagtsi-tsikahan kami kaya nama'y gumagawa ng assignments.
Minsan may mga napapadpad na mga lalaki sa library, nagpapa-cute lang daw sabi ni Rowie, hindi sa akin kung hindi sa kanya. Tawa na lang ako ng tawa.
Dumaan ang mga araw at buwan, naging maaayos naman ang lahat.
Friday na at cleaner ako. Palabas na sana ako nang humarang ang dalawa. Sila rin iyong nagtsismisan noon. "Excuse me." Tandang-tanda ko pa rin sila hanggang ngayon dahil madalas kong mahuli na nakatingin sila sa akin.
"Eh kung ayaw namin?" nakataas ang kilay na sagot sa akin ng isa. I smiled at them but deep inside, I'm nervous.
"Ano bang problema?" malumanay na tanong ko.
"Wala naman. Gusto lang naming sabihin ito. Alam mo bang napakalandi mo? Sinadya mong lapitan si Rowie dahil alam mong mayaman siya ano? Tapos noong una, kunwari lang na mahiyain ka pero ang totoo, gusto mong akitin ang lahat ng lalaki dito!"
This time, I rolled my eyes. "Ang lawak naman ng imagination niyo. First of all, wala akong alam sa mga pinagsasabi niyo. Padaan ako."
Sa halip na padaanin ay tinulak ako ng isa sa kanila. Mabuti na lang, napaatras lang ako at hindi bumagsak. "Malandi ka! Masaya ka na ba sa atensiyong nakukuha mo ngayon? Ilan na ba naging syota mo? Naikama ka na siguro ano?"
"Ang galing niyong maghabi ng kuwento. Pero sinasabi ko sa inyo, kilala ko ang sarili ko at alam ko ang priorities ko. Kung naging magkaibigan man kami ni Rowie, hindi dahil sa mayaman siya, nag-click lang talaga kami. Please ayoko ng gulo."
"Aba! Ang yabang mo!" Napapikit ako nang akmang sasampalin na ako ng isa sa kanila.
"What are you doing?" Ang boses na iyon, its a great relief hearing him. Napadilat ako at napatingin sa pinto.
"R-Rowie. Hindi kami ang mag-umpisa. Ang yabang kasi niya." Pambabaliktad ng kaklase kong may mahabang buhok at kasing-laki ng kuwago na mga mata.
"Talaga? Iba ang narinig ko e." Hinawi niya ang dalawa at nilapitan ako. "Hindi ba Divine?" Nakatingin lang ako sa mga mata niya. Parang nais niyang magsumbong ako.
"Misundertanding lang" mahinang sagot ko.
Kinuha niya ang kamay ko at hinarap ang dalawang hindi maipinta ang mukha. "Hindi siya mayabang kahit may maipagmamayabang naman. Isa pa, don't question our friendship 'coz its so precious as diamond and nothing can destroy it. Ako ang unang lumapit sa kaniya at tama siya, nag-click ang personalities namin. Kung siya, may maipagmamayabang, ako naman hindi mayabang, mayaman lang."
Hinila ko ang kamay ni Rowie. "Hayaan mo na, tara na."
BINABASA MO ANG
Fall With Me, Jowa Please! (#RomcomObli2020)
Short StoryShe is Divina Grace, isa na namang istorya ng NBSB na nangarap mapansin at mahanap ang true love. Sa tulong ng kaibigang si Rowie, magtagumpay kaya siyang mahulog sa kaniya ang lalaking nagpapabilis ng kaniyang tibok ng puso? Paano kung maglaro ang...