And I was paralyzed.

163 1 2
                                    


You, you walked into the room on a friday afternoon, thats when I first saw you for the first time.

May assignment na naman. Puchang physics. Panira ng araw. Maglalaro sana ako ng LoL ngayon, pero kagaya ng sabi ko, puchang physics.

Dahil nga may assignment ako, gagawin ko to. Haha tae, kaya nga assignment diba? Nakakaputa naman to. Starbucks muna pare. Pang pa-chill ng gwapo kong mukha.

"Ang hirap naman nitong physics, buti na lang, gwapo ako. Matalino pa. " Totoo naman. Nasa akin na kaya lahat. Gwapo ako, matalino, matangkad, mabango, hindi naman ako ganun kaputi. Nakakabading kaya yung sobrang puti, parang nagpa-gluta. Haha, pucha. Pero hindi naman ako ganun kaitim, naglulugod kaya ako. Maraming nagkakagusto sakin. Pinanganak akong isang Rain Deer eh.

"Excuse me, pwede magpatulong sa mga dala ko?"

And I was paralyzed.

_____

Monday na naman. Traffic pa. Wala na bang ibang mangyayari sakin dito kundi saluhin lahat ng malas? Buti na lang malapit lang ang Maganda si Micah University. Ang cool ng school namin no? Bata pa kasi ang may-ari ng school namin. Si Micah Al. Alam mo na, bagets. Marami pa siyang business aside sa pagiging doctor. Marami ding nakaalam ng love story niya noon. Bigo nga siya sa love story na iyon kaso nakamit naman niya ang mga pangarap niya sa buhay.

Maraming tarantadong lalake sa mundo, kagaya ng nagustuhan ni Ate Micah kaso hindi ako isa sa kanila. Mayabang man ako, pero seryoso ako pagdating sa mga relasyon. NGSB nga ako eh. Hindi No Girlfriend Since break-up. Yung NGSB talaga.

Pagkatapos ko nakipagbakbakan sa traffic, salamat naman at nakarating na ako sa school. Ang busy ng mga tao sa school dahil malapit na yung School fair namin at dahil busy sila lahat, wala akong tulong sa classroom namin kaya naging tambay muna ako ng school field. Magpahinga muna ako sa puno. Nakakapagod kasi magdrive. Sakit ng batok ko. Buti na lang malamig dito sa puno na ito.

"Salamat sa pagtulong mo sakin nung isang araw, super classmate." Hala. Saan galing yun?

"Huy! Narinig mo ba ako?" Naku naman, pati ba engkanto nagkakagusto na sakin?

"Hooooy!"

"Wala akong planong pansinin ka, masamang spirito. Makuntento ka na nabuhay ka. Manahimik na sana ang kaluluwa mo." Tapos nag-sign of the cross ako. Tngna. Tumayo balahibo ko noon. Yuck, ang bading.

"Hoy lalake, hindi ako engkanto, spirito, o kung ano man. Ako kaya yung tinulungan mo. Napapasalamat na nga ako. Ikaw pa tong ganito. Sama mo naman!" Ha? Ano daw?

"Ohh, ikaw lang naman pala. Binibining Dakilang mang-uutos. May ipaglilingkod po ba ang knight in shining armor mo ngayong napakagandang araw ito?"

Haha. Ang saya niya talagang inisin. Nakakatawa kasi talaga yung mukha niya. Ang pangit lang talaga. Kilala ko naman pala itong babaeng ito. Siya lang naman yung super classmate ko. Haha! 'Bat di ko napansin yun, no? Ganyan siguro talaga pag gwapo ka, hindi mo napapansin yung mga tao sa paligid mo. Joke lang. ✌

"Ang galing tumugtog ng gitara ni raphael no? Grabe! Ang talented talaga ng mga Ti Squirtel na pamilya. Sana pinanganak akong isa sa kanila rain no?" Sus nakoooo, mas gwapo pa ako sa squirrel na yan.

"Lamang ako ng isang daang paligo nyan. Tingnan mo oh, tagaktak ang pawis. Kung alam mo lang kung gaano na kaasim yan. Hahaha! Pwede ng pang-suka eh." Haha. Asar.

"HOY HOY HOY. Kung maka-asta ka jan akala mo ang gwapo gwapo mo. Well fine, gwapo ka nga kaso ang HAAAAANGIN mo naman. Haaaangin, bagyoooo, typhoooon, hurricaaaaane, ipo-ipooooo! Ahhh nililipad akecchhh! Tss!"

At yun na ang huling conversation namin nung babaeng yun. Hindi ko man lang alam kung anong pangalan niya.

Chasing Loose stringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon