"Rowie?" nagtataka pa ring tanong ko. Tumayo siya at umupo sa tabi ko.
"Ikaw ha! Nabago na kita at carry nang lumandi, bakit hanggang ngayon, wala ka pa ring pinapayagang opisyal na manligaw sa iyo? Alam mo, isa kang paasa sa mga kalalakihan!"
"Thanks to you, naging confident ako sa sarili ko. Napagtanto ko na kaya kong mabago ang sarili, maalis ang pagiging loner at mahiyain. Kaya lang Rowie, hindi pa ako ready na pumasok sa relationship. Hindi ko pa natatagpuan ang lalaking magpapatibok nito." Tinuro ko ang aking puso.
"Don't fool me, Divina." Napabaling ako sa kaniya. Ngayon lang niya ako tinawag sa totoo kong pangalan.
"Noong nag-open ka sa akin, alam ko na kaagad na hindi ang mapansin ng mga lalaki ang gusto mo dahil ang totoo, may nagugustuhan kang isang tao. You want his attention. Alam mo sa sarili mo na walang pag-asa at iyan ang dahilan kaya nadi-deppress ka."
Tumingin ako sa papel na hawak ko. "Tama ka. Pero hindi lang naman iyan ang dahilan, gusto ko rin talagang maranasan lapitan ng mga lalaki. At first, masaya pero habang tumatagal, napagtanto ko, hindi naman kailangan na porke nasa ganitong edad na tayo, nagkaroon ka na ng karelasyon. I want to have my first manliligaw, first ka-puyatan sa chat, first boyfriend even first kiss. Pero wala eh, wala pa akong mahanap."
"Dahil iyang puso mo, sa lalaking ito na umaasa. Siya ang gusto mo kaya kahit anong gawin mo, ibaling mo man ang atensyon mo sa iba, siya pa rin hindi ba?"
Habang nagsasalita siya, pakiramdam ko, hindi para sa akin ang mga sinasabi niya kung hindi, tinutukoy niya ang sarili niya. In love na rin ba ang bestfriend ko? "Ang hirap hindi ba?" malungkot na tanong ko.
"Nasaan na ba ang boylet na ito? Why don't you try to approach him? Kung hindi ka kikilos at hihintayin mo lang siyang lumapit, baka graduation na wala pa rin? Hindi lahat ng lalaki, may confidence to show their interest sa isang girl, nahihiya rin ang iba. Kailangan girl na mismo ang gumawa ng move."
Napaisip ako sa sinabi niya. Hindi ko pa nga nagagawang makipaglapit kay Sebastian. "Ito ba ang lesson natin today? Huwag kang mag-alala, one of these days, lalapitan ko na siya, lalandiin at magiging jowa ko!"
"Don't forget me. Ipakilala mo siya sa akin nang magustuhan ko."
Napalo ko siya sa balikat. "Asus! Huwag mo akong agawan!"
"Divina. Wala pa tayong picture together. Selfie tayo."
Kinuha niya ang iphone niya. "Oo nga. Ayaw mo naman kasi." Ilang beses ko na siyang inaya noon na magpicture kami ngunit tumatanggi siya lagi. Palagi niyang rason, hindi siya mahilig sa pictures. Pero pini-picture-an naman niya ako kung may bago akong outfit kaya'y kapag trip ko. Tama, ginawa ko siyang photographer ko, siya rin ang nagdi-decide kung anong ipo-post sa facebook. Dumadami na rin pala ang mga friend requests sa FB ko, noong una, tuwang-tuwa ako pero hindi naglaon, nahawa na yata ako kay Rowie na pili lang ang ina-accept. Inaamag na nga ang account niya dahil wala man lang updates.
"Smile." Noong una casual na selfie lang ang ginawa namin hanggang sa naging wacky. "Isa pa!" Ngumiti si Rowie at umakbay sa akin. Imbes na sa camera, napalingon tuloy ako sa masayang mukha niya.
"Wait, huwag mong isama iyon!"
"Ahaha! No, gusto ko 'to. Isa pa." Hindi niya inalis ang kamay niya sa balikat ko. Tumingin ako sa camera. Bakit ganito ang nararamdaman ko, parang may kakaiba.
Ano bang magagawa ko para sa taong malaki ang naitulong sa akin? Wala na akong maisip na iba pa...
Yumakap ako ng mahigpit kay Rowie kasabay ng pag-click niya ng camera. "Divina?" mahina niyang sabi.
"Rowie! Salamat! Salamat sa lahat! Kung hindi dahil sa iyo, hindi ko siguro kakayaning lumabas sa kahon ko. Kung may problema ka, sabihin mo lang nandito lang ako maski buhay ko ipapananggalang ko!"
Sa palagay ko, may problema talaga siya.
"Ano bang drama iyan?" Naramdaman ko ang mahigpit niyang pagyakap.
***
Lunes na naman pero parang Biyernes santo na ang mukha ko. Nag-chat si Rowie na hindi niya ako madadaanan ngayon. Hindi ko maintindihan, dati ayos lang naman kung isabay niya ako sa pagpasok o hindi pero ngayon parang nakakainis. Naalala ko na naman ang nangyari sa park noong Sabado. Niyakap ko siya.
Gusto ko lang naman na sabihin niya sa akin kung may problema siya, pero wala siyang binanggit. Nag-aya lang siya na umuwi na kami.
Lunch break na namin pero heto at kasama ko ang mga kaklase ko na kumakain. Ang sama ng loob ko dahil hindi sumama si Rowie, May gagawin daw muna siya. Tsk. Kung dati, ayos lang ulit, hindi naman kasi kami laging magkasama, ngayong araw na ito, naiinis ako! Baka may regla na siguro ako mamaya kaya ganito.
Uwian, wala pa rin si Rowie at iba naming kaklase, excuse sila dahil sa walang hiyang meeting ng mga officers na 'yan. Lumabas ako ng classroom at sa library dumeretso. Nandoon na ang librarian. "Divina, nasaan si Rowie? Hindi ba siya pupunta rito ngayon?" tanong kaagad niya sa akin.
Napailing na lang ako. "Hindi po siguro. Um-attend siya ng meeting."
"Ah sayang naman. May pupuntahan sana ako."
Nagpaalam ako sa kaniya at dumiretso sa mga bookshelves. Makapagbasa na nga lang. Masyado lang siguro nag-iisip. Wala ito. Tama! OA lang talaga ako ngayon.
Nasa bungad pa lamang ako ay natanaw ko na kaagad si Sebastian sa kabilang dulo. Naalala ko ang mga sinabi ni Rowie. Ito na ang pagkakataon ko para lumapit sa kaniya. Inayos ko ang aking sarili at dahan-dahan lumapit sa kaniya na abala sa paghahanap ng mga aklat.
"Hi Sebastian!"
"Divina, ikaw pala." Gusto kong magdiwang! Naalala niya ang pangalan ko.
"Anong hinahanap mo?" mahinhing tanong ko.
"Nagre-research ako para sa report ko next week."
"Ano bang topic mo? Tulungan na kitang maghanap?" alok ko habang kunwari tinitignan ang mga libro.
BINABASA MO ANG
Fall With Me, Jowa Please! (#RomcomObli2020)
NouvellesShe is Divina Grace, isa na namang istorya ng NBSB na nangarap mapansin at mahanap ang true love. Sa tulong ng kaibigang si Rowie, magtagumpay kaya siyang mahulog sa kaniya ang lalaking nagpapabilis ng kaniyang tibok ng puso? Paano kung maglaro ang...