"Okay. Close your eyes."
"Bakit?" tanong kong muli. Lumapit siya sa harapan ko at nanlalaki ang mga matang hinawakan ako sa magkabilang pisngi. "Bilis na! Sasabihin ko mamaya kung bakit. Sumunod ka na lang okay?"
Wala naman na akong magagawa dahil ginusto ko ito. Sinunod ko na lang siya. Tinanggal niya ang kamay niya sa mukha ko. "Huwag mo akong iwan huh!" sigaw ko. Mahirap na baka ginu-good time lang pala ako nito.
"Quiet. Ngayon isipin mo na nasa harapan mo ang lalaking gustung-gusto mo. Then try to smile at him. Iyong tipong mapapatulala siya."
Sinubukan kong gawin ang sinabi niya. Sino kaya sa kanila ang gusto kong makita sa harapan ko? Isang dampi sa noo ang naramdaman ko. "Bakit na naman ba Rowie?"
"Sabi ko mag-isip ka ng lalaki. Bakit nakakunot ang noo mo?"
"Ginagawa ko na nga! Kaya lang hindi ako makapag-decide kung sino sa kanila Tamahome, Ji Chang Wook, James Reid o-"
Bigla na naman niya akong pinalo ng mahina sa noo. "Hay naku Divine! Ang landi mo naman na pala. Ngayon palang salawahan ka na. At sino 'yang mga iyan? Pumili ka ng medyo makatotohanan like kapitbahay, kaklase o tambay sa kanto sa inyo."
"Oo na. Huwag kang maingay, nag-iisip ako."
Sino nga ba? Isang lalaki lang naman ang sa tingin ko, crush ko sa school. Nag-concentrate ako upang makita ang kabuuan ng mukha niya. Ang moreno niyang balat, ang mataas niyaang height, pointed nose, manipis na labi. Nakikita ko na siya. I have to smile at him, ngiting makakaagaw ng atensyon niya.
Sa gitna ng pag-iilusyon, nakarinig ako ng mahinang boses. "Nice one."
Dahan-dahan kong binukas ang aking mga mata. Bumungad ang nakangiti rin niyang mukha. Sandali! Ang gwapo naman niya habang nakangiti. Pero hindi siya si Sebastian.
"See? You did it. You must know how to smile to everyone. A genuine smile will make them like you."
Nakatitig lang ako sa mukha niya. Ang manly ng pagkakasabi niya na paramg isang tunay na lalaki. "O-Oo." Nag-iwas ako ng tingin.
Tumayo siya. "Magkita tayo bukas sa park."
***
Sabado ng umaga, nagpaalam ako kay mama na gagala ako. Halos ipagtulakan niya ako paalis. Bihira raw akong lumabas ng lungga ko. Nagkita nga kami ni Rowie sa parke.
"Kailangan natin ng new hairdo para sa iyo. Hmm. For the outfit, mag-panty at bra ka kaya para talagang seductive?"
Bigla akong napatayo sa sinabi niya. Hinampas ko siya sa balikat. "Baliw!" Alam ko namang nagbibiro siya kaya napatawa na lang ako. Natawa rin siya.
"Pero seryoso huh. Wala akong pera para bumili ng kung anu-ano" pag-amin ko.
"Huwag kang mag-alala, sagot ko na lahat." Kumindat pa siya sa akin
"Hala siya, hindi naman puwedeng ganon. Nakakahiya na sa iyo."
"Bawal tumanggi. I'm your teacher and I'm enjoying this. Gusto ko namang i-make over ka kaya ako ang gagastos okay. What are friends for?"
Magsasalita pa sana ako nang hilahin niya ang kamay ko. Hindi na talaga ako nakatanggi nang dalhin niya ako sa parlor.
Habang ginugupitan ay nagpaalam siya na lalabas muna. "Huwag kang mag-alala bayad ko na si Ate. Isa pa, hindi kita iiwanan." Wala pa man akong sinasabi, parang narinig na niya ang iniisip ko.
