Anyeong Haseoyo! (tama ba spelling ko?) 🙄
Ang istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Kung may pangalan, pangyayari o eksena na kapareho ng sa inyo o sa kapitbahay niyo ay wala na ako dun. 😜😜
💡💡💡💡💡💡💡💡💡💡💡💡💡💡💡💡💡💡
Kung ang mga...
Nakalipas ang 2 araw ay naging normal pa ang kanilang pamumuhay. They go to school as usual, pero si Hugh tumatawag na lang sa kaniya, masyado itong busy ngayon sa company nila.
Si Micah naman ay sa kanila na muna nakatira. Mas mabuti na ang sigurado. Si Bryan naman ay pina-installan niya ang bahay namin ng bagong security system. High tech at ang bilis ng pagkagawa, syempre ilang libo o milyon na naman siguro ang binayad ng kuya niya. Hindi na siya nag tanong pa dito. Wala pa din siyang balita sa kuya Carlo niya, the last time he heard about him is nung tumawag siya 2 days ago.
Nasa cafeteria siya ngayon at hinihintay ang lukaret niyang best friend may binili pa kasi ito sa mall na malapit sa University nila kaya heto ngayon siya at nag-iisa, kung nandito lang sana si Hugh may kasama siya ngayon. Nababuntong-hininga siya habang pinagpatuloy ang pagbabasa ng libro niya.
"Ang lalim nun ah."
Nabigla siya sa nagsabi nun at pagkalingon niya ay nakita niya si Hugh in his executive attire. Guwapong-guwapo at nakangiti sa kaniya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"My gosh, Hugh. You're here.", masayang sabi niya dito at nilapitan ito at niyakap ng mahigpit. He missed him damn much. Kahit 2 days pa lang silang hindi nagkita. Maya-maya ay bumitiw na siya at umupo na sila.
"W-why are you here? I mean, alam ko busy ka ngayon.", talagang nabigla siya sa pagparito nito.
"I want to talk to you, that I can't talk over the phone. Tumawag na ba si Carlo sa iyo?",seryosong sabi nito sa kaniya. Umiling siya sa tanong nito. Hindi pa naman kasi talaga tumatawag ang kuya niya at nag-aalala na siya. Tumango lang ito bilang pagtugon at bumuntong hininga na rin ng malalim.
" What's the problem? ", tanong niya dito at hinawakan ang kamay nito.
"Cass, the situation in China is not good. Mas malala pa to sa corona virus last year, I mean ang symptoms niya is like corona virus pero paglumala ang pasyente nagiging bayolente ang mga ito, their eyes are turning red at nagda-dry ang mga balat nila. Ginagawa nila ang lahat ni Carlo para makagawa ng gamot dito pero wala pa din. And it is getting worse. Pero naglockdown na ang buong company nila. Wala na munang makakapasok at makakalabas sa company nila. ", mahabang paliwanag nito sa kaniya. At shocked na shocked siya sa mga sinabi nito. Kaya ba nagpalagay ang kuya niya ng bagong security system, dahil ito ang situation ngayon sa pinagtatrabahuan niya? My gosh!
" Ano daw ba ang sakit na ito?", tanong niya kay Hugh.
"Nobody knows, kahit sila Carlo. It is like a corona virus like pero parang hindi rin.",sagot nito sa kaniya. Maya-maya pa ay narinig na nila ang matinis na tinig ni Micah mula sa pintuan.
"Hugh......", tili nito at patakbong lumapit sa kanila. At yayakapin sana nito si Hugh pero madali niya itong naharang.
"Ikaw talaga kahit isang yakap lang sana eh.",inirapan siya ng kaibigan at umupo naman agad sa harapang upuan niya.
"Asa ka pa dyan eh! Ano ba yang binili mo?",tatawa-tawa siya sa inakto ng kaibigan niya. Minsan talaga may pagka-lukaret din ito eh.
"Syempre bumili ako ng notebooks at ballpen at libro na din.",pagmamayabang pa niya sa amin. Kung wala lang talaga si Hugh ay binatukan ko na itong babae na ito. Pwede naman siyang bumili ng mga ganyan sa University eh lumabas pa talaga siya.
"I know what you're thinking beshy, eh ang papangit ng mga notebooks nila dito. Sa NBS makakapili talaga ako ng design na gusto ko.",defensive naman agad nito na sagaot ng makita nitong naningkit ang mga mata niya.
Napabuntong hininga na lamang siya sa kaniyang kaibigan at napailing na lamang.
================================
Carlo's POV
"Sir, ano na ang gagawin natin? We need another test sa mga patients.",sabi niya sa kaniyang Head Chemist.
"We will wait for the second result. And after that, we will test again patient 2. If the results are still the same, maybe we should report this to the authorities. We've been finding solutions here for almost a week now, and I'm running out of choices and solutions. ", sabi ng Head Chemist nila at naihilamos pa nito ang mga kamay sa mukha. Tatlong pasyente ang tini-test nila dahil ito ang nakaranas ng symptoms. Pero after 24 hours ay lumala ang mga ito at biglang nanuyot ang mga balang, nagkulay ube ang mga ugat nito na visible na sa outer part ng balat, at nagkulay pula ang mga mata. Nagiging bayolente din ang mga ito at para gustong magwala at kumagat ng tao. Kaya ginapos nila ang mag ito ng mahigpit. Inilagay sa isolation room na lingid sa kaalaman ng mga empleyado ng company nila.
Ang tanging nakakaalam lamang sa mga nangyayari ay ang nasa Research Department at Top Management.