Cassandra's POV
Medyo nalungkot siya ng hindi na nagtext si Hugh sa kaniya. Baka sumuko na ito sa pagiging pakipot niya. Ayaw niyang pumunta sila sa Aurora's dahil alam niya kong anong meron dun, inuman, sayawan at kung anu-ano pa.
Hindi pa siya nakakatungtong sa mga bar or pub. Unang-una dahil ayaw niya talaga, call her an old fashion lady pero ganyan siya. Pangalawa magagalit ang kuya Carlo niya.
"Hoy parang wala ka sa huwisyo"., bulong ng lukaret niyang kaibigan. Inirapan niya lang ito at nakinig na sa kanilang instructor.
After an hour ay dismissal na rin nila 7pm pa lang naman kaya yayayain niya na lang si Micah na magdinner na muna.
Gulat na gulat silang dalawa ng kaibigan niya ng makita si Hugh na nakasandal sa dingding at parang may hinihintay. Ng makita siya nito ay agad naman na lumapit ito sa kanila.
"I told you, pupuntahan kita sa room mo.", sabi agad nito sa kaniya.
"Pano mo nalaman ang room ko?", takang tanong niya dito.
"I have my sources." , sabay kindat sa kaibigan niyang si Micah. Pinandilatan niya ito ng mata, gusto niyang ipahiwatig na bakit niya binigyan ng info si Hugh. Natawa lang naman ang babae at napakamot sa batok.
"So.. sama kayo sa Aurora's?", tanong nito ulit sa kaniya.
"Naku! Aurora's? Hindi pwede ang kaibigan ko diyan, magagalit ang Kuya/Daddy niya.", singit naman ni Micah sa usapan. Kumunot naman ang noo ni Hugh.
"Sorry talaga ha.", matipid na lang na sagot niya at hihilain na ang kamay ni Micah para makaalis na. Pero sinundan pa din sila ng lalaki.
"Okay... I get it, how about other place..? Restaurant?", pangungulit pa din nito habang nakasunod sa kanila.
"Mabuti pa sa resto okay pa kami diyan. Anong restaurant?", singit ulit ni Micah sila na ang nag-uusap at nakikinig na lang siya.
"Aurora's grill?",sabi ni Hugh na nagdadalawang isip.
Muntik ng matapilok si Micah sa narinig siya naman ay natawa.
"Bakit masyado kang mahilig sa Aurora's?", taklesang tanong ni Micah kay Hugh.
"Well, they have a great food, a fancy place, and a great chef.", sagot ni Hugh sa tanong ng kaibigan niya.
"Kilala mo ba ang chef ng restaurant?",singit ko naman sa usapan nila.
"Hindi ko kilala ang pangalan but I saw him once. Siya din daw ang owner ng resto at bar dito sa buong bansa.", sabi ni Hugh sa kanila.
"Yeah right!",sabi naman ni Micah. Nakita niya na halos nagpipigil ito ng tawa. Lukaret talaga itong kaibigan niya. Paano ba naman kasi, hindi naman alam ni Hugh na ang kuya niya ang may-ari ng Aurora's.
"Aahmm, Aurora's Grill will be fine,", mayamaya ay sabi niya. Napangiti naman ng malawak si Hugh. At pumunta na nga sila sa parking area.
"May kotse ako eh. Sunod na kami.", sabi ko sa lalaki. Nakita niyang sumimangot ito at ginusot ang ilong.
"Do you know how to drive?", baling niya sa kaibigan ko. Pinandilatan ko naman ng mata ang kaibigan ko, at mabuti naman na-gets agad nito ang ibig niyang sabihin.
"Hindi eh, kaya nga nagpapahatid ako minsan kay Cassie.", napakamot sa batok sa pagsisinungaling si Micah.
"Ah ganun ba, so ganito na lang, iwanan niyo na lang ang kotse ni Cassie dito, at ako na ang maghahatid sa inyo.", suhestiyon nito sa kanila. Sigurista talaga ang lalaking ito, pero nakakatuwa din naman.
BINABASA MO ANG
Nobody Knows ( I have a 'Cass' on 'Hugh')
RomansAnyeong Haseoyo! (tama ba spelling ko?) 🙄 Ang istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Kung may pangalan, pangyayari o eksena na kapareho ng sa inyo o sa kapitbahay niyo ay wala na ako dun. 😜😜 💡💡💡💡💡💡💡💡💡💡💡💡💡💡💡💡💡💡 Kung ang mga...