"Ma'am bagay na sa iyon ang straight at long hair. Papantayin ko na lang siya. Hmm, boyfriend mo ba 'yon? Pogi ha... ang sweet pa, suwerte mo." Komento ng babae na kinikilig pa.
"Ay hindi ko po siya boyfriend. Kaibigan ko siya. At saka-" Hindi niya ako pinatapos magsalita.
"Talaga? Kung ako sa iyo, jowain mo na 'yan baka agawin pa ng iba."
Hindi ako nakapagsalita. Paano ko ba sasabihin na bakla siya? "Ate tapos na po?" paglilihis ko sa usapan.
"Tapos na kitang gupitan. Rebond ang susunod. Matagal-tagal ito."
"Ano?!"
Napangiti si ate sa reaksiyon ko. "Bayad na ng kaibigan mo ito Ma'am. Sabi ko sa iyo, huwag mo nang pakawalan 'yon."
Bago pa man ako makasagot, biglang pumasok si Rowie at may bitbit na plastic bag. "Snacks." Matagal-tagal pa tayo rito. Ngiti niya sabay abot sa akin ng dala niya. Hindi ko alam kung paano magre-react habang makabuluhang nakatingin sa amin ang babae sa amin.
***
Sunday morning. Nagpaalam akong muli na aalis ng bahay."Magsabi ka ng totoo ate, may syota ka na ba? Saan ka nakakuha ng pang-rebond ng buhok mo?" nagdududa niyang tanong.
Naalala ko ang sinabi ni Rowie. Smile. "Wala pa ah. May ipon naman ako kahit papaano. Anong mali kung mag-ayos ako?"
"Eh saan ka pupunta?" Humawak pa siya sa kaniyang baba.
"Naku Darwin, huwag kang mag-alala sa ate mo. Nagpaalam na siya sa akin. Hayaan mo siya at dalaga na iyan. O siya, dalhin mo ito sa kwarto mo." Inabot ni mama ang mga damit na nilabhan niya kay Darwin. Napangiti ako kay mama ng sobrang tamis.
"Ikaw naman lumakad ka na. Huwag magpapagabi at tandaan mo, may tiwala ako sa iyo."
"Opo. Salamat ma!" Ngayon ko mas lalong na-realize kung gaano ka-supportive ni mama. Simula nang mag-abroad si papa, lahat na lang ng oras niya sa amin inilaan.
Pagdating ko sa meeting place namin ni Rowie, nadoon na siya at nakaupo sa damuhan. Naubos ang oras kahapon dahil sa tagal ng pag-rebond sa buhok ko kaya sabi niya magkita kami ulit ngayon. Seryoso talaga siya na tulungan ako sa kalokohan ko.
Nang matanaw niya na papalapit na ako, kumaway siya na parang bata. I smiled at him.
"Wow! Ang sweet ng smile. Fast learner ka Divina. Ang taray ng hair. Bagay sa iyo."
"Salamat. Dahil ito sa iyo."
"Naman! Teka naligo ka ba?" Naupo ako sa tapat niya sabay mahinang hampas sa kaniyang braso. "Oo naman! Hindi ko lang binasa ang buhok ko."
Napansin ko ang paper bags na tabi niya. "Ano ang mga 'yan?"
"Ah. Tingnan mo." Kinuha niya ang isang paper bag at nilatag ang asul niyang panyo. Binuhos niya ang laman ng paper bag.
BINABASA MO ANG
Fall With Me, Jowa Please! (#RomcomObli2020)
NouvellesShe is Divina Grace, isa na namang istorya ng NBSB na nangarap mapansin at mahanap ang true love. Sa tulong ng kaibigang si Rowie, magtagumpay kaya siyang mahulog sa kaniya ang lalaking nagpapabilis ng kaniyang tibok ng puso? Paano kung maglaro ang...