Panimula

22 1 0
                                    

Cassandra Monteverde.

Isang typical 4th year College student, matalino at invisible sa ibang mga estudyante at pati na mga kalalakihan. Hindi naman siya pangit, pero hindi rin siya masyadong maganda. Sakto lang parang coke.

Kevin Hugh De Vera.

Isang 4th year varsity soccer player. Gwapo, matalino, hinahangaan ng mga babae at kinaiinggitan ng mga lalaki. Sikat na sikat siya sa school, overload siya sa kasikatan na parang ice cream.

They are both invisible to each other until one day nagtagpo ang kanilang landas.

>>>>>>>>>>>>>>

"Cassie", tawag sa kaniya ng kaniyang bff na si Micah De Leon, isang anak ng sikat na painter na si Loisa De Leon.

"Ang bilis mo talagang maglakad na babae ka!",hingal na sabi niya ng maabutan niya ako. Nasa tapat na kami ngayon ng cafeteria na malapit sa Maritime Studies. Ito ang paborito nilang tambayan, hindi dahil sa maraming lalaki ang tumatambay dito. Bukod kasi sa mga Nursing  students ay dito din tumatambay ang mga maritime students. Ang pinaka-dahilan nila ay tahimik ang lugar na ito unlike sa main cafeteria nila na malapit sa main building, masyadong maingay at lahat ng varsity players ay nandoon.

"Ang bagal mo lang maglakad kamo.", pang-iinis niya sa kaibigan. Maganda ang kaibigan niya maputing-maputi at parang koreana. Siya naman, maputi din naman pero hindi masyado. Magkapareho lang sila ng height na 5'2, at pareho din ang pangangatawan nila, hindi payat at hindi rin mataba.

" Halika na nga nagugutom na ako eh.", inakay na siya nito na pumasok sa cafeteria. Sumalubong sa kanila ang katahimikan ng cafeteria, sila pa lang dalawa ang estudyanteng nandirito.

Inilagay na nila ang kanilang mga gamit sa favorite spot nila, bago pumunta sa counter.

" What will you have?", tanong niya sa kaibigan habang papunta sa counter.

"Of course the usual.", sabi nito at humagikhik.

"Hi Miss Ava, we'll have the usual please.", sabi niya sa nagsi-serve ng pagkain. Ang usual nila ay spaghetti, toasted bread and iced tea. Masarap kasi ang spaghetti nila compare to Jollibee and Mcdo, isa rin ito sa binabalik-balikan nila.

"Hi girls, it's good to see you again.",sabi sa kanila ni Miss Fely, habang kinu-compute ang babayaran nila.

"Hi Miss Fely, buti at dito na naman kayo na-assign.",sabi niya sa babae.

"Oo nga Miss, masyadong crowded ang Main Cafe.",singit naman ni Micah.

"Timing nga eh, may party daw dito mayamaya. Pero hindi ko alam kung kaninong party. See that cake?", tanong sa kanila ni Miss Fely, at sinilip nga nila ang cake na nakapatong sa lamesa.

Simple lang ito at may soccer ball sa gitna. May nakasulat na Happy Birthday pero walang pangalan.

"Ang ganda naman niyan, pwede kaming maki-party? ", bulalas ni Micah.

"Oo naman, total nandito na din lang kayo.",sabi naman ni Miss Fely sa kanila.

"Naku Miss, nagbibiro lang si Micah, halika ka na Miks, ng matapos agad natin ang food natin.",aya niya sa kaibigan. Minsan nahihiya siya sa kakapalan ng mukha ng kaibigan niya.

"Ikaw talaga, pero sige makinood na lang tayo sa party nila. Tingnan lang natin kung sino ang celebrant.",sabi nito sa kaniya habang parang bulate na kinikilig. She just rolled her eyes, and laugh to her friend.

Mayamaya pa ay may mga paparating na papasok sa cafeteria. Mga soccer player at hindi niya kilala ang mga ito, unlike her friend, kilala nito ang mga pumasok pero syempre hindi siya kilala ng mga ito.

Nobody Knows ( I have a 'Cass' on 'Hugh')Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon